Chapter 38

8 0 0
                                        

Brigitte's POV

"Babes, ano naayos mo na ba banner mo?" tanong sa akin ni Delanxe. Nandito kasi sila ni Shin ngayon sa bahay lalo na't basketball game na ulit ngayon ng DVU vs Alcantara High.

Hindi 'ko nga alam kung bakit pa nandito si Delanxe. May sayaw kaya sila mamaya sa court. Hay nako. Tigas ng mukha.

Si Delanxe naman napapansin 'ko na hindi sila na sila gaano nagsasama ni Miere. Wala naman na siyang naikekwento sa akin si Delanxe eh. Kaya wala talaga akong alam.

Magiging busy na rin kaming lahat dahil sa January na ang intrams, tas ang Christmas ball naman next month na.

Sasali naman kami ni Shin sa badminton, si Delanxe naman dahil member siya ng cheerleading squad, kasama lang siya sa mga magpeperform.

"Bakit ba madaling madali ka? Hindi ka pa diyan nakabihis ng costume niyo," sabi 'ko naman kay Delanxe.

"Maaga pa. Hindi naman sila makakapagsimula nang wala ako. Flyer ako eh," masungit niyang sabi.

Nang matapos 'ko yung banner kay Blake nagbihis na kami para makaalis na kami.

Naka'high waisted na pants lang ako at jersey ni Blake. Si Shin naman nakasuot nang pangwater girl habang si Delanxe naman suot na ang costume nila, pinahiram 'ko muna ng jacket para hindi siya masyadong exposed.

Nasa labas pa lang kami ng school ng Alcantara High ay rinig na agad ang sigawan. Konting minuto nalang kasi magsisimula na yung laban kaya marami nang tao.

As usual may reserved seat na para samin ni Delanxe.

Pumunta na si Delanxe sa isang room kung saan nandoon mga ka'member niya. Kami naman ni Shin dumeretso na sa pwesto namin.

Habang inaayos 'ko ang gamit 'ko, si Shin at Kris magkausap. Kaya ayan pinagtitinginan sila ng tao. Wala naman na ako gaano nababalitaan tungkol sa kanila.

Busy kami sa jowa namin eh.

Napatingin naman ako sa lalaking papalapit sa pwesto 'ko. Ang gwapo naman nito. Ngumiti ako sa kaniya at nang makalapit siya sa akin agad niya naman akong hinila papalit sa kaniya. "Hi Miss," nakangiti niyang sabi.

"Yuck! Kadiri! Ang lagkit mo!" reklamo 'ko. Though ang bango bango niya ha.

"Wow ha! Mabango pa rin naman ako!" sagot niya naman sa akin. "Mahal, bakit ang ganda mo ngayon?" tanong niya habang nakatitig sa akin.

"Ngayon lang?" tanong 'ko sa kaniya.

Natawa naman siya at hinalikan ako sa noo. "Palagi kang maganda. Mas maganda ka nga lang kasi suot mo damit 'ko. Pati apelido 'ko bagay sayo," sabi niya sa akin sabay kindat.

"Alam mo ang landi landi mo," sabi 'ko habang pinipigilan ngumiti ng sobra.

"Sayo lang. Sige na, practice lang ako. Diyan ka lang ha," paalala niya at tumango naman ako.

Nang matapos ang performance ng cheerleading squad ng AH. Agad namang nagstart na ang game.

Nagjump ball na sila. Si Kris ang para sa AH at si Miere naman para sa DVU.

Pagkataas ng bola sigawan kaming mga taga DVU nang makuha ni Miere ang bola. Mabilis siyang tumakbo at agad naman siyang dinepensahan ng isang player ng AH.

Pinasa naman niya ito kay Keneth na nasa side ng ring at agad niya naman nashoot ito.

Si Kurt naman ang may hawak ngayon ng bola at si Blake naman ang nagbabantay sa kaniya. "GO MAHAL!" sigaw 'ko habang hawak ang banner na ginawa 'ko para sakaniya.

"AGAWIN MO! KAYA MO YAN!" sigaw 'ko pa habang tumatalon.

Tumingin naman saglit sa akin si Blake at nginitian ako. Naagaw naman niya ang bola kay Kurt at ipinasa ito kay Alex. "WHOOOO! GALINGAN NIYO!" sigaw 'ko pa.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon