Chapter 71 - Finding TzuDa

407 12 5
                                    

JIHYO'S POV :

Kinabukasan , Nang magising kami nila Sana at Momo --- Agad na kaming kumilos para magpatuloy sa paghahanap sa ibang members .

Pero bago kami umalis , Kumain muna kami . Lol ! Hahahaha . Kailangan namin ng energy para magawa namin silang mahanap nang mabilis . Bakit kasi ang laki ng gubat na 'to ?! Kainis !

Habang naglalakad kami , Wala paring ginawa si Momo kundi kumain . Ang takaw talaga ! Tsk .

"Sana makita ko na si Dahyun" Magmamadaling sabi ni Sana .

"Makikita din natin sila" Sabi ko sa kanya .

"Kailangan kong makita si Dahyun" Sambit ni Sana sabay takbo . Tumakbo na din si Momo kaya naman tumakbo nadin ako . Grabe ,  Nakakapagod . As in nakakapagod talaga .

Nagpatuloy kami sa paglalakad , Napapansin ko namang unti-unti nang nagkakaasaran sina Momo at Sana .

"Bilisan mo namang lumakad , Momo !" Sabi ni Sana .

"Teka ! Kumakain pa ko !" Sagot ni Momo sa kanya .

"Tsk ! Ang takaw-takaw-takaw-takaw-takaw mo talaga !" Sabi ni Sana sa kanya.

"Ano bang pakialam mo ? Lol ! Kumain ka din kung gusto mo" Sabi ni Momo sa kanya .

"Aish ! Nakakainis ka na !" Sabi ni Sana sa kanya .

"Relax lang kayo . Wag naman kayong mag-away . Please" Sabi ko sa kanila .

Pareho silang napalingon sakin . Natigilan ako dahil para silang naging estatwa nang makita ako . Nanlaki ang mata nila .

"Ba---Bakit ?" Tanong ko sa kanila .

Dahan-dahang napaturo si Sana sakin . Napakunot noo naman ako . Baliw lang ?! Ano kaya 'yun ?! Tsk !.

"A--Ahas" Sabi ni Sana Unnie kaya nanlaki ang mata ko .

"Saan ?! Saan ?!" Takot na takot kong tanong.

"Sa likod mo !" Sigaw ni Momo kaya naman napasigaw na ko nang malakas . Napaiktad ako nang makitang may ahas nga na nakasampay sa puno sa likuran ko .

"Waaaahhhh !!!!" Sigaw ko sabay pandalas ng takbo . Agad rin namang tumakbo sila Momo at Sana kasunod ko .

"Waaahhh !!!!" Sigaw din ni Momo .

"Yah ! Wait lang !" Sigaw ni Sana sabay habol samin .

Omg ! Omg ! Omg ! Akala ko mamamatay na ko. Huhuhuhu ~

Napatigil ako sa pagtakbo dala ang bag ko nang makasalubong namin sina Nayeon , Jungyeon , Mina at Chaeyoung .

"Guys ?!" Gulat kong tanong nang makita sila .

"Jihyo ?! Jihyo !!!!" Sigaw nila sabay takbo sakin . Sumulpot na din sila Sana at Momo na hinihingal .

"Finally ! Nakita na namin kayo" Sambit ni Nayeon Unnie samin. 

Niyakap namin ang isa't-isa . Sa wakas ! Nagkita-kita na ulit kami .

"Bakit ba sumisigaw kayo ?" Tanong ni Mina samin.

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon