Chapter 77 - Going Back

362 12 2
                                    


DAHYUN'S POV :

Nagdecide na kaming umuwi na lang sa dorm dahil hindi na kami dapat pang nagi-stay dito . Salamat sa ibang members , Napagaan nila ang loob kong punong-puno ng sakit kanina .

Ang sakit kasi talaga eh . Nakakaiyak na talaga . Yung feeling na hanggang ngayon hindi parin buo ang tiwala ng mahal mo sayo . Tiwala lang naman ang kailangan ko . Pagtitiwala lang sakin . Yun lang ~

Hindi niya parin magawa 'yun . Mukhang wala na talaga kaming pag-asa . Kung kailan maaayos na saka pa nangyari 'yun .

Agad nang nagtulungan ang lahat para malikom ang mga kalat at mga gamit namin . Tinulungan naman kami ni Taehyung kaya mas napadali ang paglilikom namin . Ni isang beses hindi ko pinansin si Tzuyu . Ganun din naman siya sakin . Akala ko ayos na , Wala eh . Gulo na naman .

Nang matapos kaming mag-ayos ng mga gamit , Nagdecide na kaming umalis .

Pero bago 'yun , Kakausapin ko muna si Taehyung. 

"Paano ? Mamimiss kita" Sabi niya sakin sabay smile.

"Mamiss din kita . Ingat ka dito ah" Sabi ko sa kanya .

Bigla niya kong niyakap nang mahigpit .

"Sana maging masaya ka sa taong mahal mo" Sambit niya sabay ayos ng buhok ko.

"Sana nga . Salamat sa lahat" Sambit ko sa kanya.

"Salamat din , Dahyun . Sana magkita pa tayo balang araw" Sabi niya.

Nagsmile na lang ako sa kanya at tumayo . Actually , Ihahatid naman niya kami sa labas ng gubat na 'to . Baka mawala na naman kami eh .

Tanghali pa naman kaya kakayanin namin na makalabas ng gubat nang mabilis dahil kasama namin si Taehyung na sanay na sa daan .

"Tara na" Sabi ni Jihyo Unnie kaya naman lumakad na kami .

Sa kalagitnaan ng paglalakad , Tahimik ang lahat . Walang kumikibo kahit isa .

Nang biglang ----

"Picture tayo , Guys!" Sabi agad ni Nayeon Unnie . Agad namang nagsi-pose ang lahat . Napadamay tuloy ako . Wala akong choice , Naki-picture na lang din ako . Bigla ko tuloy naalala yung latest picture namin ni Tzuyu na nasa phone ko . Napakamot-ulo na lang ako.

Makalipas ang ilang oras , Nakalabas din kami sa gubat . Nagpaalam na samin si Taehyung . Bumalik na siya sa loob ng gubat . Mabuti naman at nandito pa din ang Van namin . Lol ! Akala namin nanakaw na .

Inilagay na namin sa loob ang mga gamit namin at nagdecide munang kumain ng mga tirang pagkain namin na baon .

Nagsikainan na ang lahat nang sama-sama sa tabi ng Van . Maya-maya , Napatingin ako kay Tzuyu na inalok ng inumin ni Jihyo Unnie . Napalingon siya sakin kaya umiwas ako ng tingin . Tsk ! Kapag nakikita ko siya , Naiinis ako !

Maya-maya , Ako naman ang nilapitan ni Jihyo Unnie . She was about to give me the bottle of water nang subukan 'tong agawin ni Momo Unnie.

"Penge" Sabi ni Momo Unnie sa kanya.

"Hi--Hindi pwede ! Kay Dahyun 'to . Kumuha ka ng iyo doon !" Sabi ni Jihyo Unnie kay Momo Unnie.

Wala na namang nagawa si Momo Unnie . Lumapit na si Jihyo Unnie sakin . Napatawa na lang ako kay Momo Unnie . Takaw talaga eh.

"Dahyun , Tubig para sayo" Sabi ni Jihyo Unnie.

Tinanggap ko ang inumin at nagsmile na lang sa kanya .

Ininom ko na ang tubig at nagpahinga . Nagulat na lang ako nang bigla akong makaramdam ng sakit ng ulo . Nahihilo ako . Bakit ganun ?

Napalingon ako kay Tzuyu na biglang nawalan ng malay . Eotteoke ?!

"Tzu---Tzuyu !" Mahina kong sabi . Bigla na rin akong hindi makatayo sa sarili ko.

"Bakit ?" Tanong ni Sana Unnie sakin .

"Nahihilo ako" Sagot ko . Hindi ko na nakayanan kaya nawalan na rin ako ng malay .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

TZUYU'S POV :

Hindi ako kinakausap ni Dahyun kaya naman nalulungkot ako .Gustong-gusto ko siyang kausapin . Gusto kong himingi ng tawad sa kanya at makiusap na pakinggan ang explanations ko .

Kaso alam ko namang kasalanan ko na naman 'to . Binigo ko na naman siya . Pinairal ko na naman ang katangahan ko . Hindi ko na naman siya pinagkatiwalaan .

Tahimik lang ako hanggang sa makalabas kami ng gubat . Habang si Dahyun , Wala paring ka-imik-imik sakin . Hanggang sa magpaalam na si Taehyung at iwanan na kami .

Inayos na namin ang mga gamit namin sa Van at nagdecide na kumain muna nang sama-sama .

Inalok ako ni Jihyo Unnie ng tubig . Napalingon ako kay Dahyun . She's looking at me . Lumihis siya ng tingin nang makitang nakatingin na ko sa kanya .

Ang tanga ko kasi . Mas pinalala ko ang lahat . Ngayon , Mas mahirap nang ibalik yung dati . Kasalanan ko 'to !

Maya-maya , Nakaramdam ako ng pagkahilo . Ano 'to ?! Bigla akong nanghina at parang umiikot ang paningin ko . Nagulat ang ibang members sakin .

Hanggang sa di ko na kayanin ang pagkahilo ko .

Nakita ko si Dahyun . Parang nahihilo din siya . Eotteoke ? Lalapit sana ko sa kanya kaso talagang di ko na kaya . Bumagsak na ko .

"Tzu---Tzuyu !" Rinig ko kay Dahyun bago ko tuluyang mawalan ng malay .

~ To Be Continued ~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano nga bang nangyari kay Dahyun at Tzuyu ? Abangan ~

Sa tingin niyo , Anong nangyari sa kanila ?

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon