Brigitte's POV
This is my last day with Blake, 3 days lang kami dito sa Baguio. Madami na rin kaming napuntahan tulad nung sa strawberry farm, hindi naman talaga ako kumakain at mahilig sa strawberry. Pero kumuha pa rin ako para kay Delanxe.
Hindi 'ko naman alam kung ano gusto ni Shin, dahil hindi naman nila alam na kasama 'ko si Blake. Napuntahan din namin yung sa La Presa, yung sa forevermore.
Laking pasasalamat 'ko naman dahil hindi ako inaatake ng sobra. Pero may oras din na nakakaramdam ako ng pagkakapos sa hininga at pagsikip ng dibdib. Buti nalang hindi napapansin ni Blake 'yon.
"Madami pala talagang park dito sa Baguio," pagputol 'ko ng katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Blake.
"You love parks?" tanong niya at tumango ako.
"Kind of. Pangarap 'ko rin kasi makapagpicnic date kapag nagkaboyfriend ako,"
Tumango lang siya at hindi na muling nagsalita. Anong bang nangyari? Simula nung pinuntahan namin yung huli namin destination, biglang tumahimik si Blake.
Nandito na kami sa hotel, inaayos na namin gamit namin dahil uuwi na kami. 3:00 pm na ngayon kaya paniguradong aabutin kami ng gabi. "Blake, are you okay?" tanong 'ko.
Natatakot kasi ako. Baka hindi na naman niya ako pansinin at baka sungitan niya ulit ako. Ayoko na maulit yun.
"Oo naman," maikling sagot niya. Ang atensyon niya ay nasa pag-ayos lang ng gamit hindi manlang niya ako tinignan.
"Bakit ang tahimik mo?" nag-aalala 'kong tanong.
"Pwede bang wa'g ka na magtanong?" mahinahon niyang sabi.
Natahimik naman ako. "Sorry," mahina 'kong sabi. Narinig 'ko naman ang buntong hininga niya.
Ano na naman ba nangyari?
Kahapon mas naging makulit si Blake, kitang kita 'ko ang saya sa mga mata niya. Nung pagkagising 'ko nga kahapon, nakangiti siya sa akin tas niyaya na ako magbreakfast.
"Tulog mantika ka, tara na baka maubusan tayo ng breakfast," pang-aasar niya.
Marami kami napuntahan kahapon at lahat nang iyon ay gusto 'kong balikan, lalo na yung Mines View Park. Ang ganda kasi talaga ng view do'n.
Naramdaman 'kong tumigil ako 'kotse, hindi 'ko pala namalayan na nakatulog ako. Dumilat ako at nagtaka dahil nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Paano nalaman ni Blake kung saan ako nakatira?
Tumingin ako kay Blake na ngayon pala ay nakatingin sa akin. "Paano mo--"
"Baba na. Tulungan kita sa gamit mo," putol niya. Bumaba kaming dalawa at siya na ang kumuha ng gamit 'ko. Kinuha 'ko ang cellphone 'ko para tignan ang oras. 10:00 pm na pala.
Paano niya nalaman bahay namin? Sa pagkakatanda 'ko naman hindi pa niya ako naihahatid dito.
"Thank you, Blake," sabi 'ko nang makarating kami sa tapat ng gate. Tumango lang siya at bahagyang ngumiti.
Tumalikod na siya sa akin pero hindi ako nakapagpigil. "Blake," tawag 'ko sa kaniya.
Humarap siya naman siya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi niya ako niyakap pabalik, pero okay lang 'yon. Pakiramdam 'ko ayoko na bumitaw.
Natatakot kasi talaga ako.
Hindi niya ako inilayo sa kaniya, kaya mas hinigpitan 'ko yung yakap 'ko. Humihinga lang siya ng malalim at rinig na rinig 'ko rin ang tibok ng puso niya.
"I love you," mahina 'kong sabi.
Hinawakan na niya ang balikat 'ko at dahan dahang inilayo ako sa kaniya. Naging malungkot ang mga mata.
Matapos no'n, umalis na siya.
Pumasok na ako sa bahay at nakita 'ko ang mga magulang na nasa sala. Mukhang iniintay ako.
"Saan ka galing?" bungad sa akin ni Dad. Bumeso lang ako sa kanilang dalawa at nagbalak na tumaas sa kwarto 'ko.
"BRIGITTE ANNE!" sigaw ni Dad.
"Miss mo ba ako masyado, Dad?" sarcastic 'kong tanong. Ganito naman kasi talaga ang nangyayari sa amin kapag umuuwi sila. Kahit miss na miss 'ko sila.
"Anak, tinatanong ka ng daddy mo. Saan ka ba kasi galing?" mahinahong tanong ni Mom.
"Baguio," simple 'kong sagot.
"Sabi ni Manang sa amin madalas mong hindi naiinom gamot mo. Bakit? Busy lumandi?" singit naman ni Dad.
"You know what, Dad? Sana hindi na lang kayo umuwi dito," matapos 'ko sabihin iyon, umakyat na ako habang tumutulo na ang luha 'ko.
Malandi ba kasi talaga ako? Dalawang lalaki na ang nagsasabi sa akin no'n.
Yung mga lalaking mahal ko..
Hindi pa naaabutan nila Shin ang magulang 'ko dito. Akala nila maayos kami ng pamilya 'ko pero sa totoo lang hindi.
Lagi nila ako pinoproblema dahil sa tigas ng ulo 'ko. Actually, gusto na nila ako patigilan sa pag-aaral para sa health 'ko, stress lang daw abot 'ko.
Pero hindi 'ko sila sinunod.
Nakapasok na ako sa kwarto at deretso lang ako sa kama tsaka lang umiyak nang umiyak. Sumisikip na ang dibdib 'ko at kinakapos na 'ko sa hininga.
Inaatake na ako. Kinalma 'ko lang ang sarili 'ko gaya ng ginagawa 'ko kapag mag-isa ako.
Kailangan 'ko ng kausap, ayokong makaramdam ng mag-isa. Tinawagan 'ko si Shin pero hindi ito sumasagot, gano'n din si Delanxe.
Tinawagan 'ko na rin si Blake, pero ring lang ng ring. Nakakailang tawag na ako sa kanila, pero wala pa rin. May number ako ng members ng Cute Pandas at Black Dragons pero baka tulog na rin sila.
Huli 'kong tinawagan si Kurt. Ilang ring pa lang sinagot na nito tawag 'ko.
[Hey,] bungad niya sa akin.
"Busy ka ba?" pilit 'kong maging maayos ang boses 'ko, pero nanginginig pa rin talaga ito.
[Are you okay? Umiyak ka ba?] halata sa boses niya ang pag-aalala.
"Just had a little fight with my dad. Pwede mo ba akong sunduin? Gusto 'ko lang makalayo-layo kahit sandali," nahihiya 'kong tanong.
Hindi 'ko kasi talaga kakayanin kapag gumising ako nang makakaharap muli ang magulang 'ko.
[Yeah sure. I'll be there in a minute. Tetext nalang kita,]
Binaba 'ko na ang tawag. Pumunta naman ako sa banyo para maghilamos at kitang kita pa rin talaga ang pamamaga ng mga mata 'ko.
Bumaba ako para sana intayin si Kurt, kaso hiniling 'ko na sana hindi 'ko na lang pala ginawa.
Nasa sala si dad, pero si mom wala na, for sure nasa kwarto na nila. May isang baso na may nakalagay na alak sa tapat ni dad.
"Dad..." pagtawag 'ko sa kaniya.
"If you're just gonna say sorry forget it. Punong puno na ako sayo, Brigitte Anne," awtoridad na sabi niya at napatungo na lang ako.
"Kada umuuwi kami ng mommy mo dito, puro perwisyong ginagawa mo ang bumubungad sa amin. Pinagtatakpan ka pa ni Manang sa amin tuwing tumatawag kami para hindi kami magalit sayo," dagdag pa niya.
Nakatungo lang ako gaya ng lagi 'kong nagagawa tuwing ganito kaming dalawa. May narinig akong busina sa labas. Lalabas na sana ako, pero biglang humarang si Dad sa pinto. "Saan ka na naman pupunta?" inis niyang tanong.
"Diyan ka lang," pigil niya pa.
Lumabas si Dad at ako naman ay sumilip lang sa pinto.
Nag-uusap silang dalawa, halatang may pinapaliwanag naman sa kaniya si Kurt. Maya-maya nakita 'kong bumuntong hininga si Dad at naglakad na papasok.
Nakita 'ko naman si Kurt na pumasok na sa 'kotse niya at nagdrive paalis.
"Bumalik ka sa kwarto mo, Brigitte," mahinahong sabi ni dad. "Kung ayaw mong malintikan sa akin, bumalik ka sa kwarto mo."
Naglakad ako pabalik sa kwarto 'ko bago pa naman ako tuluyan makalayo. Tumulo na naman ang mga luha 'ko sa sinabi ni dad.
"You're such a burden to everyone."
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Novela JuvenilThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
