Brigitte's POV
1st day of school na kaya ito maaga na naman ako gumising.
It's been a month nung huli 'kong nakita sila Mom. Pagkagising 'ko kinaumagahan, sabi ni manang maaga daw sila umalis.
Umalis ulit sila nang hindi kami okay ni dad.
Naabutan 'ko sa may gate si Delanxe kaya pagkapark ni Mang Berto, lumabas na agad ako at tumakbo papunta sa kaniya.
"BABES!" sigaw 'ko, napalingon naman sa akin si Delanxe habang nakakunot ang noo.
Tumigil siya sa paglalakad at inintay akong makalapit sakaniya. "Ingay ingay mo. First day ngayon mahiya ka," bungad niya sa akin.
"Wow. Good morning din," bati 'ko.
Habang naglalakad nagkwentuhan lang kami about sa nangyari sa bakasyon namin kapag hindi magkasama.
"Okay na ba kayo ni Miere?" tanong 'ko.
"Siguro," maikli niyang sagot.
Nakarating kami sa labas ng room at himala ang aga ni Shin na ngayon nakikipag-usap kay Keneth.
"BABES!!!" sabay naming sigaw ni Delanxe nang makapasok kami.
"Ang iingay talaga ng mga babae palibhasa dalawa bibig," natatawang sabi ni Alex. Tinignan lang namin siya ng masama ni Delanxe.
Bastos 'to ah.
"Eh kayo dalawa na ulo niyo ba't bobo pa in kayo?" ganti naman ni Delanxe. Bestfriend 'ko yan! Si Shin naman tawa lang ng tawa.
"Nasaan kambal mo?" tanong 'ko. Tinanong din siya ni Delanxe kung nasaan si Miere.
"Mukha bang alam 'ko?" mataray na sagot niya sa amin.
"Lasing nung house blessing ni kuya Jonas. Malamang hindi maalala," pang-aasar sa amin ni Keneth. Aba't kanina pa sila ha.
Ang tagal na talaga no'n!
"Itong lalaking 'to walang ibang ginawa kundi mangbwisit eh," inis 'kong sabi.
Kinuha 'ko ang bag 'ko at lumabas. Maaga pa naman ngayon, nagbebell naman kapag oras na ng klase.
"Babes! Wait mo 'ko!"
Napalingon naman ako at nakita 'ko si Delanxe. Ngayon naman siya yung naghahabol sa akin. Kailan kaya si Blake?
Nung nakauwi kami galing Baguio, hindi na ulit nagparamdam si Blake sa akin, tinetext 'ko siya pero hindi naman nagrereply.
"Oh bakit ka lumabas?" tanong 'ko nang makalapit siya sa akin.
"Wala, ginaya lang kita," sagot niya. "Hanapin natin si Miere," aya niya.
"Si Blake na lang," saad 'ko.
"Parehas na lang."
Sa paglilibot naming hindi namin nakita si Blake at Miere. Pagkapasok naman namin sa room nando'n na si Blake. Nakakainis ha. Dito 'ko lang pala siya makikita.
Maya-maya dumating na si Sir Kevin. Since first day pa lang naman, wala na muna siyang pinagawa.
Sunod naman na pumasok si ma'am Picones ang teacher namin sa Tech 12.
"Good morning, mga anak," bati niya. Si Ma'am Picones naman masaya rin kapag time niya.
"Good morning, ma'am!" masigla naming bati.
Nagpakilala lang si Ma'am Picones pati na rin kami. Kung anong ginawa ni Sir Kevin gano'n lang din ginawa ni ma'am. Kaya ang boring.
Recess namin ngayon at lumabas na kami ni Delanxe ng room para hanapin muli si Miere. Kanina kasi hindi namin siya nakita eh. "Tawagan mo na kaya?" sambit 'ko.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...