Brigitte's POV
Pauwi na kami ni Blake, buong stay 'ko sa tagaytay siya na ang kasama 'ko. Naglilibot sa tagaytay at kada gabi pupunta kami sa overlooking chalet. Kaya ayun, talagang nakabawi na siya sa akin.
Mas lalo 'ko pang nakilala si Blake, he's very madaldal when he's comfortable. I'm just so happy that we got a chance para magkasama. Yun nga lang, may iba siyang gusto.
"Blake, sama kayo sa Palawan ha. Sabihan ka na lang ni Shin kung may exact date na. Nagplano na kami about do'n eh," kamot ulo 'kong sinabi.
"Ay oo, nabanggit na niya sa akin 'yon," sagot naman niya at tumango na lang ako.
Nagstop-over muna kami ni Blake dahil medyo nagugutom na kami. "Diyan ka na lang, intayin mo na lang ako dito," saad nito. "What do you want?" tanong niya.
"Kung ano na lang yung sayo," nakangiti 'kong sabi.
Habang iniintay si Blake naisipan 'kong itext sila Manang na pauwi na ako.
Nung nakasama 'ko kasi si Blake nawala na sa isip 'ko na mag-update sa kanila tungkol sa mga nangyayari sa akin. Masyado akong nag-enjoy eh.
"Oh kain na," pagkabalik niya sa kotse. Inabot niya sa akin ang chicken nuggets with rice at kape.
Hala, bawal ako sa kape.. Kaso nakakahiya naman kung tatanggihan 'ko si Blake. Wala na akong nagawa at kinuha na lang 'yon sa kaniya.
"Oo nga pala, why were you alone? Bakit 'di mo sinama sila Shin?" tanong niya.
"Gusto 'ko sana kasing mapag-isa, para man lang kahit papaano makalimutan 'ko yung mga nangayari nung nakaraang araw at malibang," nahihiya 'kong sagot.
Natahimik kami saglit siguro dahil na'open 'ko na naman yung nangyari. "Pero wa'g kang mag-aalala, okay na ako. Baka wrong timing lang talaga ako no'n," nakangiti 'kong sabi.
Pagkatapos namin kumain, nagdrive na ulit si Blake. Medyo malayo pa kami kaya naisipan 'kong matulog muna.
----
Nagising ako ng makaramdam ng pagkirot ng puso 'ko.. No, hindi pwede. Huwag ngayon, please.. Kasama 'ko si Blake, ayokong malaman niya...
I tried to calm myself pero kaso hindi siya nakakatulong.
Pinagpapawisan na ako at nanlalamig ang kamay 'ko, napapahinga na rin ako ng malalim. Ang sakit na ng puso 'ko..
"B-blake, ibaba mo nalang ako dyan sa tabi," nanghihina 'kong sabi.
"What? Hindi na, ihahatid na kita sa inyo. It's late," nakakunot namna niyang sagot sa akin. Tumingin siya saglit sa akin at ibinalik ang tingin sa daan.
"Just.. Just pull over," sabi 'ko.
"But Brigitte--"
"PULL OVER!" sigaw 'ko. Narinig 'ko namang huminga siya ng malalim bago itabi yung kotse. I immediately opened the door at bumaba. Bumaba rin si Blake kaya mas lalo akong nafrustrate.
"Brigitte, please. It's late. Delikado na masyado para iwan kita dito. Ano bang problema?" naiinis niyang tanong. "Please, let's go,"
Umupo muna ako sa gutter dahil pakiramdam 'ko tutumba na ako. Umupo naman si Blake sa harap 'ko at hinawakan ang balikat 'ko.
"Brigitte.. Ano bang problema? Did I do something?" malungkot niyang tanong.
"Blake, please. Umalis ka na. Kaya 'ko sarili 'ko," sagot 'ko sa kaniya habang nakatungo. "I'm begging," mahina 'kong sabi.
I don't want him to know.
"Just leave, I don't need your help," pahabol 'ko.
Blake left without uttering a word. Am I too harsh?
Nang makalayo si Blake, agad 'kong tinawagan si Mang Berto para sunduin ako napahiga na ako dahil sa sobrang panghihina. Matapang na kape ang nainom 'ko kaya ganito ang naging resulta.
Mabilis na nakarating si Mang Berto at Manang Lina sa lugar kung nasaan ako.
Agad agad silang bumaba ng 'kotse at nilapitan ako agad. "Jusko kang bata ka! Ano nangyari sayo, Brigitte?! Tara na dito sa loob," nag-aalalang sabi ni Manang.
Inalalayan nila ako makapasok sa 'kotse habang ako hirap pa ring huminga at nakahawak na sa dibdib. Ramdam 'ko parin ang panginginig ng kamay 'ko. Binigyan din ako ni Manang agad ng tubig.
Hindi 'ko namalayan na nakatulog pala ako at nang magising ako, alam 'kong nasa ospital ako..
Ayokong-ayoko na nandito talaga ako, pakiramdam 'ko ang lampa lampa 'ko kapag nandito ako.. May oxygen na nakakabit sa akin para makahinga ako ng maayos.
Nilingon 'ko yung tao na katabi 'ko. "Manang..." tawag 'ko.
Ngumiti naman ito ng malungkot sa akin at hinawi ang buhok 'ko.
"Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong nito at tumango naman ako. "Hindi 'ko masagot ang tanong ng doctor kung ano yung huli mong ginawa kaya ka sinumpong." Dagdag pa nito.
Tinanggal 'ko ang oxygen para makasagot ako ng maayos.
"Nakasama 'ko po si Blake nung nasa tagaytay ako. Gusto daw po niyang makabawi kaya sa loob ng dalawang araw magkasama kami maglibot. Nung pauwi po nagstop-over kami.. Binilan po niya ako ng kape," mahina 'kong sabi.
Huminga naman ng malalim si Manang. "Brigitte, alam mo namang masama 'yun sayo," sabi nito at tumango na lang ako.
"Uwi na po tayo.." aya 'ko.
"Bukas na ng umaga Brigitte. Para makapagpahinga ka pa," paliwanag niya.
Hindi na ako sumagot kay Manang dahil alam 'kong hindi 'ko siya mapipilit. Bakit ba kapag nagiging masaya ako, nababawi rin agad?
For sure, alam na nila Mom ang nangyari sa akin. Hindi naman ako makapagpahinga ng maayos dahil maya't maya ako chinecheck ng nurse.
Tulog na si Manang at hanggang ngayon ay gising pa rin ako. Hindi talaga ako nakakatulog sa ospital.
Tumayo ako para kunin 'ko yung cellphone 'ko sa bag 'ko na katabi ni Manang. Buti na lang hindi masyado malayo kaya hindi ako nahirapan.
Pagkabukas 'ko ng cellphone 'ko bumungad sa akin ang isang missed call ni Blake at mga texts niya.
'Nakauwi kana ba?'
'Answer my call.'
'I'm sorry I left.. I just thought that you badly don't want me there.'
'Wala ka na do'n sa pinagbabaan mo.'
Nanlaki ang mata 'ko ng mabasa 'ko ang huli niyang message. Bumalik siya?
Humiga ulit ako at tinawagan si Blake, tatlong ring pa lang yata sinagot na niya ito.
[Brigitte! Thank God.. How are you? Nasaan ka ngayon? Can I see you?] bungad nito sa akin.
Napangiti ako nang makaramdam ako ng kilig.
"Blake, I'm sorry," pagsisinungaling 'ko. "Uhm, something happened lang kaya nabadtrip ako, pero nakauwi na ako. bakit gising ka pa?" tanong 'ko.
[I was waiting for you, I can't sleep. What happened ba?]
"Wala, okay naman na, magpahinga ka na. Thank you nga pala,"
[Okay, fine. Good night, Brigitte.]
Napangiti naman ako lalo dahil feeling 'ko nag-aalala siya sa akin. Pafall naman 'to. Gusto 'ko 'yon!
Maya-maya inantok na rin ako. Pero bago ako amatulog, tinext 'ko muna si Blake.
To: Blake :)
'Good night! Thank you for being with me and for the memories. :)'
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
