Brigitte's POV
"SHIN! GISING!" sigaw namin ni Delanxe. Paano ba naman kasi tulog pa nung dumating kami.
May usapan kami na lalaboy kami ngayon, 10:00 am ang usapan. 12:00 pm na ngayon. Sa aming tatlo kasi talaga, kapag aalis kami sa bahay nila Shin magkikita-kita or sa bahay namin.
Ako palagi ang nauuna sa aming tatlo. Ta's sunod si Delanxe, huli si Shin. Ganito kami kada may pupuntahan kami, tulog si Shin pagkadating 'ko at pagkadating ni Delanxe.
"Ano ba?!" sigaw niya sa amin. "Ba't ba kayo nandito?" nakasimangot niyang sabi sa amin habang bumabangon.
"May usapan tayo na may bonding ngayon. Sleepover din kila Brigitte," mataray na sabi ni Delanxe.
Napakamot naman ng ulo si Shin at tumayo na sabay deretso sa banyo. "Ito naman! Badtrip na nga yung tao, tinarayan mo pa," saad 'ko naman kay Delanxe sabay batok sa kaniya.
"Aray! Kasi tanghali na. Tsaka nagugutom na ako," reklamo niya.
"Maka'sabi ka ng tanghali diyan! Kararating mo nga lang," sagot 'ko naman sa kaniya at tinignan siya ng masama.
"Lagi ka lang maaga!" reklamo naman niya.
"Hello?! Kahit bagalan 'ko kilos 'ko ako pa rin mauuna, walang makakatalo sa pagiging pagong mo."
Sinimangutan lang ako ni Delanxe at hindi na nakipagtalo.
Inayos 'ko na ang gamit ni Shin para sa sleepover. Kasi alam 'kong magpapasuyo pa siya sa akin, meron pa no'n isang beses pinapahawi niya yung buhok niya na tumatakip sa mukha niya dahil tinatamad daw siya gawin yon. Diba ang tamad?
"Okay na ba 'to? Check mo nga," inabot 'ko yung bag na pinaglagayan 'ko ng gamit ni Shin kay Delanxe.
"Skincare niya," sagot niya. Kinuha 'ko ang skincare ng kaibigan namin at agad na nilagay sa bag.
Maya-maya lumabas si Shin sa banyo nang nakabihis na. "Shopping tayo diba?" tanong niya sabay kuha ng wallet niya sa side table niya.
"Yeah. Sleepover din," sagot ni Delanxe.
"Babes, paayos ako ng--"
"Okay na. Naayos 'ko na. Nandiyan na rin sa bag yung skincare mo," putol 'ko sa sasabihin ni Shin habang nakatingin sa akin.
"Okay, thanks."
Nandito kami ngayon sa Penshoppe. May nakita kasi akong maganda damit kaya napapasok kaming tatlo.
Matapos akong bumili do'n, napadaan kami sa Real Deal kung saan yung shop ng mommy ni Kurt. "Babes, ang ganda no'n oh," sambit ni Delanxe sa amin habang may tinuturong damit sa loob ng Real Deal.
"Tara," aya ni Shin.
Pumasok kami sa shop at agad kaming naghiwa-hiwalay. Namukhaan yata ako ng isang babae kaya ako nilapitan nito. "Hi Ma'am! Kayo po yung kasama ni sir Kurt kahapon dito diba?" nakangiti niyang sabi sa akin.
"Opo," nakangiti 'ko namang sagot.
Pumili lang ako ng dalawang damit dahil medyo pricey talaga para sakin. Walang problema dito yung dalawa 'kong kaibigan. Afford na afford nila 'to.
Si Kurt lang din talaga nag-insist na kumuha pa ako kahapon ng mga damit.
Sabay-sabay kaming pumunta sa counter at dalawang babae ang nasa cashier, pero yung isa nasa edad na 50s.
"Good afternoon, Ma'am Brigitte," nakangiting bungad sa amin nung cashier. Siya rin yung kahapon. Napakunot naman ng noo yung dalawa 'kong kaibigan at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
