Brigitte's POV
Maaga akong nagising para sa last game ng DVU. Tutulungan pa kasi namin ni Delanxe si Shin para sa pagiging water girl niya, para na rin sabay-sabay kami pumasok.
Sinundo ako ni Delanxe dito sa bahay, as usual late na naman siya. "Babes, nagawa mo ba yung banner para sa Cute Pandas?" tanong 'ko. Kami rin kasi talagang dalawa yung gumagawa ng banners for the guys.
"Oo naman tsaka nung nagtext ka, gumagawa ako ng banner para kay Miere," sambit naman niya.
I can't remember how long they've been together, basta biglaan nalang din yung sakanila.
"Babes, when did you and Miere started nga ba ulit?" tanong 'ko habang nakatingin sa labas.
"Alam mo namang hindi kami magkasundo ni Miere nung una kaming nagkita, so I don't really know when did it start. It just happened," sagot niya.
Tandang tanda 'ko kung paano umamin sa amin si Miere na gusto niya si Delanxe, kinulit niya pa si Shin para tulungan siya. They were like dog and cat kaya. Kaya we didn't expect na magiging sila.
Pero tignan mo nga naman, ang saya-saya nila ngayon.
"Ako kaya? You know I've been approaching Blake ever since, pero wala talaga. He's very masungit and suplado," tanong 'ko sa sarili 'ko.
We never got a chance to have a conversation na maayos talaga kahit kasama namin ang barkada. As in never.
"Ikaw lang naman 'tong makulit! Teka nga, in my calculation, 5 years ka nang may feeling sa kaniya? Crush pa ba tawag dyan? Mahal mo na 'no?" tanong niya.
Tinignan 'ko naman siya at nakita 'kong nakatingin na rin pala siya sa akin habang nakakunot ang noo. Huminga naman ako ng malalim at tumango sa kaniya. W
"Sabi na lalalim yang nararamdaman mo para sa kaniya e," sabi naman niya.
"Try mo kayang tumigil sa pangungulit sa kaniya. Yung chill ka lang kapag nakikita mo siya. Para hindi siya mainis. Ang pangit mo kasi magpacute, yan tuloy sinusungitan ka," pang-aasar niya at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"But seriously, we all know naman na hindi talaga siya into sa makukulit. So try to be chill, girl," dagdag niya.
Maya-maya nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Shin. Nasa labas na sila Blake at Miere. Mukhang iniintay nila kami or si Delanxe lang dahil kay Miere. Whatever!
"Bakit naman ang tagal niyo?" tanong agad ni Miere. Lumapit naman si Delanxe kay Miere at hinalikan ito sa noo. Edi sila na!
Respito naman sa single.
"I'm sorry. Malelate naba kayo?" tanong niya.
"Late kasi akong sinundo ni Delanxe. Yan tuloy," singit 'ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin at inirapan 'ko naman siya. Natawa nalang si Miere at nagyaya na pumasok sa bahay nila.
"Good morning," nakangiti 'kong bati kay Blake at agad na 'kong sumunod kila Miere. Hindi na ko naghangad ng bati niya pabalik, alam 'ko naman 'di niya ako papansin.
Pagkapasok 'ko, nakita 'ko si Shin na ang daming dala kaya nilapitan 'ko siya at tinulungan sa mga dala niya.
"Thank you, Babes. Buti ka pa tinulungan ako. EH YUNG DALAWA 'KONG PANGET NA KAPATID ay hindi," masungit niyang sabi.
Tinawanan lang siya ni Miere at pinat yung ulo ni Shin. "Okay lang yan, sis. Love naman kita," nanlalambing na sabi ni Miere.
Nang makarating na kami sa gym. 'Di pa nagsisimula yung game pero ang ingay ingay na ng mga tao. Ramdam mo na madaming excited sa game na ito.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
