DAHYUN'S POV :Si Sana Unnie naman kasi eh ! Nakakasora , Susuyuin ko pa tuloy si Tzuyu na mukhang nagseselos na naman . Jusko , Palagi na lang nagseselos si Tzuyu . Kahit si Jihyo Unnie , Napagselosan na niya . Kaloka !
Hinabol ko na siya kasi nga nagwalk-out . Naglakad-lakad siya sa tabing dagat .
"Yah ! Tzuyu ~ Kausapin mo naman ako ! Wag ka nang magselos . Seriously ! Si Sana Unnie na baliw pinagseselosan mo ?!" Sambit ko . Tumigil siya sa paglakad at hinarap ako .
"Tsk ! Bakit ? Masama bang magselos ? Masama bang mag-alala na baka may iba ka na . Pasensya na ah , Hindi ko maiwasan eh . Mahal kasi kita" Sagot niya sabay lakad ulit . Hinawakan ko naman siya sa kamay .
"Tzu , Wala ka bang tiwala sakin ?" Tanong ko sa kanya .
"Meron!" Sagot niya .
"Eh di dapat pagkatiwalaan mo ko" Sagot ko sa kanya .
"Dahyun , Pinagkakatiwalaan naman kita" Sagot niya.
"Fine ! Sorry na , Sorry na kung nagseselos ka samin ni Sana Unnie . Maniwala ka , Trip niya lang yun" Sabi ko sabay yakap sa kanya .
Mukha namang kumalma na siya sabay yuko .
"Bakit ? Anong Problema ?" Tanong ko sa kanya .
"Pasensya ka na , Masyado akong nagseselos tuwing may kasama kang iba . Promise , Di na mauulit" Sagot niya kaya naman napasmile ako sa kanya sabay ayos ng buhok niya.
"Ayos lang , Ang mahalaga ay mahal nating ang isat-isa" Sagot ko sa kanya. Sabay na kaming lumakad pabalik sa ibang members . Hinanap namin sila at nalaman namin na nakapagdecide na sila sa magkakasama sa Rooms . Pumunta na kami ni Tzu sa Room namin at bigla kaming natigilan dahil nandun si ......
Kasama namin sa Room si Sana Unnie ? Napatingin ako kay Tzu kasi baka magselos na naman siya ! Pero , Hinawakan niya ko sa kamay kaya naging kampante ako.
"Guys , Hello" Bati ni Sana Unnie samin.
"Sana Unnie , H...Hello" Sagot ko .
"Dahyun , Mamaya . Kain tayo ah" Sabi ni Tzu sakin .
"Sure ! Gusto mo ngayon na eh" Sagot ko kaya natuwa si Tzuyu .
"Sama naman ako" Sabi ni Sana Unnie.
"Sana Unnie , Hindi pede ! Date namin ni Tzu mamaya . Di pwedeng umextra . Si Momo Unnie ang yakagin mo . Magdate din kayo" Sagot ko kaya wala nang nagawa si Unnie.
"Oo na , Para sasama lang eh" Sabi niya samin.
"Sana Unnie , She's Mine" Sagot ni Tzu sabay backhugged sakin at ngisi kay Sana Unnie.
"Oo , Naiintindihan ko naman . Pasensya na , Biro lang yung nagawa ko kanina" Sagot ni Sana Unnie.
"Mas lalo nga kaming tumibay eh" Sagot ko .
Napailing na lang si Sana Unnie samin . Tumayo siya sabay labas na lang ng pintuan .
"Oy ! Sana Unnie , Saan ka pupunta ?" Tanong ko.
"Kay Momo" Sagot niya sakin sabay alis na.
Napatingin na lang ako kay Tzuyu. Nagpeace-sign siya sakin.
Inayos na namin ni Tzuyu ang mga gamit namin hanggang sa ma-boring na ko.
"Nakakabored !" Sabi ko.
"Tara ! Gawa na lang tayo .... " Yakag niya nang nakangisi . Jusko ! Anong gagawa kami ? Gagawa ng ano ? Hala ! O-M-G !
"Tzu ! Anong gagawa tayo ?! Jusko naman , Ang bata-bata ko pa para sa mga ganyang bagay" Sagot ko sabay yakap sa sarili ko.
Lumapit naman siya sabay pitik sa tenga ko. Nagpamewang siya.
"Yah ! Hindi yun ang ibig kong sabihin ! Saka , Kahit ba mag-ano tayo , May magagawa ba ? Diba wala ! Letche ! Di pa kasi ako tapos magsalita . I said gawa na lang tayo ng memories" Sagot niya sakin.
"Huh ?" Tanong ko.
"Give me your phone !" Sabi niya sabay kuha sa phone ko . Tumabi siya sakin sabay bukas ng Camera App . Nagpose na siya .
"Are you Crazy ?" Tanong ko.
"Smile ! Memories natin 'to together" Sabi niya kaya nagsmile na lang din ako.
Nagselfie kami ni Tzuyu sa kwarto . Ang dami naming mga pose . Hindi namin namalayan na nagbukas pala ang pintuan ng kwarto namin . Kanina pa pala nakatayo sa pintuan si Chaeyoung .
"Ka...Kanina ka pa diyan ?" Tanong namin sa kanya.
"Hindi naman , Sige lang . Ipagpatuloy niyo 'yan . Btw , Ipinasasabi ni Jihyo Unnie na sabay-sabay daw tayong kakain mamaya sa tabing-dagat . Magkaka-Bonfire tayo" Sabi niya samin.
Tumango na lang kami ni Tzuyu sa kanya.
"Sige na , Ituloy niyo na ang pagseselfie" Sabi niya sabay alis na at sarado ng pintuan .
Makalipas ang ilang minuto , Naisipan namin ni Tzu na lumabas na muna at sa tabing-dagat magpicture picture .
Naglakad-lakad kami sa tabing dagat . Maya-Maya pa , Natigilan ako sa nakita ko . Nakita ko si Lolang Tindera ng Bracelet . May mga kasama siyang umaalalay sa kanya.
Lumapit ako sa kanila . Sinundan naman ako ni Tzuyu nang makita na niya si Lola .
"Lola , Kumusta na po ?" Tanong ko sabay smile.
Napangiti naman si Lola . Nagulat ang mga kasama niya . Mukhang sila ang mga anak ni Lola .
"Oh , Iha ~ Akalain mo , Magkikita ulit tayo . Sila ang mga anak ko" Sabi ni Lola sabay turo sa mga kasama niya.
Natuwa ang mga anak ni Lola . Nakilala nila kami . Tuwang-tuwa sila . Agad siyang nagpapicture samin. Nakiusap na lang kaming wag muna i-upload dahil sa fans na maaaring dumugin kami dito.
"Lola , Hanggang sa muling pagkikita" Bati ni Tzuyu kay Lola
"Sige na , Mauna na kami mga Iha" Sabi ni Lola.
Nakanang ! Nagbabakasyon din si Lola. Napangiti na lang kami ni Tzuyu sa isa't-isa dahil naalala namin yung mga moments namin noon .
Nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa tawagin na kami nila Jungyeon Unnie .
Sama-sama na kaming pumuwesto sa harapan ng Bonfire . Nagsimula na ang kainan namin . Sari-sari kami nang trip . Wala kaming ginawa kundi magtawanan . Maya-maya pa , Naglabas si Nayeon Unnie ng Soju .
"Omg ! Gusto ko yan ! Simulan na ang inuman" Sabi ni Jungyeon Unnie.
"Yung mga Maknae ! Ba....." Sabi ni Jihyo Unnie.
"STOP !" Sabi namin ni Chaeyoung .
"Ako , Ayokong uminom . Ayos lang sakin ang tubig" Sabi ni Tzuyu .
"Pagbigyan mo na kami ni Dahyun Unnie !" Sabi ni Chaeng kay Jihyo Unnie.
"Tama ! Hayaan na natin uminom sila Chaeng at Dahyun" Sagot ni Sana Unnie.
Wala nang nagawa si Jihyo Unnie kundi payagan kami .
"Basta ! Nagwarning na ko . Ginusto niyo 'yan" Sagot ni Jihyo Unnie kaya napapalakpak kami ni Chaeng.
Nagsimula na ang inuman namin at ang lakas nila Nayeon , Jungyeon at Momo Unnie . Parang hindi nalalasing . Samantala , Si Chaeng natutulog na sa isang tabi.
"Yah ! Magsigising kayo !" Sabi ni Jihyo Unnie . Napakaingay na talaga ni Jihyo Unnie . Lasing na 'to . Hahahaha .
"Woohoo ! Party Party !" Sabi ni Mina Unnie dahil lasing na siya .
Inaamin ko na nalalasing na ko . Si Sana Unnie matatag din . Hindi ko na napigilan kaya tumayo na ko . Nagsasayaw ako . Sinamahan naman ako ni Mina Unnie . Inaawat na ko ni Tzu pero ayoko pa.
"Dubu , Tama na . Lasing ka na" Sabi ni Tzuyu sakin. I hugged her tightly sabay tawa.
"Tzu , Party Party !" Sabi ko sa kanya.
Maya-maya pa , Nakaramdam ako ng pagkahilo at bigla na lang akong natumba . Yun na ang huling naalala ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...