Chapter 3

33 0 0
                                        

Brigitte's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ni Delanxe. Bukas na kasi papasa na namin kay Sir Kevin yung scrapbook namin tungkol sa buong school year. Buti na nga lang pumayag si Sir na bukas na rin kaming magpasa.

We went to the mall first para bumili ng mga stationaries na need namin for scrapbook and right after that umuwi na rin kami.

Si Delanxe muna ang gumagawa ngayon dahil kapag magsasabay lang kami, mag-aagawan lang kami sa gamit.

Ilang oras makalipas natapos na siya. Syempre tinignan 'ko muna yung sa kaniya, tamang kuha lang ng idea.

Nagsimula na akong gumawa. Una 'kong dinikit yung picture naming tatlo na nasa garden sa school.

Sunod 'ko namang nilagay ay yung picture ni Blake na stolen. Alam naman ni Sir Kevin mga chika sa room since kasundo siya halos lahat ng handle niyang students.

Litrato lang naming tatlo, group picture kasama Cute Pandas pati stolen pictures ni Blake mga laman ng scrapbook ko kaya there's nothing to see naman din talaga. Tomorrow is our last day for clearance week.

After that, BAKASYON NA!

Mabilis akong natapos dahil puro dikit lang ginawa 'ko. Simple lang ginawa 'ko. Nilagyan 'ko lang ng konting design.

Nang tignan 'ko yung oras. 8:00 pm na. Bilis naman ng oras.

"Babes, dito ako matutulog ha," paalala 'ko ulit sa kaniya.

"Oo na, kulit," sagot niya sa kin habang nagtetext.

"Nasaan na daw sila Shin?" tanong 'ko.

"Zark's Burger," pagsagot niya. "Sayang lang 'di tayo nakasama. Ba't kasi ang tamad natin?" naiiritang sagot niya.

"Ba't ako tinatanong mo? Nadamay lang naman ako sayo! Anyway, may kailangan pa ba for tomorrow?" tanong 'ko. Para matapos na agad.

"Yung sa Filipino. Scrapbook din yon kaya hindi na ulit tayo mahihirapan," sagot niya. Laging ganito project namin kapag mag-eend of schoolyear na. Ang babaduy!

Tumango nalang ako at lumapit sa laptop niya para magprint. Konting tiis na lang matatapos na talaga kami.

Hours passed, and finally! Tapos na kami!

Nagpadala na lang si Delanxe dito sa kwarto niya ng makakain kasi 11:00 pm na pala hindi na namin namalayan ang oras. Sabi 'ko pwede namang bumaba na lang kami, pero since tamad siya, nagpadala na lang kami dito.

"I'll take a shower na," sabi 'ko after 'ko kumain.

"Okay. Paki'bilisan dahil hindi pinaghihintay ang maganda," sabay ngiti ng nakakaloko. Sinamaan 'ko naman siya ng tingin at binato siya ng unan.

"Edi sana hindi na ako naghihintay kay Blake!" pagbibiro 'ko.

"Makapal talaga mukha mo 'no? Sige na, ako na magliligpit ng pinagkainan natin," sabi niya.

Tumango ako at pumasok na sa banyo.

Nang matapos ako maligo at magbihis. Siya na yung sumunod. Humiga na ako sa kama ni Delanxe at nilagyan ng unan yung paligid 'ko. Baka mamaya manyakin niya ako. Mabuting nang handa.

Kinuha 'ko yung cellphone 'ko. Nakita 'ko namang may text si Shin. Wow first time.

From: Babes Shin

'Babes, dito kami sa Zark's Burger. Kasama 'ko na yung Cute Pandas at Black Dragon kasama si Coach Cyrus.'

Magkakaibigan kasi ang Cute Pandas at Black Dragon kaya wala rin talagang problema kahit magkalaban sila palagi. Manalo o matalo, magkakaibigan pa rin sila.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon