Chapter 34

12 0 4
                                        

Brigitte's POV

Maaga akong bumangon para makapag-ayos na. Si Blake naman tulog pa, bago ako pumasok sa banyo inayos 'ko na muna gamit namin ni Blake.

Mabilis naman akong natapos maligo kaya baka tulog pa si Blake. Naiwan 'ko kasi yung uniform 'ko sa kama. Dun 'ko kasi siya nilagay bago ako pumasok ng banyo.

Lumabas na ako nang nakatapis kaso nanlaki ang mata 'ko nang biglang bumangon si Blake at saktong napatingin sa akin.

"HOY ANO BA YAN?!" sigaw niya sa akin.  Agad naman niyang iniwas yung tingin niya sa akin.

Napangisi naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Bakit?" tanong 'ko. Pumunta naman ako sa harap at ngumiti.

"Brigitte, tigilan mo nga," saway niya sa akin habang hindi pa rin siya nakatingin sa akin at nakasimangot na.

"Tumingin ka nga sakin," sabi 'ko sa kaniya at sumunod naman siya. Pagkatingin niya naman ay agad 'ko siyang hinalikan sa labi. Smack lang naman.

"Inaasar mo ba 'ko?" malamig niyang tanong. Umiling naman ako bilang sagot.

"Hindi, bakit?" tanong 'ko sa kaniya.

Nagulat naman ako ng hawakan niya ang bewang 'ko at inihiga sa kama. Buti na lang mahigpit ang pagkakatali ng towel 'ko sa akin.

"Hoy! Magbi-bihis na a-ako!" nauutal 'kong sabi. Sinubukan 'kong bumangon pero pinigilan niya ako.

"Mamaya na. Maaga pa naman eh," mahina niyang sabi habang nakatitig sa akin at ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa pisnge 'ko.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin at pumikit kaya ipinikit 'ko na rin ang mga mata 'ko at inantay na magdikit ang aming labi.

"Brigitte, baba ka—" 

Napadilat kami parehas ni Blake. Tumayo naman agad siya sa kama at ako naman ay bumangon na.

"Jazz, kasi ano.. Wa-wala yun.." natataranta 'kong sagot. Tumayo na ako at kinuha ang uniform 'ko sa kama nang hindi tumitingin kay Jazz.

Si Blake naman hindi nagsasalita. Do'n siya nakaharap sa may bintana habang kinakamot ang ulo.

Narinig naman namin ang tawa ni Jazz. Nakakahiya.

"Pinapababa na kayo ni Mama," sabi sa amin.  Tumingin naman ako sa kaniya at nakita 'ko namang kinindatan niya ako kaya napakamot na rin ako ng ulo.

"Intayin na lang namin kayo sa baba ha," matapos niyang sabihin sa akin 'yon, isinara na ulit niya yung pinto 'ko.

Nilingon 'ko naman si Blake na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. "Tuloy na natin?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Inirapan 'ko naman siya. "Hindi ka pa nga nagtutoothbrush diyan eh," sigaw 'ko sa kaniya.

"Wow ha. Sino kaya unang humalik diyan?" sarkastikong sabi niya. Oo nga pala.

"Smack lang naman 'yon!" sagot 'ko naman sa kaniya.

"Smack lang naman din gagawin 'ko!" sagot niya naman sa akin. "Unless iba yung nasa isip mo!" pang-aasar niya.

"Ewan sayo! Ang baho ng hininga mo!" agad na akong pumasok sa banyo nang sabihin 'ko 'yon at narinig 'ko naman ang sigaw niya.

"MAHAL MO NAMAN!" Hindi 'ko mapigilang matawa sa sinagot niya sa akin.

"TALAGA!" sagot 'ko pabalik.

Nauna na akong bumaba kay Blake para kumain.

"Brigitte, nasaan si Blake?" tanong ni Manang. Tumingin naman ako kay Jazz na ngayon ay tahimik lang na kumakain pero nakangiti.

"Nabiti—"

"Naliligo pa po. Nauna na ako kasi ayaw 'kong makita niya na may iniinom akong gamot," putol 'ko sa sasabihin ni Jazz.

Tumango nalang si Manang at tumingin kay Jazz. "Ano sabi mo anak?" tanong ni Manang.

"Wala po, Ma," nakangiti niyang sabi.

After kumain ni Blake ay agad naman na rin kaming umalis ng bahay.

Naglalakad na kami papasok sa school. Mukhang nasasanay na si Blake na pumasok ng maaga. Alam kasi niya na ayaw 'kong nalelate eh.

"Mahal, punta lang ako sa guidance. Bibigay 'ko lang excuse letter 'ko," pagpapaalam 'ko sa kaniya.

"Sama na ako," sabi naman niya.

"Huwag na. Sa labas ka lang din naman mag-iintay eh," sagot 'ko sa kaniya.

"Okay lang po," nakangiti naman niyang sabi sa akin.

Nang marating namin ang guidance office, kinuha 'ko muna yung handbook 'ko sa bag 'ko bago pumasok. Kaso minamalas yata ako ngayon, nabangga ako nung isang lalaki.

Nabagsak tuloy yung handbook 'ko kasama ang medical certificate 'ko.

"Watch where you're going, kid," seryosong sabi ni Blake sa bata.

"Sorry po. Malelate na po kasi ako," paghingi ng tawad nung bata.

"Okay lang," nakangiti 'kong sabi sa kaniya.

Tumakbo na ulit yung bata palayo sa amin at si Blake naman dinampot yung nahulog 'kong gamit.

Iaabot na niya sana sa akin kaso nakita niyang medical certificate yung hawak niya kaya babasahin sana niya kaso bigla 'kong kinuha agad sa kaniya yun.

"Bakit meron kang medical certificate?" nakakunot ang noo niya nang itanong niya sa akin yon.

"Ah— ano yan.. Luma na yan. Hindi 'ko lang natatapon. Hindi mo pa ako pinapansin dati noon kaya hindi mo alam na absent ako," pagpapaliwanag 'ko kahit hindi ako makatingin sa kaniya.

"Never ka umabsent noon, Brigitte," nakakunot noo niyang sabi sakin.

"Pero fake lang yan, Mahal! Para lang maging excuse ako sa absent 'ko ngayon," sagot 'ko sa kaniya at mabilis akong pumasok sa guidance office at nilingon 'ko naman si Blake.

Halata sa mukha niyang may iniisip pa rin siya.

"Good morning, Miss Alcantara. What can I do for you?" nakangiting bati sa akin ni Ma'am Medina.

"Absent ka yata ng dalawang araw. Hindi mo kinukuha ang attendance mo dito sa table 'ko."

"Opo, Ma'am. May excuse letter naman po ako," iniabot 'ko sa kaniya ang handbook 'ko at medical certificate.

Binasa naman niya ito at napakunot ang noo niya. "Miss Alcantara—"

"I know Ma'am. Can you keep it as a secret?" pakiusap 'ko.

"Of course. Of course. Oh my god. Magpagaling ka ha," malungkot na sabi ni Ma'am Medina sa akin at ngiti na lang ako ang sinagot 'ko sa kaniya.

Pagkatapos niyang pirmahan ay tumayo naman siya sa akin para yakapin ako.

"Magpalakas ka ha. Para na rin sa aming mga nagmamahal sayo. Lalo na kay Mr. Tuazon," napatawa nalang ako sa sinabi ni Ma'am at humiwalay na sa yakap.

"Thank you, Ma'am."

Hindi 'ko alam kung anong nabasa ni Ma'am. Hindi 'ko kasi talaga binabasa medical certificate 'ko. Kaya bago ako lumabas ng guidance office binasa 'ko na kung ano ang nakalagay.

Tama nga si Dr. Sausa. Pwede 'ko siyang makuha.

Coronary Heart Disease.

Ang sakit na meron ang Lola 'ko na iyon din ang dahilan kung bakit siya namatay..

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon