Chapter 43 - Someday

360 15 8
                                    

SANA'S POV :

Bakit ? Bakit kailangang gawin ni Tzuyu 'yun ?! Nangako siya , Sinabi niyang hindi niya susukuan si Dahyun ! Hindi ako nagparaya para saktan lang niya si Dahyun . Nagkamali ba ko sa naging desisyon ko ? Hindi ko maintindihan kung bakit nakipag-break na si Tzu kay Dubu.  Mahal ko si Dahyun , Oo ! Pero natutunan ko na namang hayaan siya sa piling ni Tzu .

Bakit ganun ?! Kung kailan nagmu-move on na ko , Saka pa nangyari 'to ! Hindi ko naman pwedeng hayaan na masaktan si Dahyun nang paulit-ulit . She needs me .

Pumayag si Tzu na magpalit muna kami ng room . So , Ako muna ang makakasama ni Dahyun sa kwarto.  Gusto kong pagaanin ang kalooban ni Dahyun . Ayokong nasasaktan , nalulungkot o umiiyak siya .

Sinabi konh kapag sinaktan ni Tzuyu si Dahyun , I'm going to get her ! Mukhang kailangan kong gawin 'yun kung sakaling paulit-ulit na masaktan si Dahyun kay Tzuyu. 

Pumasok na ko sa kwarto at naabutan kong tulala si Dahyun habang nakaupo sa higaan niya at nakasandal sa pader . Napabuntong-hininga na lang ako at tinabihan siya .

"Don't cry , Please" Sambit ko habang katabi siya.

Hindi siya sumasagot sakin . Alam ko namang mahirap yung pinagdadaanan niya . Akala niya si Tzuyu na . Akala niya hindi siya bibitawan ni Tzuyu . Akala ko din eh , Masama ang loob ko kay Tzuyu dahil ipinaramdam ulit niya kay Dahyun ang masaktan . Noong unang beses ngang maramdaman ni Dahyun ang sakit dahil kay Vernon , Nahirapan siya eh . Ngayon pa kaya na mas nag-expect siya ng Forever kay Tzuyu .

"Kapag kailangan mo ko , Nandito lang ako" Mahinahon kong sabi sa kanya kaso hindi siya sumasagot .

Ano bang gagawin ko para mapagaan ang kalooban niya ?

Alam ko na , Kakanta na lang ako for her .

"Cause someday , Someone's gonna love me . The way I wanted you to need me . Someday , Someone's gonna take your place . One Day , I'll forget about you . You'll see I won't even miss you . Someday , Someday ~" Pagkanta ko ng Someday .

Nagulat ako dahil bigla siyang umiyak . Eotteoke ? Ay ! Mukhang na-hurt lalo siya sa kinanta ko .

"Sorry , Mas napalala ata" Sabi ko sa kanya sabay tigil nang pagkanta .

"Right now I know you can't tell . I'm down and I'm not doing well . But one day these tears , they will all run dry . I won't have to cry sweet goodbye" Pagdugtong niya sa kanta habang umiiyak .

Aba , Niyakap ko naman agad siya . She's crying too hard .

"Kaya mo 'yan , May tiwala ako sayo . Kilala kita , Dahyun . Nagawa mo nga nung una eh , Ngayon pa kaya . You can do it" Sabi ko habang yakap siya .

"Bakit ganun ? Palagi na lang akong naiiwanan . Palagi na lang akong sinusukuan" Umiiyak niyang sabi.

"Nagkakamali ka diyan , Hindi lahat sumuko na sayo . Meron pa namang isa na hanggang ngayon mahal na mahal ka padin eh" Sambit ko . Siyempre , I'm talking about myself . Hindi ko siya susukuan kahit na anong mangyari .

"Ang sakit-sakit na , Akala ko iba siya . Akala ko hindi siya susuko ! Akala lang pala 'yun" Sambit niya .

"Dahyun , Ganyan talaga ang buhay . Minsan , Kailangan nating masaktan para matuto tayong lumaban" Sagot ko sabay punas sa luha niya.

"Wala siyang pinagkaiba kay Vernon !" Sabi niya sakin .

"Tama na 'yan , Wag ka nang umiyak . Nandito lang ako para sayo . Hind kita iiwanan at hahayaang mag-isa" Sambit ko sa kanya .

"Sana Unnie , Bakit ba ganito ?! Ginagawa ko naman ang best ko eh !" Tanong niya.

"Dahil dapat na makasama mo ay yung taong never na iiwanan ka , never na sasaktan ka , never na susukuan ka at never na kakalimutan ka" Sagot ko.

"Sana Unnie , Ano bang mali sakin ?" Tanong niya.

"Wala , Dahyun . Nasa'yo na lahat . Ang swerte nga ni Tzuyu sayo eh . She's a jerk dahil sinaktan ka niya dahil lang sa sumusuko na siya" Sabi ko.

Ini-lean niya ang ulo niya sa balikat ko . Ramdam ko yung sadness ni Dahyun ngayon . Nasasaktan din ako kapag nasasaktan siya eh .

"I'll protect you , Du...Dubu Ko" Sambit ko sa kanya . Finally , Nabanggit ko na ulit 'yung salitang 'yun .

"Sana Unnie , Thanks for being here for me" Sambit ni Dahyun sakin . Hinawakan ko siya sa kamay .

"Basta , Palagi lang akong nandito . Kapag nasaktan ka , Ako yung magpapagaan ng loob mo kasi mahal kita" Sambit ko nang paseryoso.

"Mabuti ka pa , Kahit na nasaktan ko din ang feelings mo at kahit na umasa ka , Nandito ka padin" Sabi niya sakin.

"Dahil mahal kita , Never akong mawawalan ng pag-asa . Kapag mahal mo , Kaya mong gawin ang lahat . Naniniwala kasi akong someday you'll learn how to love me back" Sagot ko.

"Thanks for everything , Unnie" Sabi niya sakin.

"Hayaan mo , Kahit na mahal kita at kahit na gusto kong mapunta ka sakin gagawa ako ng paraan para magkabalikan kayo ni Tzuyu . Kung wala na talaga , Nandito padin ako . Someday , Mamahalin mo din ako sa paraang gusto ko" Sambit ko sa kanya .

Tama , Susubukan ko pading ayusin ang relasyon ng TzuDa . Kung wala na talaga , I'll make sure na hindi na masasaktan ulit si Dahyun . Tutulungan ko siyang magmove-on .

Sa pagmamahal ko kay Dahyun , Natututunan ko na ding hindi maging selfish . Natututunan kong unahin ang iba kaysa sa sarili kong kasiyahan . Hanggang kaya ko , Tutulong ako para magkaayos sila . Kasi nakita ko kung gaano kamahal ni Dahyun si Tzuyu .

Pero na'kay Dahyun na ang desisyon kung itutuloy pa ba ang laban o susuko na . Baka kasi gusto na niyang mag-move on .

"Dahyun , Ano ? Move on na ba or laban pa ?" Tanong ko sa kanya .

Napabuntong-hininga siya sabay tingin sakin . Ano kayang isasagot niya ?

To Be Continued ..................

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano nga ba ang isasagot ni Dahyun ? Abangan ang mga susunod na chapters

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano nga ba ang isasagot ni Dahyun ? Abangan ang mga susunod na chapters .

Guyseu , Sensya na . Pabitin HAHAHAHA ! Ano ? The End na ba ng TzuDa ? More pa ba ?

VOTE.COMMENT.SHARE

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon