Chapter 47

10 0 0
                                    

Brigitte's POV

Sa mga buwan na lumipas, mas lalo na akong nanghihina.

Pero si Blake patuloy pa rin sa pag-alaga sa akin kahit hindi na kami lumalabas, mas pinipili niyang magstay na lang kami sa bahay para hindi ako napapagod.

Nakauwi na rin sila Mom a few months ago, work from home na lang sila.

Kada gumigising ako nakikita 'kong namamaga mata ni Mom, si Dad parang walang tulog, at si Blake napupuyat dahil lagi niya akong iniintay makatulog.

Lumalala na ang kondisyon 'ko kaya ginusto ni Dad na ipaconfine na ako para daw namomonitor pa rin ako ni Dr. Sausa.

Ayaw 'ko sana kaso yun ang gusto ni Dad. Kapag may pasok si Blake, sila ang nagbabantay sa akin.

Pinapagalitan na nga rin nila si Blake dahil kahit pagod na pagod galing school, deretso pa rin sa dito sa ospital.

Malapit na kasing matapos ang school year kaya alam 'kong marami na pinapagawa kaya pagkapunta ni Blake dito, sinasabi 'ko na lang na gawin na niya agad. Para makatulog na siya.

Namamayat na nga rin si Blake pero hindi siya nakikinig sa akin.

"Mas intindihin mo ang sarili mo, Mahal."

Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin tuwing pagsasabihan 'ko siya.

Tuwing nagigising ako ng madaling araw, naririnig 'ko ang paghikbi niya..

Kaya sobrang sakit kasi kahit hirap na hirap na siya sa sitwasyon namin, pinipilit niyang ipakita sa akin na okay siya.

Pero konting oras na lang talaga ang kaya 'kong gawin para makasama sila.. Hirap na hirap na rin talaga ako at ayoko na silang mahirapan pa sa akin.

"Anak, may gusto ka bang kainin?" tanong sa akin ni Mom. Nakaupo lang si Dad sa couch na mayroon dito sa room 'ko habang may kausap.

"Wala po," sagot 'ko. Umupo siya sa upuan na katabi ng kama 'ko.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong niya.

"Nanghihina na," malungkot 'kong sabi. Ipinatong 'ko ang pagkain 'ko sa table at hinawakan 'ko ang kamay ni Mom. "Magiging okay din ang lahat, Mom."

Nakita 'kong may namuong luha sa mata ni Mom at nginitian 'ko pa rin. "Sige ka, kapag umiyak ka magmumukha ka nang lola," pang-aasar 'ko.

Tinawanan naman niya ako pero saktong may tumulong luha sa mata niya at agad naman niya itong pinunasan.

Hinawakan ni Mom ang kamay 'ko at deretso akong tinignan sa mga mata.

"Okay lang, anak ha. Okay lang kami.." nakangiti niyang sabi. "Kung napapagod ka na, pwede ka na magpahinga.."

"If you want to go, then go. Okay lang, anak. You've fought enough for us."

Nangilid ang mga luha 'ko at tumango sa kaniya. Naramdaman 'ko namang inaatake na ako kaya hinawakan 'ko na agad ang dibdib 'ko para alam nila.

Agad nilang tinawagan si Dr. Sausa at mabilis naman itong dumating sa kwarto.

"M-mom, I can't breathe.." nanghihina 'kong sabi.

Inalalayan nila akong makaupo habang hinahabol 'ko ang hininga 'ko. Nakita 'ko namang umiiyak na si Mom at pinapakalma siya ni Dad.

"Calm down, Brigitte," mahinahong sabi sa akin ni Dr. Sausa. Yung nurse naman na kasama niya ay may hinahandang injection para sakin.

Tumutulo na rin ang luha 'ko dahil hirap na hirap na akong makahinga. "Breathe, Brigitte."

"Pakibilis nga!" sigaw ni Dr. Sausa sa nurse.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon