Chapter 13

17 1 2
                                    

Brigitte's POV

11:00 am ng magising ako, halos 3:00 am na rin kasi ako nakatulog. Nandito ako ngayon sa cafe veranda para mag-breakfast.

Pansin 'ko lang hindi na kami masyadong nakakapag'bonding nila Shin. Siguro dahil na rin sa mga bebe nila.

After 'kong kumain ng breakfast, tumaas na ulit ako sa kwarto para maligo at makapag-ayos bago ako pumunta sa People's Park In The Sky.

Shorts, longsleeves, sandals, bag, phone, and I'm ready to go.

Sana naman hindi ako maligaw dito, wala naman kasi ako masyadong alam sa Tagaytay. Ba't 'ko ba kasi hindi niyaya sila Shin?! Nagsisisi na po ako! Bigyan niyo po ako ng kasama!

Kapag sa mall naman kasi ako at mag-isa lang ako, okay lang dahil saglit lang naman ako do'n. Eh dito? 2 days pa akong magtitiis. Nakakainis.

"Wow!"

Iyan nalang ang masasabi 'ko ng makarating sa view na nakikita 'ko ngayon, sobrang ginhawa dito.

Agad agad 'kong nilabas ang cellphone 'ko para magpicture, sayang wala si Shin magugustuhan niya view dito, si Delanxe naman paniguradong hihiramin cellphone 'ko para magpicture.

Buti na lang wala ring masyadong tao dito. Kakairita pa naman kapag madaming tao.

Umupo muna ako sa parang kubo pagkatapos 'kong magpicture.

Kahit tirik na tirik yung araw dito ramdam mo pa rin yung lamig. Buti na lang talaga naglongsleeves ako.

Kinuha 'ko yung phone 'ko ng magring ito.

Kurt calling...

"Yo wassup!" pagsagot 'ko.

[Hey. Saan ka ngayon?] tanong nito.

"Dito lang sa tagaytay. Ganda dito, beks. Promise," natatawa 'kong sabi.

[Beks? Sinasabi mo diyan?] natatawang tanong nito. [Ingat ka ha. Text me or call me kapag may problema, okay?] paalala niya.

Binaba 'ko na ang tawag at tinabi na ang cellphone 'ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso 'ko sa hindi malamang dahilan.. Hindi naman ako sinusumpong.

Hinayaan 'ko nalang ito at bigla akong napatingin sa kaharap 'kong kubo.

Parang tumigil ikot ng mundo 'ko.

Nakatingin lang siya ng deretso sa akin.

Anong ginagawa niya dito? Nagsipasukan na naman sa isip 'ko ang mga binitawan niyang salita noon.

Agad akong tumayo at inayos ang gamit 'ko.

Akala 'ko makakalayo ako kaso hindi pala, naramdaman 'kong may humawak sa wrist 'ko.

"Brigitte.." tawag niya.

Tumungo ako bago humarap sa kaniya. "I'm sorry.. Hindi 'ko intensyon na masaktan ka. Let me make it up to you," mahina niyang sabi pero sapat na marinig 'ko.

Ayoko siyang tignan, kasi alam 'ko sa sarili 'ko na magiging okay na ako. Okay na ulit ako..

"Hindi 'ko sinasadya na masigawan ka, saktan ka. Sobrang dami 'ko lang talagang iniisip no'n," paliwanag niya.

Wala na. Talo na ako. Tumingin na ako sakanya at ngumiti. "Hayaan mo na Blake. Kalimutan na natin 'yon," nakangiti 'kong sabi sa kaniya.

Ang rupok naman, Brigitte!

"Hayaan mo lang ako na makabawi. I promise mag-eenjoy ka," nakangiti niyang sabi.

----

"Ta's alam mo bang simula ng lumipat si Shin sa condo niya, lagi na niya kasama si Kris," kwento pa niya.

Kanina pa siya nagkekwento kaya ako nakikinig lang sa kaniya. Ang ganda ang view eh. Kitang kita 'ko na masaya siya ngayon.

Nandito kami ngayon sa picnic grove. May dala siyang kotse kaya madali kaming nakapunta dito, mas maganda yung view dito kumpara sa kanina.

"Sino yung kausap mo kanina? Ba't ang saya saya mo no'n?" biglang tanong nito.

"Huh? Ah. Si Kurt, inasar 'ko kasi siya. Wala lang, natuwa lang ako," sagot 'ko naman.

"Nililigawan ka na ba niya?" tanong pa nito at umiling naman ako. "Umamin na ba siya sayo?" dagdag pa niya.

"Oo. Nung una, alam 'ko na talaga halata rin naman kasi eh," natatawa 'kong sabi.

"Paano ba umamin?" Bulong niya.

"Action speaks louder than words kaya. Hindi mo naman kailangan na sabihin mong 'gusto kita', baka kasi mamaya may iba ka ring sabihan no'n," natatawa 'kong sabi.

"Mas okay yung pinaparamdam mo sa kaniya para maramdaman niyang gusto mo talaga at seryoso ka sa kaniya," nakangiti 'kong sabi sa kaniya.

Siya naman halatang nakikinig lang at parang may iniisip.

"Bakit? May nagugustuhan ka na ba?" tanong 'ko naman, kung sakali mang may iba siyang gusto okay lang basta alam 'kong sasaya siya.

Tumango naman siya. Aray naman. "Kilala 'ko ba siya?" tanong 'ko pa.

"Yeah, of course," natatawa niyang sabi. "Let's just say na tinamaan talaga ako."

"Describe her," hamon 'ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Perfect," sagot niya.

Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Though walang taong perpekto, pero for me perfect siya. She's easy to make her happy kasi kahit simpleng bagay lang kuntento na siya," masaya niyang sabi.

"I do observe her from afar, I got to know her even if we're not talking usually," dagdag pa niya.

Ramdam na ramdam 'ko kung gaano niya kagusto yung babae. Swerte naman niya.

"Tara na. Gabi na rin oh," aya niya.

Ayoko pa. Gusto 'ko na sulitin 'to eh. Baka hindi na maulit.

"Mamaya na. Punta muna tayo sa lugar kung saan pwede magstargazing, may alam ka ba?" tanong 'ko at umiling naman siya.

"Pero pwede naman tayong maghanap ng lugar, dala 'ko naman kotse 'ko eh," sabi naman niya.

Matapos namin mag-usap, naglibot na kami at hanggang ngayon wala pa ring lugar kaming nakikita. "Blake, tara na. Kanina pa tayo naglilibot eh. Pagod ka na rin," saad 'ko.

"Hindi.. hindi. Alam 'ko meron dito no'n. Naalala 'ko na, nung nagsearch ako may nakita ako," pagpupumilit niya.

Maya-maya tumigil kami sa isang bahay na may nakalagay na 'The Overlooking Chalet'.

May kinausap si Blake na isang matandang babae, nakiusap na titignan lang yung kalawakan at napapayag naman niya ito.

Nang makapasok kami dumeretso si Blake sa isang pinto, pagkabukas nito may hagdan pababa at mula sa kinatatayuan 'ko kitang kita 'ko na yung view.

Tumakbo naman ako kaagad palabas at bumaba. Merong isang space dito na may dalawang upuan. "Wow!" sigaw 'ko.

"You like it?" napatingin naman ako kay Blake na ngayon ay nakangiti attumango naman ako.

Umupo kaming dalawa pero hindi 'ko tinatanggal ako tingin 'ko sa stars. First time 'kong may kasama habang magstargazing.

"Bakit gustong gusto mong tinitignan yung mga stars?" tanong niya.

"Kapag malungkot ako o may iniisip, mga stars ang kasama 'ko. Yung parang sila yung nagcocomfort sakin," saad 'ko sabay tingin sa kaniya at ngayon 'ko lang nalaman na nakatingin pala siya sakin.

"Can I be your star?" nahihiya niyang tanong.

"Huh?" nagtataka 'kong tanong.

"Para tuluyan na akong makabawi sayo. Kapag may problema ka, kapag malungkot ka, tawagan mo lang ako. I'll be there," sabi niya sabay ngiti.

Muli, tinignan 'ko yung mga bituin.

"Hindi naman ako makakatanggi diyan sa offer mo," masaya 'kong sabi.

Thank you, Blake..

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon