DAHYUN'S POV :
Abala ang lahat sa kanya-kanyang gawain dito sa dorm. Magkasamang nagliligpit ng plato sila Mina at Chaeyoung. Siyempre, Di mawawala yung sweetness sa ginagawa nila. Harutan pa, Sige lang.
Samantalang abala naman si Jihyo sa pagpapalinis ng living room kila Sana at Momo. Si Jungyeon at Nayeon naglalaro ng mga lego sa kwarto. Nasanay na talaga silang dalawa na palagi yun ang pinagkakaabalahan.
Samantalang ako nandito sa lawnyard sa likod ng dorm, Abala sa paggamit ng phone ko. Wala lang, Nagche-check lang ng mga articles na lumalabas tungkol sa group namin.
Nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sakin mula sa likuran. Si Tzuyu pala.
"Dubu, What are you doing here ?" Tanong niya sabay tabi sakin.
"Wala naman, Naglilibang lang"
"Talaga ? Baka mamaya niyan may ka-text o ka-chat ka nang iba diyan" Sabi niya sakin.
"Tzuyu naman, Gagawin ko ba sayo 'yun ? Promise, Naghahanap lang ako ng articles tungkol sa group natin"
"Wag kang makikipagtextmate sa iba ah, Akin ka lang eh" Sabi niya sabay pout pa.
"Gaqo ! Pa-cute pa. Ang cheesy, Haha" Pinisil ko siya sa pisnge.
Habang pinipisil ko siya sa pisnge, Biglang tumunog ang phone ko. May nagtext sakin.
"Oh, Sabi na nga ba eh . May katextmate ka" Sabi ni Tzuyu sabay tingin sakin with curiosity.
Agad ko namang kinuha ang phone ko para malaman kung sino ang nagtext sakin. Mapapahamak pa ko nang wala sa oras eh.
Natigilan ako nang malaman ko kung sino ang nagtext sakin. Napatingin sakin si Tzuyu na para bang bigla siyang nagtaka.
"Oh, Bakit ? Bakit ganyan yang itsura mo ? Bakit natigilan ka ?" Tanong niya sabay silip sa phone ko.
"Si Mom pala yung nagtext"
"Talaga ? Anong sabi ?" Tanong niya.
"Gusto daw niyang makipag-usap satin"
"Kailan ? Talaga ? Saan ? Anong oras ? Bakit ? Anong dahilan ?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Dami namang tanong, Ngayon daw. Pupunta siya dito sa dorm"
"Omg ! Ngayon na ? Bakit kaya ?" Tanong niya sakin.
"Hindi ko din alam eh"
"Kailangan nating magready. Kailangang may mga handang foods. Kailangang maayos ang itsura natin" Nagpapanic na sabi ni Tzuyu sabay akmang tatakbo papunta sa loob ng dorm kaso natigilan siya dahil sa nakita niya.
"Oh, Bakit ?"
"Nandito na siya" Sagot ni Tzuyu . Napatingin din ako sa di kalayuan . Nakita ko si Mom na kumakaway-kaway samin ni Tzuyu.
"Hala ! Ang bilis naman niya"
"Dahyun, Nandiyan na ang Mom mo. Anong gagawin ko ? Di ako nakapagready. Baka ma-badshot ako sa kanya" Sabi ni Tzuyu na sobrang nag-aalala.
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...