Chapter 39 - Surprise

337 13 3
                                    

DAHYUN'S POV :

Para akong namatanda sa nakita ko . I looked at Mom confusedly . Nilapitan na niya ko at niyakap .

"Ang ganda-ganda ng anak ko" Sabi niya sabay smile sakin.

"Mo...Mom" Mahina kong sabi sabay lingon sa lalaking kasama niya.

"Dahyun , Oo . Alam kong na-surprised ka . Tara ! Pumasok na tayo sa loob kasama niya" Sabi ni Mom.

"Hello Dahyun-Ah , Namiss mo ba ko ?" Tanong sakin ng lalaki . No ! As in No !

Hinawakan na ko ni Mommy sa kamay . Pumasok na kami kasama yung letcheng lalaki na 'to !

Nang pumasok kami sa loob , Natigilan din ang ibang members . Kinakabahan ako eh ! Bakit ba kasi nandito si Eunwoo ? Tsk ! Oo , Kasama ni Mommy si Eunwoo . Magkakilala sila kasi nga magbestfriend kami ni Eunwoo noon sa Hanlim Arts School .

"Kumusta kayong lahat ? Si Eunwoo nga pala . Ang matalik na kaibigan ni Dahyun noon pa" Sambit ni Mom sa ibang members sabay pakilala kay Eunwoo.

Talagang na-surprised ako ! Shet ! Ayoko na ~

"Hello sa inyong lahat . Ako si Eunwoo ng Astro" Sagot ni Eunwoo sa lahat.

"He...Hello" Seryosong bati sa kanya ng ibang members . Nagkatinginan kami ni Chaeyoung . Alam kong nag-aalala na din siya .

"Ma....Mabuti pa maupo na po kayo dito sa Sofa" Sabi ni Nayeon Unnie kila Mom .

Umupo na si Mom at Eunwoo pero ako hindi . Ayoko !

"Anak , Sit down . May mga pag-uusapan tayo" Sabi ni Mom sakin . Umupo na ko pero malayo kay Eunwoo . Kay Mom ako tumabi kaso nakipagpalit ng pwesto si Mom kay Eunwoo. Bwisit !

"Aalis po muna kami" Sabi nila Jihyo Unnie.

"No , Di na kailangan . Kailangan niyo din namang malaman 'tong surprise ko kay Dahyun eh" Sabi ni Mom sa kanila .

"Po ? Si...Sige po" Sabi ng ibang members . Nanatili ang iba pang members sa tabi namin .

I looked at Tzuyu confusedly . Halata namang hindi na komportable si Tzuyu . Gusto ko siyang tabihan kaso ang layo niya .

"Dahyun , Handa ka na ba sa surprise mo ?" Tanong ni Mom.

Jusko , Parang ayoko na !

"O...Opo ?" Sambit ko.

"Sige , Nang malaman kong nagkasama kayo ni Eunwoo sa Mini Drama . Naisipan kong pumunta dito at bumisita . Matagal kayong hindi nagkasama . Kaya naman nakipagkita ako sa kanya . Nagkasundo kaming dalawa . Sa totoo , Botong-boto ako sa kanya . Alam mo 'yan" Sambit ni Mom .

Teka , Ibig sabihin ..... Parang sa mga sinasabi ni Mom , May binabalak siya eh . Ayoko na talaga !

"Mom , Change Topic . Ayoko na niyan" Sabi ko.

"Hindi pwede . Ito ang surprise" Sabi ni Eunwoo.

Shet ! Paepal ! Kasora !

"Deretsyuhin mo na ko , Mom" Sabi ko nang paseryoso.

"Magkakaroon ka ng Secret Marriage with Eunwoo" Deretsyahang sabi ni Mom.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Mom . OMG ! Sinasabi ko na nga ba eh . Yun yun !

Natahimik na lang ako sa narinig ko .

"Mrs. Kim , Si Dahyun po kasi --- May career po kasi siya at baka mapahamak siya about dito sa binabalak niyo" Sabi ni Jihyo Unnie.

"Ako na ang bahala . Nakaplano na ang lahat . Ikakasal si Dahyun kay Eunwoo . Soon" Sagot ni Mom sa kanila.

"What ?!" Gulat na Tanong ni Eunwoo.

"Mo...Mom" Mahina kong sabi.

Agad nang tumayo si Mom at hinawakan ako sa kamay .

"Saan tayo pupunta ?" Tanong ko.

"Basta , Aalis tayo kasama ng Future Husband mo . Sandali lang 'to" Sabi ni Mom.

"What ?! Baka makita ko ng fans" Sabi ko.

"No , Ako ang bahala . Anak" Sabi ni Mom sakin.

Wala akong nagawa . 'Cause she's my Mommy . Ayokong makaaway siya . Napalingon ako kay Tzuyu bago tuluyang umalis . Nagmadali na akong sumakay sa Van para walang makakita . Tinabihan ako ni Eunwoo . He smiled at me . Kung pwede ko nga lang sana siyang sapakin eh kaso nandito si Mommy . Huhuhu !

"Excited na ko sa kasal natin" Sabi sakin ni Eunwoo . I just rolled my eyes . No Way ~ Asa pa siya ! As if namang papakasalan ko siya

--__--  PABO ! Humahanap lang ako ng timing para sabihin kay Mom eh . Sa ngayon , Tiis muna .

To Be Continued .........


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Saan nga ba pupunta sila Dahyun ? Abangan ~

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon