TZUYU'S POV :
Jusko , Ano 'tong nangyayari ?! Umaamin ba si Eunwoo ng feelings kay Dahyun o Umaamin nga siya ng feelings ?! Shet ! Umaamin nga siya ng feelings .
Nanlaki ang mata ko nang sabihin ni Eunwoo na gusto niya si Dahyun . Kung siya gusto lang , Ako naman mahal na !
"Anong sinabi mo ?" Tanong ko kay Eunwoo.
"Gusto ko si Dahyun . Gusto ko yung kaibigan mo" Sagot niya sakin.
"Ta...Tapos ?" Tanong ko sa kanya .
"May boyfriend na ba siya ?" Tanong niya sakin.
Gusto ko na sana siyang sapakin eh . Sakin ba naman magtanong ! Ano namang isasagot ko ?!
Sasabihin ko na sanang nagmamahalan kami kaso naunahan akong magsalita ni Dahyun .
"Eunwoo , Stop" Seryosong sabi ni Dahyun.
"Bakit ba hindi mo man lang ako mapagbigyan na patunayan ang sarili ko sayo ? Noon pa man , Bakit ?" Tanong ni Eunwoo kay Dahyun.
Noon pa man ????? Magkakilala na sila noon pa ????? Ano 'to ?????
"Eunwoo , Please . Wag mo na kong kulitin . Talagang parang kapatid na kita . Saka , May nagmamay-ari na sa puso ko" Sabi ni Dahyun kay Eunwoo sabay tingin sakin.
"Dahyun-Ah , Mahal kita eh" Sabi ni Eunwoo sa kanya . Akma sanang lalapit si Eunwoo kay Dahyun pero pinigilan ko siya . Napatingin si Eunwoo sakin.
"Sabi niya , Wag mo na siyang kulitin" Sabi ko kay Eunwoo nang paseryoso.
"Please , Sabihin mo kay Dahyun na pagbigyan ako" Sabi ni Eunwoo sakin.
"Bakit ko nama gagawin 'yun ?" Tanong ko sa kanya . Tanga lang ?!
"Dahil mahal na mahal ko ang kaibigan mo . Schoolmates kami noon and we're bestfriends" Sabi ni Eunwoo sakin.
So , Kaya naman pala magkakilala na sila . Bakit hindi man lang naikwento ni Dahyun sakin 'yun ?
"Anong ibig sabihin nun , Dahyun ? Naging kayo noon ?" Tanong ko.
"No ! We're bestfriends . Nagconfess siya sakin noon pero ini-refuse ko siya dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya" Sabi ni Dahyun sakin.
"Dahyun-Ah , Hindi ako magsasawang ipakita sayo na madali lang akong mahalin" Sambit ni Eunwoo sabay alis na .
Nang umalis si Eunwoo , I looked at Dahyun . Napansin ko siyang mukhang stress na . Tinabihan ko siya sa upuan at niyakap .
"Dahyun , Wag kang mag-alala . Hindi ako nagagalit sayo dahil hindi mo sinabi na magkakilala na pala kayo ng Eunwoo na'yun noon pa man" Sabi ko habang yakap siya.
"Tzu , Sorry . Hindi ko na sinabi sayo dahil hindi naman mahalaga 'yun . Talagang parang kapatid na ang turing ko sa kanya" Sabi ni Dahyun sakin.
"Ayos lang 'yan . Naniniwala ako sayo . Kainin na natin ang pagkaing dinala ko sayo" Sabi ko sa kanya .
Kinain na namin ang pagkain na dinala ko for Dahyun . Narealized kong dahil kay Dahyun mas nagiging better ang personality ko . Natututunan ko nang maunawaan siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...