Chapter 41

20 0 0
                                        

Brigitte's POV

I came back from the hospital after a week. I started to become distant to everyone. Especially Blake.

Nagdadahilan na lang ako sa kaniya para hindi siya makapagstay dito sa bahay.

Si Kurt lang ang hinahayan 'kong puntahan ako.

Nung time na naospital ako for a week, sinabi 'ko nalang na pumunta akong US para bisitahin sila Mom.

Siguro mas okay nang hindi 'ko na sabihin.

Masyado siyang masasaktan kapag nawala na ako, kaya mas mabuti na siguro kung hangga't maaga wala na ako sa buhay niya.

Ilang linggo 'ko na rin ito pinag-isipan ng mabuti. Siguro sapat na ang limang buwan para sa amin. Ito ang gusto ng tadhana sa amin.

Pagkatapos 'kong ayusin yung samin, lalayo na ako. Hindi na ulit ako magpapakita sa kaniya. Makakalimutan niya rin ako.

Kila Shin mag-iiwan nalang ako ng sulat para sa kanila. Hindi na rin kasi ako magcecellphone para hindi na ako macocontact ni Blake.

Sasama na ako kila Mom.. Doon ako magstay hanggang sa mawala ako..

Alam na nila ang nangyari sa akin. Tinatawagan na rin ako araw-araw nila Mom para kamustahin ako.

Sinabi 'ko na rin sa kanila na gusto 'ko na sila makasama kaya agad naman silang pumayag, matatagalan nga lang papeles 'ko.

Masyado pa kasi silang madaming ginagawa.

Pagkababa 'ko bumungad na si Blake sa harapan 'ko. Tuwing gabi umiiyak ako.

Kapag pinagbibigyan 'ko siya na dito matulog, iintayin 'ko na muna lumalim ang tulog niya bago 'ko ilabas lahat ng nararamdaman 'ko.

Ang hirap iwan ng lalaking sobrang minahal mo. Ilang taon ako nag-intay para matanggap niya ako sa buhay niya, pero ilang buwan lang na pagsasama namin mawawala na rin agad.

Sobrang bitin at sobrang sayang..

Nginitian 'ko lang siya at pumunta ng kusina. "Manang.." tawag 'ko. Lumingon naman siya sa akin at nginitian. "Namamaga na naman po mata niyo," malungkot 'kong sabi.

Sa tuwing gigising ako para batiin siya, lagi 'kong nakikita na namamaga mata niya. Nilapitan naman niya ako at hinawakan ang kamay 'ko. "Okay lang kami, anak ha," sabi niya sa akin.

Halos araw-araw na kasi akong inaatake. Araw-araw sumasakit ang puso..

Gusto 'ko na magpahinga.. Pero gusto 'ko pa sila makasama ng konti pang panahon. Hindi na rin ako gaano kumakain dahil mas pinipili 'kong mahiga na lang.

Napapansin 'ko rin na pumapayat ako.

Akala 'ko ready na ako, pero mas nakakatakot pala talaga kapag mangyayari na talaga siya.

Tumango na lang ako sa kaniya at pinigilan tumulo ang luha 'ko. "Manang, okay ka lang po ba?" nag-aalalang tanong ni Blake. Sumunod pala siya sa akin.

"Oo, Blake. Nag-away lang kami ng Mang Berto niyo," pagsisinungaling niya.

Naramdaman 'ko naman ang kamay ni Blake sa bewang 'ko at paghalik niya sa ulo 'ko. "I love you," bulong niya sa akin.

Tumango naman ako kahit hindi siya tinitignan.

Naglakad na ako sa lamesa para makakain na kami. Si Blake naman sumunod sa akin habang nakakunot ang noo at nakatingin sa akin.

"Okay ka lang ba?" tanong niya. Hinawakan niya ang kamay 'ko at pasimple 'ko namang iniwas sa kaniya iyon.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon