Brigitte's POV
"Manang, bakit ba kasi hindi pa ako pwedeng lumabas?!" reklamo 'ko.
Magdadalawang araw na akong nandito sa ospital at paniguradong nag-aalala na sina Shin at Delanxe sa akin. Lalo na si Blake.
Tinignan 'ko ang cellphone 'kong tumutunog na naman. Inabot naman 'ko ito para matignan kung sino ang tumatawag.
And for the nth time, si Blake na naman ang tumatawag sa akin. Ilang beses 'ko na rin hindi ito sinagot dahil alam 'kong magsisinungaling ako sa kaniya.
Yung ibang messages naman galing kay Delanxe.
Nung araw na nawalan ako ng malay, alam 'kong sobrang nataranta sila Manang sakin.
Nagising nalang ako nandito na ako sa ospital. Kinailangan 'ko pa ng oxygen para daw maging stable breathing 'ko.
Si Mang Berto at si Manang Lina ang nagbabantay sa akin. Palitan sila.
Kailangan din kasi ng may magbabantay sa bahay pero minsan si Jazz din ang nagbabantay sa akin, pinapauwi 'ko lang din agad siya kasi alam 'kong may requirements din siyang kailangan gawin.
Bumuntong muna ng hininga si Manang bago ako sagutin. "Brigitte, ngayon ka lang inatake ng ganito," sagot niya sa akin.
"Hayaan mo munang makapagpahinga katawan mo, tsaka tayo lalabas."
"Manang, nag-aalala na sa akin sila Blake. Please," pagmamakaawa 'ko.
Sabi sa akin ni Dr. Sausa yung blood clot sa puso 'ko ay mas lumala. He told me that possible naman na mabawasan as long as long I take my meds.
Napatawa nalang ako nung sinabi niya sa akin yun. Tanggap 'ko naman na anytime pwede akong mamatay. Kaya nga ineenjoy 'ko na yung mga moments na kasama 'ko mga mahal 'ko sa buhay, diba?
Gusto 'ko na umuwi.
"Tatanungin 'ko muna si Dr. Sausa," matapos sabihin sa akin ni Manang 'yon. Lumabas na siya.
Okay naman na rin kasi pakiramdam 'ko, tinanggal na kahapon yung oxygen sa akin dahil sabi 'ko nakakahinga naman na ako ng maluwag.
Hindi 'ko rin talaga kasi kayang magstay ng matagal dito sa ospital.
Inabot 'ko ulit ang cellphone 'ko para matawagan 'ko si Blake. Dalawang ring pa lang sinagot na niya agad. Halatang iniintay ako.
"Mah—"
[What the fuck, Brigitte! Nasaan ka ba!?] bungad niya agad sakin. Halata sa boses niya ang pag aalala pero hindi nawawala yung inis niya.
"Blake, sorry. May kailangan lang akong puntahan," pagpapalusot 'ko.
[Sobrang importante ba yan para makalimutan mong magsabi sa akin?] dismaya niyang sabi.
[Nakailang tawag at text ako sayo, Brigitte. Kahit tuldok wala akong natanggap galing sayo.]
"Sorry, Blake."
Narinig 'ko naman ang buntong hininga niya. [Next time, please. Nagmamakaawa ako. Magsabi ka naman sa akin. Alam 'kong hindi tayo naging okay nung isang araw eh. You never leave like that,]
Oo nga pala. Iniwan 'ko siya bigla sa labas ng bahay.
"Opo. Bukas papasok na 'ko. I love you," paalala 'ko sa kaniya. Sobrang namiss 'ko siya.
Pagkababa ng tawag saktong may pumasok na nurse. "Ma'am, tanggalin lang po natin yung dextrose sayo. Pwede na daw po kayo lumabas. Pakiintay nalang daw po yung bantay mo," nakangiti niyang sabi sa kin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
