Chapter 76 - Crying TzuDa

354 12 1
                                    

MOMO'S POV :

Nakakabigla yung mga pangyayari habang sabay-sabay kaming kumakain . Bigla na lang umamin si Taehyung kay Dahyun ng feelings niya . Then , Nakakabiglang alam pala ni Dahyun . Mismong sa harapan pa namin sila nag-usap . Akala siguro ni Taehyung may chance siya . Kami ngang close na close kay Dahyun hindi nakaporma , Siya pa kaya ? Lol !

Umalis si Tzuyu sa tabi namin . Alam naman naming lahat na di na niya kaya yung nakikita niya . Umalis agad siya . Baliw lang ! Hindi tuloy niya nasaksihan yung pamba-busted ni Dahyun kay Taehyung . LOL ! Hahaha . Laughtrip . Enjoy na enjoy nga ko eh .

Kaso , Umalis din si Dahyun . May kukunin din daw . Hello ~ Alam naman namin na susundan niya si Tzuyu . Saka , Sinabi niya kay Taehyung na may mahal siyang iba . Sino kaya 'yun ? Ako ? Lol , Nag-assume na naman ako.  Hahaha . Malamang si Tzuyu !

Hinayaan na lang namin sila . Itinuloy na lang namin ang kainan kasama si Taehyung .

"Maghanap ka na lang ng iba" Sabi ko sa kanya.

"Tama , Pwede ba isa sa inyo na lang ?" Pabiro niyang tanong samin .

Natigilan kaming lahat habang siya nakangiti padin .

"Gusto ata nitong mabugbog eh" Bulong ni Sana sakin .

"Gusto mong mabugbog ?" Deretsyahang tanong ni Chaeyoung kay Taehyung .

"Huh ?" Gulat na tanong ni Taehyung .

Agad namang tinakpan ni Mina ang bibig ni Chaeyoung . Hahahaha .

"Wala , Wala 'yun" Sambit ni Mina kay Taehyung .

"Ganun ? Sige" Sagot ni Taehyung samin .

Nang matapos kumain , Bigla na namang nagtanong si Taehyung .

"Sino yung mahal ni Dahyun ?" Tanong niya samin.

"Bakit gusto mong malaman ?" Tanong ni Nayeon Unnie sa kanya .

"Wala lang , Gusto ko lang i-congrats yung taong 'yun . Ang swerte niya kay Dahyun" Sabi ni Taehyung .

"Kay Tzuyu ka mag-congrats , Aray !" Sabi ni Jungyeon Unnie kaya kinurot namin siya .

"Huh ? Kay Tzuyu ?" Tanong ni Taehyung samin.

"Nagbibiro lang si Jungyeon , Hehehe . Kalimutan mo na yun . Wag mo na lang itanong" Sagot namin sa kanya .

Napatango na lang si Taehyung at dinala na sa loob ang mga ginamit namin pangkain .

"Magtatapon lang ako ng mga kalat . Di naman kalayuan yun . Babalik din ako" Sambit ni Taehyung .

Umalis na si Taehyung . Sakto namang bumalik na si Dahyun at Tzuyu . Nagulat kami nang makitang umiiyak si Dahyun . Agad siyang sinalubong ni Sana at niyakap .

Natahimik na lang kaming lahat nang makita siyang umiiyak . Siyempre ayaw naming umiyak si Dahyun . Napalingon naman ako kay Tzuyu . Nakayuko lang siya . Ano kayang nangyari ?

"Momo , Kausapin natin si Tzuyu" Sabi sakin ni Nayeon Unnie .

Tumango na lang ako at nilapitan na namin si Tzuyu .

"What's wrong , Tzu ? Anong nangyari sa inyo ? Bakit umiiyak si Dahyun ?" Tanong ko sa kanya.

"It's my fault . Nagselos na naman ako . Wala na naman akong tiwala sa kanya" Sagot ni Tzuyu .

"Bakit ? Ano bang napag-usapan niyo ?" Tanong ni Nayeon Unnie sa kanya.

"Inamin na niyang hanggang ngayon mahal padin niya ko pero sinaktan ko na naman siya . Sinabi kong magpakasaya na lang sila ni Taehyung . Kasalanan ko 'to ! Ayos na , Ginulo ko na naman dahil lang wala kong tiwala sa kanya" Sagot ni Tzuyu . Bigla na siyang umiyak kaya niyakap namin siya .

"Ayos lang 'yan , Maayos din natin 'to" Sambit ko sa kanya .

"Tahan na , Tzuyu" Sambit naman ni Nayeon Unnie sa kanya.

Sinilip naman namin si Dahyun na kasama sina Sana , Jihyo at Jungyeon  .

Kinakausap nila si Dahyun kaya dinamayan muna namin si Tzuyu .

Hanggang sa tumahan na silang dalawa , Dumating si Taehyung . Mabuti at hindi niya nahahalatang may problema .

Dinadaldal ni Chaeyoung at Mina si Taehyung sa isang tabi kaya naman di niya nahahalatang may problema na .

Hanggang sa lumapit na samin si Jihyo .

"Nagkausap na kaming lahat , Uuwi na tayo . Hindi magandang magtagal tayo dito" Sabi ni Jihyo .

"Ayos lang sakin" Sagot ko.

"Kung anong ikaaayos ng lahat , Dun ako" Sambit naman ni Nayeon Unnie.

"Ayos lang din sakin" Malungkot na sabi ni Tzuyu

Tumango si Jihyo. Sinabi na rin niya kila Chaeng at Mina . Pumayag na din naman sila . Hanggang sa nagpaalam na kami kay Taehyung . Pumayag naman siya . Tinulungan niya kaming maglikom ng tents at gamit. 

Nang maayos ang lahat , Nagsihandaan na kami para sa pag-alis . Bago kami umalis , Nakipag-usap muna si Dahyun kay Taehyung .

~ To Be Continued ~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Abangan ! Madami kayong dapat abangan .

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon