Chapter 26 - Space

428 16 0
                                    

DAHYUN'S POV :

Alam ko yung nararamdaman ni Tzuyu . Hindi naman ako nakakalimot na siya yung nasa puso ko pero kailangan ko 'tong gawin. 

Habang nagmumukmok siya sa loob ng kwarto , Pumunta muna ko sa likod ng dorm at nagisip-isip muna .

Ano nga bang ginagawa ko ? Ayokong masaktan si Sana Unnie at Ayokong masaktan si Tzuyu . Akala ni Tzu , Kinakampihan ko si Sana Unnie . Nagkakamali siya dun . Ginagawa ko lang ang tama dahil hindi maganda yung ginawa ni Tzuyu . Intensyon niya kasing saktan si Sana Unnie sa pamamagitan ng pagiging sweeter sakin .

Napabuntong-hininga na lang ako . Maya-maya , Tumawag si Sadness Unnie .

ON THE PHONE :

"Unnie , Napatawag ka" Sambit ko .

"Ipinaaalala ko lang sayo yung filming bukas . Sunduin kita diyan ng Van" Sambit niya.

"Unnie , Pwedeng magrequest ?" Tanong ko .

"Ano yun ?" Tanong niya.

"Pwede bang sa Hotel mo na lang ako sunduin ?" Tanong ko.

"Bakit naman ? May nangyari ba ?" Tanong niya.

"Wala lang , Gusto ko lang para mas malapit sa filming location diba" Sagot ko pero sa totoo gusto kong mapag-isa.

"Oh Sige , Sunduin kita diyan ngayon . Wait for me" Sambit niya.

"Di na kailangan , Unnie . Alam kong madami kang ginagawa . Sasakay na lang ako sa Taxi . Text ko na lang sayo mamaya kung anong Room ko sa Hotel na pupuntahan ko" Sagot ko.

"Sure ka ? Ingat Dahyun" Sabi niya.

"Ayos lang ako , Unnie . Bye na" Sagot ko.

~ END CALL ~

Tumayo na ko at pumasok sa loob . Naabutan ko silang lahat na magkakasama na . Nilapitan ako ni Tzuyu pero di ko siya pinansin . Gusto kong marealize niya na masyado na kong nasasakal . Nasasakal sa sobra-sobrang pagmamahal niya . Masyado na kong di makahinga .

Iniempake ko na ang gamit ko pero pinipigilan niya ko . Hindi naman ako nagpapigil at agad na ring lumabas dala ang Backpack ko . Pinipigilan nila ko . Hinawakan ni Tzuyu ang kamay ko nang mahigpit pero binitawan ko siya. Kailangan ko 'tong gawin .

Tuluyan na kong umalis sakay ng Taxi , Habang bumibiyahe ay di ko na napigilang mapaluha . Chou Tzuyu , I'm Sorry . Babalik din ako kapag ayos na ang lahat .

Tumutunog ang phone ko . Tinatawagan niya ko .

"TZUYU IS CALLING"

Ini-decline ko ang tawag niya at in-Off na ang phone ko . Pinunasan ko ang luha ko . Kailangan kong maging matapang . Kaya ko 'to ! Nang dumating sa Hotel , Agad na kong kumuha ng isang Room . Pumasok na ko sa Hotel Room ko . Initext ko na kay Sadness Unnie kung nasaan ako .

Napahiga na lang ako sa higaan at napapikit . Kim Dahyun , Kakayanin mo 'to ! Nang imulat ko ang mata ko , Umaga na pala . Agad na kong kumilos at naligo na . Dumating si Sadness Unnie at sinundo na ko .

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon