CHAEYOUNG'S POV :
Kinabukasan , Halatang pagod ang lahat ng members . May naalala ako . Tatanungin ko nga pala si Dubu Unnie about kay Eunwoo . Hindi ako matigil eh . Curious kasi ako eh . Feeling ko may sikreto m She's my bestfriend . Close na close kami at alam ko kung may isinisikreto siya .
Pagod sila Nayeon , Jihyo at Jungyeon Unnie kaya tahimik lang sila na nanonood ng TV . Si Tzuyu busy sa pagbabasa ng libro sa isang tabi . Si Momo Unnie ngumunguya ng pagkain . Takaw talaga . Si Sana Unnie nagpapa-cute sa salamin . Si Mina Unnie , Nagsa-soundtrip nang naka-earphone . Si Dahyun Unnie natutulog pa sa loob ng kwarto nila ni Tzuyu .
Agad na kong nag-ayos ng sarili ko . Yayayain ko si Dahyun Unnie lumabas . Nilapitan ko si Mina Unnie .
"Mina , Pwede ba kaming lumabas ni Dubu Unnie ?" Tanong ko.
"Pwede naman , Pero bakit ?" Tanong niya.
"May mga gusto akong itanong sa kanya . Chance ko na 'to" Sambit ko sa kanya.
"Sige , Ayos lang . Lakad na" Sambit niya sabay smile sakin . Ang bait talaga ng Penguin ko.
Agad na kong kumilos at ginising si Dubu Unnie .
"Ano ba ? Inaantok pa ko . Sa isang taon na lang" Sambit niya.
"Jusko ! Ano 'yan ?! Hanggang next year matutulog ka diyan ? Sino ka ? Si Sleeping Beauty ?" Tanong ko sa kanya sabay hila sa kanya .
"Tsk ! Oo na . Oo na ~ Sige na . Sandali" Sabi niya sabay bangon na sa kama .
"Please , Bilisan mo naman . Magagala tayong dalawa . Samahan mo lang akong mamasyal . Nakakabored eh . Mga pagod yung ibang members" Sabi ko.
"Pagod din naman ako ah" Sabi niya.
"Please Unnie , Ngayon na lang tayo magkaka-bonding" Sabi ko . Napakamot-ulo na lang siya at nag-ayos na .
Nang makapag-ayos na kaming dalawa , Agad na kaming lumabas ng dorm nang di na nagsasabi sa ibang members . Mga busy sila eh . Di man lang namalayan na nakaalis na kami.
Nagsimula na kaming maglakad ni Dahyun Unnie sa labas . Naghahanap lang ako ng timing para tanungin siya .
"Oy Chaeng , Kanina pa tayo lumalakad . Saan ba ang punta natin ?" Tanong niya.
"Sa .... Sa Arts Store" Sagot ko .
"Diba kabibili mo lang ng mga Arts material nung isang araw kasama si Momo Unnie" Sabi niya sakin .
"Gusto ko pa kasing bumili" Sambit ko.
"Tsk , Sige na" Sabi niya sakin kaya napasmile na lang ako.
Nang dumating kami sa Arts Store , Agad na kaming namili . Matapos mamili , Nagyakag na siya pauwi.
"Wait ! Daan muna tayo sa Park . Mag-Ice Cream muna tayo" Sambit ko kaya napatango na lang siya .
Naupo na kami sa Bench . Agad na rin naman akong bumili ng Ice Cream . Bumalik agad ako sa kanya. Kumain na kami ng Ice Cream . Medyo tahimik kaya nagselfie na lang kami .
![](https://img.wattpad.com/cover/90695565-288-k66830.jpg)
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...