TZUYU'S POV :Nang magising ako , Maliwanag na pala . Umaga na . Napatingin ako kay Dahyun na nakayakap sakin nang tulog . Nalulungkot ako para sa kanya . Ayokong nahihirapan siya . Hanggang ngayon curious padin ako sa napanaginipan niyang masama pero nirerespeto ko ang desisyon niyang wag nang sabihin sakin . Hindi ko na lang siya pinilit na pag-usapan namin 'yun. Gusto ko na rin namang makalimutan niya ang masamang panaginip na 'yun .
Hindi muna ko umalis sa posisyon ko ngayon 'cause she's still hugging me . Hinawakan ko ang pisnge niya at inayos ang buhok niya .
Mahal na mahal ko siya . Pangako , Hindi ko siya iiwanang mag-isa . Hindi ko siya pababayaang masaktan o umiiyak na naman .
Napangiti na lang ako dahil naalala ko yung moments namin kaninang madaling araw . At least , Nagka-chance ulit kaming maging isa . Nagkachance ulit akong masabing akin siya kahit na --- Tapos na 'yung chance na yun ngayon .
Narealized ko , Umaga na pala talaga --- Sana bumalik yung oras kanina . Yung oras kung saan masaya kaming dalawa . Tapos na pala talaga yung time namin .
Hayaan na nga , At least may new memories kami . At least may new picture kami sa phone niya .
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya . Agad na rin akong tumayo nang dahan-dahan para di siya magising . Lumabas na muna ko ng tent namin at lumingon sa paligid .
Inayos ko na ang ilang gamit namin para 'pag gising ni Dahyun ay makakaalis na agad kami . Hmm ~ Nagugutom na ko . Ano kayang makain ? Alam ko na ! Kinuha ko yung bag ng groceries ni Dahyun for Taehyung .
Bumawas ako ng konting tinapay . Iniready ko ang kakainin namin ni Dahyun para sabay kaming kakain kapag gising na siya .
Naupo na lang muna ko sa isang tabi habang hinihintay siyang magising . Hindi ko talaga makakalimutan yung kagabi . Finally , Narinig ko ulit sa kanya na mahal niya ko . Naramdaman ko na ulit yung love niya nang i-lean niya ang ulo niya sa balikat ko . Mahal kita , Kim Dahyun . Hinding-hindi magbabago 'yun . Goodnight like yesterday , as if nothing is wrong . Pero sa kabila ng masasayang moments namin , Alam ko paring wala paring nagbabago . Nasasaktan padin siya . Hindi parin niya ko tuluyang napapatawad at higit sa lahat --- Hindi pa siya tuluyang bumabalik sakin.
Wala naman akong magagawa dun eh . Pero , Hinding-hindi na ko bibitaw at susuko sa kanya . Hindi na talaga . Lalaban ako . Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya . Pero bandang huli , Desisyon parin niya ang mananaig . Kung talagang wala na at ayaw na niya , Kailangan kong respetuhin 'yun.
Naiihi ako kaya naman nagtago muna ko sa tagong place at dun na lang umihi . Lol ! Hahaha.
Maya-maya , Nagising na si Dahyun . Lumabas siya ng tent sabay lingon sakin . I smiled at her as she smiled back at me .
"Good Morning , Ready na ang almusal natin" Sambit ko sa kanya .
"Good Morning , Salamat" Sambit niya sakin .
"Let's Eat" Sabi ko sa kanya . Sabay na kaming kumain ng mga tinapay na ni-ready ko.
Tahimik lang kaming kumakain as if nothing happened . Bigla siyang nagsalita .
"Salamat sa lahat , Tzuyu" Sabi niya.
"Wala 'yun . Basta para sayo , Gagawin ko" Sambit ko sa kanya .
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...