Chapter 26

22 0 0
                                        

Brigitte's POV

May PE class kami ngayon. Kaya ito kami ni Delanxe nasa gym ng school. Iniintay nalang namin si Shin. 4:15 pa lang ng umaga nandito na kami.

Maya-maya naman ay dumating si Shin kasabay si Blake. Pero ang pinaka napansin 'ko ang black eye ni Shin. Anong nangyari sa kaniya? Mukha rin siyang walang tulog.

"Ano nangyari sayo? Ba't may black eye ka?" tanong ni Delanxe.

"Baliw. Eyebags tawag dyan, bakla," pang-aasar 'ko.

Bigla namang sumulpot si Alex na nasa likod na ni Shin. "Si Shin? May eyebags? Talaga lang ha? Eh takaw sa tulog yan ah?" hindi niya makapaniwalang sabi. Inakbayan niya si Shin at tinignan.

"Oh shit, oo nga," natatawang sabi ni Alex.

Nagstart na ang klase. Hindi talaga ako makapagconcentrate kapag inaantok ako. Bakit kasi napaka'aga ng pasok? Pwede namang sa hapon na lang.

Kalagitnaan ng klase ng magulat kaming buhat buhat ni Alex si Shin. Hinimatay daw, kahit hindi.

Nang makaalis si Shin at Alex, nagstart na ulit si Sir magturo. Arnis ang tinuturo ngayon kaya ang iniintay ko lang yung activity. Hindi kasi ako nakikinig tuwing may discussion inaantok lang talaga ako.

"Babes, kamusta naman kayo ni Miere?" tanong ko kay Delanxe na ngayon ay hindi rin nakikinig.

"Okay naman," sagot niya.

"Eh ba't sabi mo nung nasa bahay tayo nila Blake hindi mo na siya ramdam?" tanong ko pa. Naalala 'ko kasi nag-away din sila no'n.

"Hindi niya ako pinapansin," simpleng sagot niya.

"OA mo naman. Hindi ka lang pinapansin," irita 'kong sabi.

"Eh bakit ka ba nangengealam? Ikaw nga dapat magkwento diyan. Nung umuwi kami galing sa inyo, 'di mo ko nirereplyan," mataray niyang sabi.

"Miss mo kaagad ako?" pang-aasar ko.

"Hindi. Tatanungin pa sana kita about sa date niyo ni Kurt," sabi niya.

"Friendly date, Babes," pagtatama ko.

"Edi friendly date."

Kwinento ko lang sa kaniya kung paano nagsimula 'yon. Simula nung hinatid niya ako galing sa bahay ni Blake hanggang sa nakauwi ako galing sa bonding naming dalawa.

Maya-maya natapos na ang oras ng PE. Nagpalit ako ng uniform, may locker naman kasi kami sa school at wala naman masyadong pinagawa ngayon kaya hindi ako masyado pinagpawisan.

Buti nga rin hindi masyadong intense ang activities lately.

Umuwi naman si Delanxe para magpalit at kumain pero paniguradong babalik din agad iyon.

Si Shin naman tulog pa hanggang ngayon. Sinilip kasi namin siya ni Delanxe sa clinis nung palabasin na kami sa gym ni Sir at ayon sarap ng tulog.

7:30 na ngayon at 8:00 ang regular class namin. Nagteacher's orientation lang kami kahapon, kaya puro reminders and discussion lang ng syllabus ang nangyari.

---

Nandito na kami ngayon room at iniintay nalang magbell. Alam na rin ng mga kaklase namin na acting lang ni Shin ang pagkahimatay niya.

Sino ba naman kasing magtataka na nawalan ng malay maghapon.

Dumating si Shin kaya napatingin ang iba naming kaklase sa kaniya.

"Best actress!" sigawan nila at tumawa lang si Shin.

"Pagkatapos ka namin hintayin magising iiwanan mo na lang kami basta?" kunwaring tampo ni Alex. Akmang uupo na si Shin sa tabi ng mga kaibigan niyang lalaki pero pinigilan 'ko siya.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon