Chapter 42

17 0 0
                                        

Brigitte's POV

Nandito ako ngayon sa luxury hotel kung saan gaganapin ang Christmas ball namin.

Ayaw 'ko sanang pumunta pero sayang kasi yung memories na pwedeng mabuo 'ko ngayong araw.

Bawat studyante may sari-sariling kwarto. Pero ang alam 'ko yung mga kabatch 'ko nasa iisang floor lang kami.

Magkakatabi kami ng room nila Shin. Hindi 'ko lang alam kung sino yung katabi 'ko sa right side.

Almost a month na nakalipas nung nakipagbreak kay Blake, pero hindi niya pinapalipas ang isang araw nang hindi niya ako sinusuyo.

May dalang flowers, minsan chocolates na favorite 'ko, pero hindi 'ko siya binababa.

Dinadala lang ni Manang yung mga binibigay niya pero never 'ko silang ginalaw.

Hindi rin siya nauubusan ng messages sa akin.

Hi Mahal, nandito ako sa baba niyo. Tulog ka ba?

Sabi ni Manang, hindi ka pa kumakain. Gusto mo ba ipagluto kita?

Nandito lang ako sa baba ha. Naka'lock kasi pinto mo eh.

If you need anything, text mo lang ako..

Uwi na muna ako ha.. Mahal na mahal kita..

May oxygen na rin sa kwarto 'ko para kung sakaling kailanganin 'ko.

Hindi 'ko siya pinapansin kapag pumapasok ako. Hindi na rin ako nakakasama kapag aalis sila.

Tumatabi sa akin si Blake para suyuin ako pero hindi 'ko pa rin siya pinapansin.

Tuwing lalapit siya sa akin, ipapakita 'ko sa kaniya na naiinis ako sa kaniya kaya hindi na rin niya tinutuloy. Araw-araw 'ko rin napapansin na maga ang mata niya at wala na yung dating sigla niya.

Nagtataka na rin nga sila Shin eh. Hindi 'ko pa kasi nasasabi sa kanila at mukhang wala pang sinasabi sa kanila si Blake.

"Brigitte, naayos 'ko na gown mo. Nandito na rin yung make-up artist," sabi sa akin ni Jazz.

Siya ang sinama 'ko ngayon dito dahil walang magbabantay sa bahay kapag si Manang ang sumama sa akin.

Tumango naman ako at nagpaayos na.

"Ang ganda ganda mo naman. Hindi mo na kailangan ng make-up, girl," pagpupuri sa akin ng make-up artist 'ko.

"Salamat po," nahihiya 'kong sabi.

"Kaso ang putla mo masyado, may natural contour ka na rin oh, super payat mo. Kumakain ka pa ba, 'te? Masyado mo atang pinaghandaan 'tong ball niyo," pagbibiro niya sa akin at umiling naman ako habang tumatawa.

Pagkatapos 'kong ayusan, sinuot 'ko naman na yung gown 'ko. Sleeveless yung gown 'ko at sakto lang siya sa chest part 'ko, super laki kasi talaga ng pinayat 'ko to the point na medyo kita na yung ribs 'ko.

Sa top na part lang yung may design and yung sa pinakapambaba wala na.

Sila Mom ang nagpatahi nito sa kilalang designer sa US. Pinadala lang dito sa Pilipinas last week.

Light make-up lang ang ginawa sa akin at messy bun naman ang ayos ng buhok 'ko. Nagsuot lang ako ng konting accessories at lumabas na.

Hindi rin naman ako magtatagal sa party. Gusto 'ko lang talaga makita si Blake.

Pagkalabas 'ko naman, sakto na ring lumabas si Shin at Delanxe. Naka'black na gown si Shin. "WOW! May pa'cleavage ka ha!" pang-aasar 'ko sa kaniya.

Nagpose naman siya kaya tinawanan 'ko lang siya. "Syempre naman!" sagot niya sa akin.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon