DAHYUN'S POV :
Habang nagkakagulo kami ni Tzuyu sa damuhan dahil sa ginawa niya sakin ---- Nagsitakbuhan samin yung ibang members .
"Ano ba namang ginagawa niyo diyan ?" Tanong ni Jihyo Unnie.
"Si Tzuyu kasi !" Sagot ko.
"Anong meron kay Tzuyu ?" Tanong naman ni Mina Unnie.
Ano ? Sasabihin ko bang hinalikan ako ni Tzuyu ?! Nakakainis ! Ang awkward kapag nalaman pa nila .
"Wa--wala naman , Nakakainis lang siya ! Tanggalin niyo na kasi 'tong posas namin !" Sagot ko.
"Hindi pwede ~ Hangga't di kayo nagkakaayos" Sambit ni Jihyo Unnie.
"Ano pa bang kailangan naming gawin ? Tanggalin niyo na ! Ngayon din !" Sabi ko.
"Hindi nga pwede" Sabi ni Jungyeon Unnie.
"Dahyun-Ah , Konting tiis na lang" Sambit ni Sana Unnie sakin .
"Dahyun , Ayoko din naman 'tong nangyayari . Wag ka nang maarte ! Magtiis ka na lang para pakawalan na nila tayo !" Sabi ni Tzuyu sakin.
"Anong tingin niyo sakin ? Tanga ?! Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong tumatakbo sa mga utak niyo ! Alam kong ginagawa niyo 'to para maibalik yung dati pero --- I'm sorry dahil never nang maibabalik yung dati !" Seryoso kong sagot sa kanila.
Natahimik naman sila sa mga sinabi ko . I looked at Tzuyu seriously .
"Ikaw ? Tingin mo talaga babalikan pa kita ? Fine , Umasa ka lang ! Hanggang asa ka na lang naman eh . Tigilan niyo na ko !" Sagot ko.
"Dahyun , Wala na ba talagang halaga sa inyo 'yung meron kayo ni Tzuyu ?" Tanong ni Chaeng sakin.
"Bakit ? Siya ba pinahalagahan yung meron kami nang bitawan niya ko ?! Tapos ngayon ---- Gusto niyang ibalik yung dati ! Kalokohan !" Sambit ko.
"Ano bang problema diyan sa puso mo ?! Bakit hindi mo na ko magawang tanggapin ?! Bakit ?!" Tanong niya sakin .
"Dahil sinaktan mo yung puso ko ! Naiinis ako ! Inis na inis ako sayo . Alam mo kung bakit ?! Dahil mas masakit yung naiparamdam mo kumpara sa ipinaramdam ni Vernon sakin ! Alam mo kung bakit mas masakit ? Dahil mas madaming pagmamahal yung ibinigay ko sayo !" Sambit ko . Hindi ko na napigilan kaya naman napaluha na ko sa harapan nilang lahat .
"Dahyun-Ah , Tama na 'yan" Sabi ni Sana Unnie sakin .
Dinamayan naman ako ni Sana sa pamamagitan ng pagtayo sa tabi ko . I looked at her sadly .
"Please Unnie , Ayoko na ng ganito . Help me" Pagmamakaawa ko kay Sana Unnie . Hinawakan niya ko sa pisnge sabay punas ng luha ko .
"Don't Worry , I'll protect you" Sambit niya sakin sabay lapit kay Jihyo .
"Bakit ?" Tanong ni Jihyo sa kanya .
"Ibigay mo na sakin yung susi" Sagot ni Sana Unnie sa kanya.
"No ! Sana naman" Sabi ni Jihyo Unnie kay Sana.
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...