Chapter 31

5 0 0
                                    

Brigitte's POV

Masaya akong nagising dahil sa pagkaexcite. First monthsary na kasi namin ni Blake ngayon, sobrang bilis talaga ng panahon.

Sinunod 'ko ang sinabi ni Manang na pumunta ako kay Dr. Sausa, nag chest X-ray lang kami no'n.

Ang resulta may blood clot na daw sa puso 'ko. Hindi 'ko lang alam kung maaagapan pa.

Binigyan niya lang ako ng prescription, pero tinago 'ko nalang din agad kila Manang kasi medyo nakukulitan na ako.

Masyado naging attentive si Manang sakin, baka mamaya mas inuuna niya ako kaysa kay Jazz.

Ayoko rin namang magkaproblema kami ni Jazz, 'no.

Marami rin kasi akong inaasikaso ngayon lalo na't malapit na rin matapos ang 1st grading namin. Kahit si Blake ay busy na rin dahil malapit na ang laban nila ng basketball.

Hindi na ako kumain ng umagahan dahil alam 'kong aalis kami ni Blake. Special day namin ngayon 'no.

Deretso ako sa CR para makapagready na. Pagkatapos 'ko na maligo tsaka 'ko tatawagan si Blake, para alam niyang naka'ready na ako.

Minutes passed natapos na ako maligo. Ang hirap din magdecide kung anong susuotin 'ko pero in the end nagdress na lang ako at naglagay ng light make-up.

Malay natin sa fancy restaurant kami diba? Pagkatapos 'ko mag-ayos tinawagan 'ko na siya at agad din naman niyang sinagot.

[Mahal, napatawag ka?] bungad niya sa akin.

"Happy monthsary! Saan tayo ngayon, Mahal? Ready na ako." Masaya 'kong sabi sakaniya.

[Oh Shit,] napakunot naman ang noo 'ko nang marinig 'yon.

"May problema ba?" tanong 'ko sa kaniya.

[Sorry, Mahal. May training kami ngayon,] natataranta niyang sagot sa akin. Nakalimutan niya?

"Ah gano'n ba? Anong oras training niyo? Baka pwedeng kumain manlang tayo kahit saglit lang," sabi 'ko. Kahit 30 minutes lang.

[Mahal, paalis na ako eh. Maghapon din kasi kami ang alam 'ko. Alam mo namang malapit na laban namin eh,] malungkot niyang sabi.

"Sige, Mahal. Ingat ka," pagpapaalam 'ko. Agad 'ko na ring binaba ang tawag 'ko dahil hindi 'ko na mapigilan ang luha 'ko.

Nagbihis na lang ulit ako ng pangbahay. Hindi pa rin tumitigil yung mga luha 'ko sa pagpatak. Pagkahiga 'ko rin sa kama, yung simpleng iyak 'ko naging hagulgol na.

Sobrang sakit naman. Bakit niya nakalimutan? Special day ngayon eh.

Kahit hindi pa ako kumakain ng umagahan, mas nagstay na lang ako sa kwarto 'ko. Bumibigat na rin kasi hininga 'ko, mag-aalala lang sila Manang.

Nang makalma 'ko ang sarili 'ko, nakaramdam na ako ng pagka'antok. Kaya naisipan 'ko na lang na matulog ulit kaysa umiyak.

"Mahal," napakunot ang noo 'ko nang may naramdaman akong nagyuyugyog ng balikat 'ko.

Kaya napilitan akong dumilat. Bumungad sa akin si Blake. Kaya bumangon na ako. Napatingin naman ako sa kwarto 'ko.

Maraming balloons na nakapalibot sa kama 'ko, may nakasabit na rin na mga letters sa harapan 'ko.

HAPPY 1ST MONTHSARY MAHAL!

Nangilid ang luha 'ko kaya niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry, I lied. I had to prepare all of this, " paghingi niya ng tawad. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak kaya hinarap niya ako sa kaniya para punasan ang mga luha 'ko.

"Stop crying na," sabi niya sa akin sabay halik sa noo 'ko. Kung kanina ang nararamdaman 'ko ay puro lungkot napalitan naman ito ng sobrang pagkasaya.

"Akala 'ko nakalimutan mo," malungkot 'kong sabi.

"Of course not! How can I forget? It's our special day. I love you, okay?"

"I love you more. Thank you," sagot 'ko sa kaniya. May inabot naman siya sa akin na bouquet at letter. "Sorry wala akong gift sayo," hindi na kasi ako nakabili eh.

"You're the best gift in my life, Mahal. You are more than enough. Wala na akong maihihiling pa," nakangiting sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata 'ko.

"Thank you, Mahal," pagpapasalamat 'ko ulit sa kaniya.

Tinawag 'ko si Jazz para may magpicture sa amin at ang bruha naman killig na kilig.

"Formal muna ha," paalala niya. Pagkatapos naman no'n, nagwacky kami. Kahit si Manang Lina at Mang Berto umakyat na rin.

"Kiss naman dyan!" sigaw ni Mang Berto. Eto namang si Blake humalik sa pisngi 'ko. Kaya ang ending yun yung favorite 'kong picture namin.

Blake cooked for us para sa dinner namin. Nalaman niya rin kasing 'di pa ako kumakain ngayong araw kaya dinamihan niya daw luto niya.

Nagkwentuhan lang kami habang nakabukas ang TV, buti nalang daw tulog mantika ako kanina kasi ilang beses daw may pumutok na lobo pero tulog na tulog pa rin ako.

Kasama niya si Manang at Jazz mag-ayos ng surprise niya sa akin. Nahihiya pa daw siya nung una pero sila Manang na nag-insist na tumulong.

Naging successful naman.

"Antok na 'ko," sabi 'ko sa kaniya.

Almost midnight na kasi at nakakadalawa na kaming movie. Humiga na ako sa kama at ginawang unan ang balikat niya.

"Dito ka na matulog," sabi 'ko habang nakapikit.

"May pasok tayo bukas, Mahal," sagot naman niya. Oo nga pala, wala siyang uniform.

"Edi kuha tayo," tumayo na agad ako pagkasabi 'ko no'n. Dumeretso naman ako sa cabinet 'ko para magsuot ng hoodie. Paniguradong malamig na sa labas eh.

"Are you sure?" tanong niya at tumango ako. Tahimik kaming bumaba dahil tulog na sila Manang. Ayaw namin silang istorbohin.

Mabilis kaming nakabalik sa bahay dahil hindi na rin gano'n kadami mga sasakyan sa labas. May ninakaw pa 'kong hoodie niya, ang ganda kasi!

Sabi ni Blake sa susunod daw ako naman magdala ng damit 'ko kung sakaling sa bahay niya ako matutulog.

Malaki ang respeto sa akin si Blake. Ramdam 'ko 'yon dahil biruin niyo ba naman kanina pa kami magkasama sa kwarto pero walang nangyayari.

Ako lang yata naghihintay na may mangyari eh.

Nagshower lang siya at ako naman nahiga na sa kama. Pumikit na ako para makatulog. Sobrang antok na kasi talaga ako.

Maya-maya naramdaman 'kong may tumabi na sa akin at ginawang unan 'ko ang balikat niya. Kaya lumapit ako sa kaniya at yumakap.

"I love you, Mahal," bulong 'ko sa kaniya kahit nakapikit pa rin.

"I love you for a lifetime, Brigitte," niyakap niya na rin ako matapos niyang sabihin 'yon at naramdaman 'kong hinalikan ang noo 'ko.

"Mahal na mahal kita. Sana hindi mo ako iwan," dagdag niya pa.

Biglang bumigat ang pakiramdam 'ko dahil sa sinabi niya. Alam 'ko naman kasi sa sarili 'ko na dadating na ako sa puntong kailangan 'ko na siyang iwan.

Kahit 'konting panahon lang na kasama 'ko si Blake, okay na sa akin iyon.

Mahal na mahal 'ko siya eh.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon