Brigitte's POV
Iniintay 'ko na lang si Mang Berto na tawagin ako dahil pupunta ako ngayon ng ospital. I had an attack last night.
Siguro mga dalawang oras ako hirap huminga no'n at naninikip ang dibdib. Pero nasa kwarto lang ako no'n, dahil alam 'kong natutulog na si Manang Lina at Mang Berto, I don't want to disturb them.
Tinext ako nila Shin na lalaboy kami kaya sabi 'ko naman susunod nalang ako. Hindi pa kasi nila alam tungkol dito.
"BRIGITTE! TARA NA!" sigaw ni Mang Berto. Tumayo na ako at lumabas na ng bahay.
Pagdating naman namin sa ospital agad na akong pumunta sa office ni Dr. Sausa. Siya ang nagchecheck palagi sa akin. Simula nung nalaman 'ko na may sakit ako sa puso.
"Good morning, Doc," nakangiti 'kong bati. Nasa kotse lang si Mang Berto, gusto niya sana ako samahan pero umayaw ako.
"Let's do chest x-ray for today. Iniinom mo ba yung gamot?" he asked. Family doctor namin siya.
I can't remember kung gaano na katagal yung last na inom 'ko ng gamot. Ba't ba kasi lagi 'kong nakakalimutan? Pero tumango na lang ako.
Agad naman akon tinest, kinuhaan ako ng dugo at pinapunta rin ako sa isang room kung saan ako ich'chest x-ray.
Matapos akong icheck-up, pinaalala sakin ni Doc yung mga kailangan 'kong iwasan at inumin ang gamot sa tamang oras. Though hindi ko naman na kailangan no'n.
Pagkatapos naman no'n ay pinauwi na ako ni Dr. Sausa at magpahinga daw ako kahit alam naman niyang matagal na akong sumuko sa sarili 'kong laban.
Sila lang naman ang hindi makatanggap sa pwedeng mangyari sa akin. Yung lola ko kasi may sakit din sa puso, pati si Mom. Sakit sa puso ang ikinamatay ng lola ko.
Si Mom naman, mild lang. Kaya naagapan kaagad. Sakin kasi dahil sa tigas ng ulo ko, ayan pwedeng lumala pa sakit 'ko.
Tinext 'ko naman sila Shin para malaman kung nasaan na sila.
From: Babes Shin
'Dito kami sa bahay mo. Gaga. Where the hell are you?'
Nanlaki naman ako dahil sa reply ni Shin. What the heck, ba't hindi nila sinabi na pupunta sila sa bahay? Kailangan 'kong mag-isip ng dahilan kung bakit wala ako do'n.
"Mang Berto, daan po tayo sa hypermarket,"
Bibili ako ng pwede naming makain para rin may palusot ako.
Pagkadating naman namin sa bahay nakita 'ko kaagad na nakasimangot silang dalawa.
"Saan kaba galing?" bungad sakin ng dalawa 'kong kaibigan. Tinaas 'ko naman yung pinamili 'ko.
"Grocery," maikli 'kong sabi. Tinignan lang ako nung dalawa at bigla nalang tumaas papunta sa kwarto 'ko.
Pumunta muna akong kusina at nakita 'ko dun si Manang. "Nagulat na lang ako nung nakita 'ko sila sa labas," nag-aalalang sabi ni Manang.
"Kahit ako naman din po, Manang. Kaya nga po dumaan ako sa hypermarket para may iba akong dahilan eh," sabi 'ko.
Pumunta na ako sa kwarto at nakita ko naman na nakahiga na kaagad sila sa kama ko.
Wow, nakabukas na rin yung aircon 'ko. For sure, si Shin ang nagbukas neto. Sabik talaga 'tong si Shin sa aircon kapag pumupunta dito sa bahay eh. Akala mo walang aircon sa bahay nila. Jusko.
"Oh. Hi Babes!" nakangiti nilang bati. Grabe talaga 'tong dalawang 'to.
Umupo ako sa lapag dahil nakakahiya naman sa kanilang dalawa na sakop buong kama 'ko "'Di man lang kayo nagsabi na dito kayo dederetso," reklamo 'ko.
"Eh sabi kasi ni Shin, bulabugin ka namin dito sa bahay niyo kaso pagdating namin wala ka. Tinanong namin si Manang Lina, 'di daw niya alam kung saan ka pumunta," Sabi ni Delanxe. "Saan kaba kasi nagpunta?" tanong pa nito.
"GROCERY NGA!" sabay naming sabi ni Shin.
Tinaas naman ni Delanxe parehas niyang kamay, sign na nagsusurrender siya kaya natawa ako. "Chill, guys!" nakasimangot niyang sabi.
"Paulit-ulit," masungit na sabi ni Shin. See? Girl version ni Blake.
Speaking of Blake.
"Babes, may girlfriend ba si Blake?" tanong 'ko kay Shin.
"Ewan 'ko dun. Kahapon biglang may sumugod na hipon sa bahay eh, hinahanap bigla kambal 'ko," kwento niya. So hindi niya girlfriend yun? "Ba't mo natanong?" nagtataka niyang sabi.
"Nakita kasi namin siya ni Kurt kahapon sa mall. May kasamang babae," sagot 'ko.
Napatingin naman silang dalawa sakin. Kumunot ang noo 'ko dahil sa pagtataka. "Bakit?" tanong 'ko.
"You mean, Kurt Alvaran?" tanong ni Shin.
"Yung guy na lumapit sayo nung tapos na yung game?" tanong naman ni Delanxe.
Tumango naman ako."Manliligaw mo ba 'yon?" sabay nilang tanong at umiling naman ako. "Ba't kayo magkasama?" dagdag pa nila.
"Nag-mall ako mag-isa kahapon dahil may sarili kayong ginagawa. Namili ako ng mga damit sa forever 21, ta's dami 'kong nabili, edi ang dami 'ko ring bitbit," kwento ko.
"Yun na, nagkabungguan kami, tinulungan na niya 'ko dapat daw magkikita sila ni Kris, pero hindi na siya pumunta dahil nakita niya 'ko," dagdag ko pa.
"Okay. May damit ba kami?" nakangiting sabi ni Shin. Inirapan 'ko lang siya at tumayo.
Kinuha ko naman ang damit nila na nasa walk-in closet ko. Inabot 'ko sa kanila yun at agad naman nilang tinignan habang nakangiti.
"Thank you, Brigitte!" sigaw nila.
Nakisiksik ako sa kama 'ko para tabihansila. "Bukas nga pala yung house blessing ni Kuya Jonas," paalala ni Shin.
"Sabay ba tayo bukas?" tanong 'ko at nagkibit balikat lang siya.
Si Kuya Jonas, isa sa kapatid ni Shin. I think it can be considered as party na rin. Ang alam 'ko invited din ang Black Dragons, so Kris and Kurt will be there for sure.
Ilang oras ang lumipas, umuwi na sila. Sinabi na rin ni Shin yung details for tomorrow so confirmed na hindi namin siya kasabay.
Napag-usapan din namin ni Delanxe na sasabay kami kay Miere bukas. Since gabi pa naman yung party, I think I'll go na lang muna sa mall para bumili ng gift for Kuya Jonas.
Nabuhayan naman ako nang maconfirm 'kong hindi girlfriend ni Blake yung kasama niya. Maybe, kaibigan niya lang or kaklase dati. Napapangiti kasi siya nung babae eh.
Honestly, nainsecure ako do'n sa babae. Kasi nakasama niya si Blake, napangiti niya si Blake, naka'date.
Nagulat naman ako nang magring ang cellphone 'ko.
Babes Shin calling...
"Hello?" bati ko sa kaniya.
[Nakakapag-taka yung kambal 'ko,] bungad naman niya sa akin.
Kumunot naman ang noo 'ko. "Bakit? Ano meron?"
[Pumunta sa kwarto 'ko, ta's biglang magtatanong tungkol sa inyo ni Kurt. Actually same kayo ng tanong. Tinanong 'ko kung nagseselos, pero hindi na 'ko pinansin after,] naiirita niyang sabi.
"Babes, ano pa nga bang bago? Lagi namang masungit kambal mo," natatawa 'kong sabi.
[Ewan 'ko sa inyo. Bahala kayo sa buhay niyo, ako nasstress sa inyo eh,] sabay baba tawag.
I'm not that dumb, pero I don't want to assume. Baka hindi sanay si Blake na may nakakausap akong ibang guy since I've been friends with Shin, aware siyang sa kaniya lang ako nagpapapansin.
Whatever!
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...