Chapter 19

24 0 0
                                        

Brigitte's POV

Today is our last day dito sa Palawan. Kahit ilang araw lang kami dito, sobrang nag-enjoy naman kami. Bitin pa nga eh. Kahit madaming nangyare, masaya pa rin.

Nandito kami ngayon sa parang cave at medyo hindi maganda pakiramdam 'ko. Parang inaatake yata ako. "Saan na tayo pagkatapos?" tanong 'ko. Medyo sumisikip na dibdib 'ko.

"Mamaya natin malalaman," sagot naman sakin ni Blake.

Magkakasama lang kaming tatlo nila Shin, si Blake at iba nilang kaibigan sa Black Dragon. Hindi 'ko naman alam kung nasaan sila Keneth.

"Kakain lang ako," pagpapaalam ni Shin.

"Mag-ingat ka! Lampa ka pa naman," dinig 'kong sigaw ni Delanxe bago makalabas si Shin. Makapagsalita ang mas lampa.

Pero at some point, lampa talaga si Shin. Sinungitan nito si Delanxe at muntik na madulas. "Oh ano?!" natatawang sabi ni Delanxe.

Nang tuluyan na makalabas si Shin, nagpalinga-linga lang ako dito. Sobrang dilim talaga at yung tanging nilusutan lang namin ang pinapasukan ng hangin.

Kaya siguro ako inaatake dahil sa kulong at sobrang init pa. Flashlight lang sa cellphone yung ilaw namin.

Nilibot lang namin yung cave, wala naman masyadong maganda dito. Wala bang snake dito? Or paniki? Lumapit ako kay Delanxe para sana kumawit sa kaniya, pinagpapawisan na rin ako ng malamig sa sobrang bigat ng dibdib 'ko.

"Oh okay ka lang?" tanong nito at tumango naman ako. "Ang lamig ng mga kamay mo," dagdag niya pa.

Hinawakan niya ang kamay 'ko at nararamdaman 'kong nag-aalala na 'to sakin. Eto yung pakiramdam na pinaka'ayoko.

"Okay lang. Pwede bang bumalik na tayo? Pagod na ako eh. Tsaka ang sakit na ng paa 'ko," pagpapalusot 'ko sa kaniya.

"Sige. Blake, balik na raw tayo. Masakit na paa ni Brigitte," sabi ni Delanxe habang sila Blake ay naglalakad pa.

"Hayaan mo siyang bumalik mag-isa. Nag-iinarte lang yan," sagot ni Blake.

"Hindi ba pwedeng masama ang pakiramdam 'ko kaya 'ko gustong bumalik? Tsaka ang dilim dilim kaya dito, wala naman masiyadong nakikita eh," singit 'ko.

"Tsaka nakakatakot kaya," depensa 'ko. Kahit hirap na ako sa pakiramdam 'ko, pinipilit 'ko pa rin lumaban.

"Edi ikaw na nga mag-isa! Porket wala dito si Kurt, kami na idadamay mo diyan sa kaartehan mo," reklamo niya.

"Eh hindi 'ko nga kaya eh! Tsaka bakit na naman nadamay dito si Kurt!?"sigaw 'ko

"Ikaw ang problema! Sasabihin mong mahal mo ako, pero grabe kayo maglandian ni Kurt. 'Di ka nakukuntento sa isa," singhal niya.

There he is again, sinasaktan na naman ako sa mga salita niya.

Pero teka, paano niya nalaman yung kagabi?

"Sana minsan ginagamit mo rin yung utak mo, 'no? I should've stopped talking to you ever since naging ganyan trato mo sakin," reklamo 'ko.

"Yang mga mixed signals mo, babawi ka then after that, wala na ulit. Na parang hindi ka naging masaya nung mga araw na magkasama tayo," dagdag 'ko pa. Kailangan 'ko rin lumaban 'no!

"Sino nagsabi sayong naging masaya ako kasama ka?"

Napatingin naman ako sa kanya at nakita 'kong seryoso siyang nakatingin sakin. That was all fake?

"Alam mo, Brigitte? I'm not giving you any mixed signals. Assuming ka lang talaga," pagkasabi niya no'n ay ngumisi siya.

Huminga na lang ako ng malalim bago magsalita. Kailangan 'ko na lang kumalma. "Kurt was the one who always comforts me everytime na umiiyak ako dahil sayo. Shin and Delanxe already have their partners, kaya I have no one else to talk to," pag-eexplain 'ko.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon