Brigitte's POV
Nagising ako sa sikat ng araw, hindi 'ko pala nasara yung kurtina. Bumangon ako at dumeretso sa banyo.
Matapos 'ko maghilamos at magtoothbrush lumabas na ako sa banyo. Kinuha 'ko lang ang cellphone 'ko at bumaba na.
"Good morning, Manang," bati 'ko kay Manang Lina na nagluluto.
Umupo ako at inintay na maluto yung pagkain. Maya-maya lumabas na rin si Jazz.
"Sabay na tayo, Jazz. Ngayon ka lang ata ulit nagising ng maaga," nakangiti 'kong sabi sakaniya.
"Ngayon lang nakakabawi ng tulog eh," nakangiti niya namang sagot sa akin.
Sinabihan 'ko na rin sina Manang Lina at Mang Berto na sabayan kami kumain. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.
Sana ganito rin kami kasaya tuwing umuuwi sila Mom.
Sana ganito rin kami kaayos...
"Brigitte, tumawag nga pala kanina ang mommy mo at kinakamusta ka. Hindi ba tumatawag sayo?" tanong ni Manang sa akin.
"Kada po tumatawag siya, nagkakataon po na hindi 'ko nasasagot. Alam mo naman po na kapag may lakad ako naka'silent cellphone 'ko," sagot 'ko naman sa kaniya.
"Osiya, pagkatapos mo kumain inumin mo na ang gamot mo. Ako na bahala magligpit dito," paalala ni Manang.
Natapos ako kumain at ininom 'ko na ang gamot 'ko. Nilagay na rin kasi ni Manang sa tabi ng plato 'ko para daw hindi 'ko na makakalimutan.
Umakyat ako sa kwarto para maligo na, dahil maya-maya darating na si Kurt. 10:15 na, mas matagal pa kwentuhan namin nila Manang kaysa sa pagkain namin. Si Kurt pa naman kapag sinabing 11:00, sakto or bago darating na siya.
Pagkatapos 'ko maligo, nagbihis na ako. Jeans, oversized cropped top na yellow, at converse lang ang sinuot 'ko. Pulbos, lip and cheek tint. Okay na 'ko. Inayos 'ko lang din ang mga dapat 'kong dalhin.
Pagkababa 'ko, saktong pumasok si Kurt mula sa pinto. "Pinapasok na ako ni Mang Berto," nakangiti niyang sabi sa akin.
Kilala na rin talaga si Kurt dito sa bahay. Naalala 'ko no'n, kinabukasan nung nakauwi kami galing Palawan pagkababa 'ko nasa sala nandito siya, kausap si Manang Lina.
Napatingin naman ako sa dala ni Kurt. "Kila manang ito. Nalaman 'ko kasi na mahilig sila sa ice cream sa ube. Meron ka rin dito, pero cookies and cream," sabi niya.
Kinuha ni manang yung dala niya at nagpasalamat.
Nandito kami ngayon sa Real Deal, I think it's a high-end store botique.
Nandoon siya men's section, at ako naman syempre sa women's section. Sabi niya, kuha lang daw ako, ta's siya na bahala.
At dahil nagtitipid ako ngayon, pumayag ako. Kahit papaano naman, makapal din ang mukha 'ko 'no.
Maya-maya nilapitan na ako ni Kurt at kinuha yung mga damit na napili 'ko. Pumunta kami sa cashier. "Sa akin mo icharge," agad na sabi niya. Napakunot naman ang noo 'ko.
"This is my mom's business," sabi naman niya sa akin at tumango na lang ako. Kaya naman pala siya na bahala. Hindi na niya kailangan magbayad.
"Nagugutom ka ba?" tanong sa akin ni Kurt habang naglalakad kami. Lahat ng pinamili namin siya ang may bitbit.
Tumango ako. "Pero ako naman manlilibre, ang mahal masyado nung mga napili 'kong damit eh," sabi 'ko.
"No, Brigitte. Ako nagyaya sayo, sagot 'ko lahat ng gastos. Ang iniintay 'ko lang naman na galing sayo ay ang sagutin mo ako," nakangiti niyang sabi sa akin at kinindatan ako.
Natawa naman ako at napailing na lang. Mukhang magt'tiyaga talaga si Kurt sa akin.
Napunta kami sa Pancake House para kumain. "After nito, watch tayong movie," sabi sa akin ni Kurt habang kumakain.
"Sabi ni Mommy, maganda daw yung My Perfect You," dagdag pa nito.
"Sure ka? Hindi 'ko kasi alam napanood trailer no'n eh," sabi 'ko naman at tumango naman siya. "Nagd'date mommy and daddy mo?" tanong 'ko.
"Oo, kapag wala silang pasok parehas or kapag niyaya siya ni daddy bigla," sagot niya. "Pero kapag weekend, kumakain kami sa labas. Family bonding."
"Ano bang work ng parents mo?" tanong 'ko pa.
"My mom has a business and you already know that while my dad is managing our company," sagot niya sa akin. "Parents mo? Anong trabaho nila?" tanong naman niya.
"They are both managing our company. Pero sa labas ng bansa sila, ang nag-aasikaso ng company namin dito sa Philippines ay kapatid ng daddy 'ko," saad 'ko naman sa kaniya.
Matapos kami kumain, pumunta na kami sa cinema para makabili ng ticket. Yung My Perfect You pala ay Filipino movie.
---
"Ang panget mo pala umiyak!" pang-aasar 'ko kay Kurt habang palabas kami sa sinehan. Sinamaan lang niya ako ng tingin at pinalo ng mahina.
"Pero it was a great movie. DaBest yung plot twist. Thank you sa mga libre ngayon," pagpapasalamat 'ko sa kaniya.
"Nagthank you ka nalang sana hindi ka na sana nang-asar," nakasimangot niyang sabi. "Nakakaiyak yung storya nilang dalawa doon sa movie. Sinong hindi maiiyak don?" reklamo niya.
"Ba't ka nagagalit ka sakin?" tanong 'ko habang tumatawa. "Ang nakakaiyak don yung sinabi ni Abi yung mga pinagdaanan niya, tsaka yung umiiyak ate ni Burn," sabi 'ko.
"What's next?" tanong pa nito. Almost 6 pm na ngayon nang tignan 'ko ang cellphone 'ko. Nagtext pala si Delanxe.
From: Babes Delanxe
Babes, Nagyaya si Shin na magbonding bukas. Sleepover na rin tayo sa inyo, ta's shopping din.
Nireplyan 'ko si Delanxe at tinabi na ang phone 'ko. Mukhang wala ako pahinga this week ah. "Magdinner na ba tayo?" tanong 'ko kay Kurt.
"Yeah. You want ramen?" tanong niya.
"Ohmygod! I love ramen!" masaya 'kong sabi.
"Oh tara na," aya niya at hinawakan na niya yung kamay 'ko.
---
"Hindi naman halatang nasarapan ka sa mga inorder mo kanina. Taba ng pisnge mo oh," pang-aasar ni Kurt sa akin.
For sure gumaganti 'to sakin. Pauwi na kami since 8 pm na nga napasarap ang kain namin sa Ramen House kaya natagalan kami do'n.
"Ang sarap naman kasi talaga ng pagkain don," sagot 'ko naman sa kaniya.
Nag-asaran lang kami ni Kurt habang nasa byahe.
Maya-maya nakarating na kami sa bahay. Bumaba ako at bumaba rin siya. "Thank you, Kurt," nakangiti 'kong sabi sa kaniya. Lumapit siya sakin habang nakapulmusa.
"No. Thank you, Brigitte. Sobrang napasaya mo ako hindi lang ngayon, isama na natin yung ibang araw na magkasama rin tayo," masaya niyang sabi.
Nagpaalam na ako kay Kurt at binuksan na ang gate. Pero bago pa ako makapasok, may sinabi pa si Kurt at ito'y kinalungkot 'ko.
"I love you, Brigitte."
Nilingon 'ko siya at ngumiti ng malungkot.
"Thank you ulit, Kurt." and I'm sorry.
![](https://img.wattpad.com/cover/88310158-288-k672345.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Novela JuvenilThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...