Chapter 39

15 0 2
                                    

Brigitte's POV

Ngayon na yung start ng training ng mga sports para sa Intrams. Last week DVU ang nanalo laban sa Alcantara High.

Nandito kami ni Shin ngayon sa gym para magtraining na sa badminton. Si Delanxe naman nandoon sa kabilang side, nagrerehearsal.

Iba-iba ang schedule bawat sports, sa hapon pa ang basketball at kami naman ngayong umaga. Pero ang rehearsal ng cheerleading squad alam 'ko maghapon sila.

Pagkatapos namin magwarm up, pinatakbo na kami ng 10 laps. Tatlong ikot pa lang yata napapagod na ako. Si Shin naman, ayon nangunguna. Sana all.

Nang maramdaman 'kong hindi 'ko na talaga kaya nagpalusot ako sa trainer namin na magCR lang ako, buti na lang pinayagan ako.

Pumasok agad ako sa dulong cubicle at nagsuka.

Halos hindi na rin kami nagkikita nila Manang dahil marami na kaming ginagawa at araw-araw pa may training Kaya sila Blake, gabi ang training.

Kapag sabado naman tulad ngayon, umaga kami.

Medyo natagalan din ako sa CR.

Pero nung umayos ang pakiramdam 'ko, agad na rin naman akong bumalik ng gym, nakita 'ko naman si Shin na nakaupo.

Kinuha 'ko muna ang water bottle 'ko bago tumabi sa kaniya.

"Saan ka galing?" tanong niya.

"NagCR lang," sagot 'ko naman sa kaniya.

"Ang tagal no'n ha," komento niya pa. Hindi naman ako sumagot dahil baka kung ano pa masabi 'ko. "Okay ka na?" tanong niya pa.

"Oo naman," tumingin ako sa kaniya at nginitian siya. Nakita 'ko naman sa mata niya na parang nag-aalala siya.

"Bakit mo natanong?" tanong 'ko at umiling naman siya at nginitian ako ng malungkot.

"Shin, ikaw muna. Labanan mo si Gaile," pagtawag sa kaniya ng trainer namin. Agad naman siyang tumayo.

Habang nanonood ako ng laro nila bigla namang may tumabi sa akin kaya napatingin ako kung sino.

"Hoy, kinakabahan ako. Hindi ako sanay na ka'doubles ka," natatawang sabi ni Neo sa akin. Mixed doubles kasi kami.

"Ikaw na bahala sa akin ha," natatawa 'ko ring sabi sa kaniya. "Basta position tayo," paalala 'ko sa kaniya.

Tumango naman siya sa akin. "Kamusta kayo ni Blake? Talagang pinagselosan niya pa ako," natatawa niyang sabi.

"Okay naman kami," pagsagot 'ko.

Napatingin naman kami kay Shin na ngayon ay paupo na ulit. Parang wala naman kapawis pawis 'to.

"Tapos na agad kayo? Sino panalo?" tanong 'ko. Habang umiinom naman siya ng tubig, tinuro niya ang sarili niya.

"Ano score?" tanong 'ko pa.

"15-2," maikli niyang sabi. Halimaw talaga 'to.

Kami naman ni Neo ang susunod na lalaro kaso bago pa kami nakapagstart narinig 'kong sumisigaw si Delanxe sa kabilang side ng gym.

Sino kaaway neto? Nanlaki naman na ang mata 'ko nang makita 'kong sinampal niya yung ka'member niya.

Nilingon 'ko si Shin na ngayon ay nakakunot ang noo. Napatingin naman siya sa akin at binigyan 'ko na siya ng sign na puntahan namin.

"Pupuntahan lang po namin kaibigan namin," paalam 'ko sa trainer namin.

"Importante ba yan?" naiiritang tanong naman niya sa akin. Bago pa ako sumagot ay sumingit na si Shin.

"Kita niyong may gulo, coach. Tingin mo rin ba wala ka dapat gawin?" malamig na sabi ni Shin.

"Bilisan niyo nalang."

Nauunang tumakbo si Shin papunta kay Delanxe. Hindi naman ako makahabol sa kaniya.

Nakarating kami ngayon kay Delanxe at agad siyang inawat. "Babes, tara na," aya 'ko sa kaniya. Tinignan 'ko naman kung sino ang sinampal niya.

"Bakit mo sinampal si Sabrina?" tanong 'ko.

"Mang-aagaw siya eh," nakita 'ko sa mata ni Delanxe ang galit sa mga mata niya na kaya niyang pumatay pero kitang kita rin ang pangingilid ng mga luha niya.

"Delanxe, tara na," kalmadong sabi ni Shin.

Pagkalabas namin ng gym, doon na simulang pumatak ang mga luha ni Delanxe. Ano bang nangyayari?

Pumwesto kami sa tambayan ng school. Wala masyadong tao kaya walang makakakita sa amin.

Niyakap 'ko naman si Delanxe habang si Shin naman ay hawak ang kamay niya. "Ano bang nangyari?" tanong ni Shin.

"Wala na kami," mahinang sagot ni Delanxe. Humiwalay na ako sa yakap 'ko sa kaniya at hinawakan na rin ang kamay niya.

"Pumunta ako sa bahay niya kagabi. Ilang araw na kasi niya akong hindi pinapansin or hindi nagpapakita sa akin."

"Pagkarating 'ko sa bahay niya at pagkapasok sa kwarto niya. Nakita 'ko siya.." huminga siya ng malalim bago tinuloy ang pagkwento niya.

"Nakita 'ko siyang may kasamang ibang babae sa kama. Si Sabrina."

"Ang sakit sakit. Kasi kung ayaw na niya sa akin, sabihin niya na ng maaga. Hindi yung nagmumukha akong tanga. Lumalaban pa ako sa amin eh."

Ang sakit makita na umiiyak ang kaibigan mo.

"Tapos malalaman 'ko yung taong pinaglalaban 'ko is sumuko na pala tas hindi 'ko pa alam," tumawa si Delanxe nang sabihin niya 'yon.

Pinunasan 'ko naman ang mga luha niya habang nagkekwento siya.

"Babes, alam niyo yung pakiramdam na, alam niyo sa sarili niyo na may nagbago, na may nag-iba. Pero pinipilit mong isipin na wala lang yon. Na baka may problema lang siya," dagdag niya pa.

"Kapag mahal mo kahit alam mong may problema na sainyo, lalaban ka pa rin. Siya ang kasama 'ko simula palang nung una, tas biglang siyang mawawala," pagtatapos niya.

Nagbigay lang kami ni Shin ng advice kay Delanxe. Halos mag-iisang oras din namin siyang pinatahan. Halata mo sa kaniya na pagod na pagod na siya at yung mga mata niya.

"Kaya mo yan," sabi 'ko sa kaniya.

"Wala naman akong choice eh," malungkot niyang sabi.

"Isipin na lang natin na para sa makakabuti sayo yon. Na may dahilan si Lord kung bakit nangyari yan," dagdag 'ko pa.

"Babes, huwag niyo akong iwan please," pagmamakaawa niya. Nakita 'ko naman na parang tumingin sa akin si Shin at Delanxe sa akin pero hindi 'ko na lang pinansin.

"Dito lang kami," sabi naman ni Shin.

Lumipas na ang ilang oras mukha namang naging okay na pakiramdam ni Delanxe. Nagkekwentuhan sila ni Shin habang ako naman nakikinig lang.

Sana maging okay sila soon. Gusto 'ko na mag-open sa kanila. Pero huwag nalang muna siguro.. Ayokong madagdagan pa ang iisipin ni Delanxe.

Mahal na mahal 'ko silang dalawa kaya alam 'kong sobra silang masasaktan. Lalo na hindi 'ko na alam kung ano yung pwedeng mangyare sa mga susunod na araw.

Unti-unti na kasi akong nakakaramdam na pagkapagod..

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon