Chapter 49

4 0 0
                                    

Brigitte's POV

Inabot na kami ng gabi bago makarating dito sa Morong Beach.

Ito na rin pala yung last day namin ni Blake tapos bukas aayusin na lang din namin yung gamit namin since gabi pa naman ang flight namin pabalik ng Manila.

Naglatag lang kami ng kumot at mga unan. At syempre hindi niya nakalimutan ang kumot naming dalawa. Super lamig kasi ng hangin dito.

May iba pa kaming pinuntahan after church at halata rin ngang pinagtitinginan kami ng mga tao dahil magang-maga mata namin.

"Ganda ng mga stars talaga," bulong 'ko. "One day, I will be one of them."

Tahimik pa rin si Blake hanggang ngayon at naramdaman 'ko naman na tumingin siya sakin nang sabihin 'ko 'yon.

Isinandal 'ko ang ulo 'ko sa balikat niya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Can I rest na?" mahina 'kong sabi sabay nang pagtulo ng mga luha 'ko.

"I can still stay though. I'm just asking, Mahal," dagdag 'ko.

Hindi agad siya sumagot sa akin kaya nagpatuloy akong magsalita.

"Kakayanin ko pa naman. Basta para sayo," sabi 'ko pa. Unti-unti 'ko na rin nararamdaman ang pagkapos ng hininga 'ko.. Sinusumpong na naman ako.

"We can still make more memories pagkauwi natin," dagdag 'ko.

"I'm good, Mahal," dinig 'kong sabi niya. Napaangat ako ng ulo at tinignan siya.

Nagrereflect ang mga luha niya dahil sa buwan kaya alam 'kong nagpipigil siya sa pag-iyak. Hinawakan niya ang mukha 'ko at tinitigan ako.

"You can rest," sabi niya sa akin sabay tumulo ang luha niya. Isinandal niya ang ulo 'ko sa balikat niya at patuloy na rin na nagsalita.

"Hindi na kita pipigilan. If you want to sleep, then sleep. I won't wake you up. Enough na ang mga ginawa mo para sa kanila lalo na sa akin. That is enough for me. I'm sorry ngayon 'ko lang narealize 'to. But you can rest na, Mahal."

"I'm just here. I will always be. Remember, sinabi mo sa akin nung nasa Baguio tayo na you can be my star? Pwede bang ako na lang?" tanong 'ko.

Napahawak na ako sa dibdib 'ko dahil sobrang sakit na nito.

"Whatever you want, Mahal," sagot niya. "Do whatever you want... It's okay."

Nakita 'kong tumulo na ang mga luha niya pero nginitian niya ako. Tumango lang siya sakin signing na okay lang talaga kung magpapahinga na ako.

I'm just asking for his permission. But I'm not going anywhere. I want this Batanes trip to be memorable for him.

"Now I know kung bakit kita nagustuhan," mahina 'kong sabi. Isusuot na sana niya ang oxygen mask sakin dahil alam niyang inaatake na ako. Pero umiling ako.

Kaya 'ko 'to.

"Nung time na nagkasakit si Shin, I was already able to see this side of you. I guess I wanted you to take care of me. Baka kung maaga tayo nakapagsimula, baka nagpagamot pa 'ko," natatawa 'kong sabi.

"I wanted to be loved by you. The love that I ever wanted is the type of love that you give."

Huminga ako ng malalim at naramdaman 'kong hinalikan niya ang ulo 'ko.

Hinahayaan 'ko lang tumulo yung mga luha 'ko kasi baka hindi na ulit kami makakapagusap ng ganito ni Blake.

"Yung mga ngiti mo, sobrang mahal. Super rare lang siya makita ng ibang tao. Kasi you were raised hiding your feelings and never show it to everyone, right?" tinignan 'ko siya at ngumiti siya sakin.

Tinanguan naman niya ako at ngumiti ako pabalik sa kaniya. Sinandal 'ko ulit ang ulo 'ko sa balikat niya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

So it is him.

"You're the only reason for me to stay, Mahal. Sobrang mahal na mahal kita. My life already has value because of you. Dahil sayo gustong-gusto 'ko pang mabuhay."

"Kasi we're so happy and contented. Sobrang bitin ng oras kasi kahit alam 'kong hindi ako magtatagal sa mundong 'to, I still imagined ourselves having a family. Kasi I wanted you to also feel the love that you truly deserve and the love of a family," umiiyak 'kong sabi.

I am well aware that their family is also just like mine. Broken. Just like me, sanay akong lumaki mag-isa.

And hindi naman ako tanga para hindi marealize yung situation nila. Lahat silang magkakapatid, may sari-sariling bahay na at a very young age.

Blake is just as broken as me.

Pinaharap 'ko siya sakin at ganon din ako sa kaniya. Tinignan 'ko siya at nakita 'kong tahimik lang siyang umiiyak. "Go on.. I'm listening..." humihikbi niyang sabi.

"You're the love of my life and my greatest love. You're the only person that I want to be with, Blake. You're the best thing that ever happened to me, and I will always cherish you forever."

We just hugged each other and cried together.

It's so hard to leave him like this.

That's why I promise myself to just keep going hanggang sa bumigay na talaga yung katawan 'ko. I want to show them that I still fought.

If they made an effort for me, it's time to give back to them.

Inilayo ako ni Blake sa kaniya at sinuot sa akin ang oxygen mask 'ko. Pinunasan niya rin yung mga luha 'ko.

Sumandal lang ulit ako sa balikat niya at agad naman niya akong inakbayan. Tinignan 'ko siya at nakita 'kong sobrang lungkot ng mata pero nakangiti siya sa akin.

"Rest?" tanong niya.

Pumikit ako at tumango sa kaniya.

"Rest..."

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon