Brigitte's POV
"What do you think babes? Anong meron sa scrapbook ni Blake at tumingin sayo si Sir Kevin?" tanong ni Delanxe.
Nandito kami ngayon sa garden.
Pinaguusapan namin yung nangyare kanina sa English time. Nabanggit 'ko kasi na tumingin sa akin si Sir kanina.
"Babes, 'di mo ba natitignan ang scrapbook ng kambal mo?" tanong ni Delanxe kay Shin. Umiling naman si Shin.
"Hindi. Pakialam 'ko do'n? Tsaka kahit naman sabihin 'ko na patingin ako hindi 'yon papayag," pagsagot ni Shin.
"Baka naman inaasar ka lang ni Sir. Alam mo namang alam niya na crush mo si Blake," sambit ni Delanxe.
"Baka nga. Alam mo naman yun eh," pagsagot 'ko. "Hayaan na nga natin. Ba't ba natin topic yan?" pag-iiba 'ko ng topic.
"IKAW EH!" Sabay nilang sabi.
"Infairness, mas mukha na kayong kambal. Kanina pa kayo sabay kung magsalita eh," irita'kong sabi. Lumalabas na naman pagiging maldita 'ko!
Inirapan lang ako ng dalawa. Maya-maya nakita namin si Miere na agad naman lumapit samin. "Free time niyo?" pagtatanong niya.
"Obviously. Alangan namang nag cutting kami, Kuya," pagtataray ni Shin.
"Oh bakit naman hindi?" sagot naman agad sa kaniya ng kuya niya. "Tara kain tayo," aya naman niya kay Delanxe.
"Hindi mo kami isasama?" Pagtatanong 'ko. Umiling naman siya at tinawanan ako. Inirapan 'ko naman ito.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Delanxe.
"Kahit saan. Basta kasama kita," sagot ni Miere.
"ANO BA NAMAN YAN! EXCUSE ME OH!?" bitter 'kong sigaw sa kanila.
Tinawanan lang kaming nung dalawang at umalis na. "Naiwan na naman tayong dalawa. Baka tayo talaga meant to be, Babes," pang-aasar 'ko kay Shin at kinawit ang braso ko sa braso niya. Sinamaan naman niya agad ako ng tingin.
"Shut up. Pasok muna ako sa room, matutulog ako," pagpapaalam niya. Tumango nalang ako.
Nilabas 'ko yung earphones 'ko at sketch pad 'ko pagkaalis ni Shin. Makapagdrawing na nga lang. It is just one of my hobbies. It relaxes me.
Habang nagd'drawing ako. Napansin 'kong may tao na nasa tapat 'ko. Inangat 'ko ang tingin 'ko at nakita 'ko si Kurt. Tinanggal 'ko ang earphones 'ko. "Uy. Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong 'ko.
Tumabi naman siya sakin. "Bibisitahin ka. Haba ng free time ko eh. Kaya naisipian 'kong pumunta dito," nakangiting sabi niya.
Pwede kasi outsider dito sa DVU as long as may kakilala ka dito.
"What are you doing? Can I see?" binigay 'ko naman sa kaniya sketch pad 'ko. "Galing mo naman magdrawing. Sketch mo 'ko, para may gwapo kang subject."
Nag-pose naman siya ng nakapogi sign at binalik na sakin yung sketch pad. Tinawanan 'ko na lang siya at pinitik sa noo.
"Corny mo 'no, 'wag ka na pumose!" nakangiti 'kong sabi at sinimulan 'ko na magsketch.
Kinuha niya yung earphones 'ko, sinuot niya yung isang ear speaker at sinuot niya naman yung isa sa tenga 'ko. "Para mas relax ka," sambit niya
Tahimik lang kami ni Kurt. While I'm doing his favor, he's just patiently waiting for me.
Makalipas ang ilang minuto natapos na 'ko. Kinuha naman niya sketch pad 'ko. "Kahit sa drawing, ang gwapo 'ko talaga," mayabang niyang sabi habang tinitignan yung drawing 'ko, tumingin naman siya sakin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Novela JuvenilThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
