Brigitte's POV
Muli akong nagising ng may ngiti sa mga labi. Hindi dahil sa muntik ng may mangyari sa amin noong nakaraang araw, kung 'di dahil sa mga actions niya.
Sa mga kasunod na araw no'n hatid sundo na niya ako. Kaya si Mang Berto naglilinis na lang lagi sa labas ng bahay.
Hindi 'ko maiwasang kiligin sa mga pinapakita at pinaparamdam niya sa akin. Nagtataka na nga sa akin si Manang dahil kada uuwi ako, namumula ako at ang laki laki ng ngiti 'ko.
Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Nakabawi na ako ng tulog. Bumaba ako para kumain na. Kanina pa ako gising pero hindi muna ako bumaba dahil inaalala 'ko yung mga nangyari nung mga nakaraang araw.
"Hi Manang," masaya 'kong bati sa kaniya.
"Hello. Nakita mo na ba bisita mo?" nakangiti siya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin kaya napakunot naman ang noo 'ko.
Bisita? Kung si Kurt naman ang bisita 'ko no'n, hindi ganiyan ngiti niya.
"Hindi mo ba pinansin? Dumaan ka sa sala diba?" takang tanong niya at tumango ako. Masyado atang lumipad utak 'ko kahit sa pagbaba.
"Si Blake nandiyan! Diba 'yon yung crush mo?" paninigurado niya.
Nanlaki naman ang mata 'ko at tumakbo pabalik sa sala.
Nandito nga siya! Ba't ang gwapo niya? Naka'sweat short lang ito tsaka black shirt.
"Blake," tawag 'ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng masama. Hala, bakit? Lumapit ako sa kaniya at tumayo naman siya.
Hinawakan niya ang bewang 'ko at inilapit sa kaniya.
"Bakit hindi mo 'ko pinansin? Nakangiti ka pa pababa. Sinong iniisip mo?" dere-deretso niyang tanong.
"I-Ikaw," nauutal 'kong sagot. Napangiti naman siya, he was about to kiss me pero agad 'kong tinakpan bibig 'ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Baka bad breath ako!" nakasimangot 'kong sabi sakaniya habang nakatakip pa rin kamay 'ko sa bibig 'ko.
Pero tinawanan niya lang ako at tinanggal yung kamay 'ko sa bibig 'ko, sabay halik sa labi 'ko.
"Go na and prepare, aalis tayo,"
"Saan tayo pupunta?" tanong 'ko.
"Kahit saan," simple niyang sagot.
"Ayoko nga," pang-aasar 'ko.
"Bakit? Ayaw mo bang kasama mo boyfriend mo?! 1st date natin oh!" inis niyang sabi.
"Boyfriend?! Hindi ka pa kaya nanliligaw!" sagot 'ko naman sa kaniya.
"Diba ikaw yung nanligaw? Sinagot na nga kita eh," nakakunot ang noo niya habang sinabi 'yon. Seryoso ba siya?
"Excuse me?" sarcastic 'kong sabi sa kaniya. "Kung ayaw mo edi wag! Buti pa si Kurt nilili-"
"Sige subukan mong ituloy sasabihin mo," pagbabanta niya.
"Huwag na nakakahiya naman sayo, napilitan ka pa," inis 'kong sabi. "Kumain ka na ba? Halika sabay na tayo," aya 'ko sa kaniya.
Tinalikuran 'ko at nagmadaling bumalik sa kusina. Naramdaman 'ko namang sumunod sa akin si Blake. Umupo siya sa tabi 'ko pero hindi nagsasalita.
"Oh ayan. Kumain na kayo," nakangiting sabi ni Manang. Pasimple pa talaga akong inaasar.
"Thank you po," mahinang sabi ni Blake.
Tumingin ako kay Manang na ngayon ay nakangiti at tinaas baba ang kilay. May hiya pala 'to sa katawan.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
