Chapter 83 - Sand Castle

399 12 5
                                    

TZUYU'S POV :

Masaya ko nang makita ko ang ginawang poem ni Dahyun para sakin . Bakit ? Kasi punong-puno ng pagmamahal yung ginawa niya . Kahit di niya inaamin , Nararamdaman ko .

Hindi ko napigilan kaya naman nagbackhugged ako sa kanya . Hindi man sa poem , Babawi ako sa kanya . Kinantahan ko siya . Ginamit ko yung kanta para maiparating sa kanya yung nararamdaman ko . Tama ! Hindi ako susuko . As in hindi talaga !

Nagulat naman ako nang bigla niya rin akong kantahan . Yung kanta niya , May halong pagkagulo ng isip at pagmamahal . Maybe , Naguguluhan na siya sa feelings niya ngayon.

She started to cry kaya naman niyakap ko siya nang mahigpit. Ayokong umiiyak siya . Nasasaktan din ako . Bawat "I Hate You" na sinasabi niya sakin , Tinutumbasan ko ng "I Love You Too" . Bakit ? Dahil naniniwala akong "The More You Hate , The More You Love" .

Yung sinabi niya sakin nung nasa gubat kami na hindi ko siya pinagkakatiwalaan ? Mali siya dun . Pinagkakatiwalaan ko siya at ang feelings niya . Hanggang ngayon , Naniniwala parin akong ako parin ang nasa puso niya .

Naupo muna kami sa buhanginan at pinagmasdan ang alon ng dagat . Pahapon na ngayon . Tahimik lang kaming dalawa . Gusto ko kasing makapag-isip isip din siya .

Maya-maya , Bigla siyang kumuha ng mga buhangin . Anong ginagawa niya ?

"What are you doing ?" Tanong ko sa kanya.

"Sand Castle" Sagot niya sakin .

"Oh , Ayos . Gusto ko ding gumawa" Sagot ko.

Ayos , Kasi hindi masisira ng alon ng dagat ang gagawin namin dahil medyo malayo . Lol !

Sabay kaming gumawa ng Sand Castle . Palagi namang natutumba at nagigiba yung sand castle ko kaya napapakamot-ulo ako pero nandiyan naman si Dahyun para tulungan ako.

"Dapat kasi ganito , Haha" Sabi niya sabay tawa .

Tumawa ba siya ? Ayos na siguro ang pakiramdam niya . Napangiti na lang din ako kasi tumawa siya . Masaya na kong makitang ganyan siya .

Hanggang sa aksidente kong masanggi yung ginagawa niyang sand castle niya . Natigilan kami pareho . Naku ! Lagot na ~ Mabi-Beastmode sakin 'to !

"Sorry Dahyun ! Sorry talaga . Sorry Dahyun ~ Di ko sinasadya" Sabi ko sa kanya sabay subok na gawa sa sand castle niya.

Hinawakan niya ko sa kamay . Nalulungkot ako ! Ang tanga ko kasi eh .

"Gagawin ko na lang ulit !" Sabi ko sa kanya.

Pinigilan niya ko . Hawak niya ang kamay ko.

"Ayos lang , Pinapatawad na kita" Sabi niya sakin .

"Sorry talaga , Kasora ! Ang tanga ko" Sabi ko.

"Yoda Ko , Pinapatawad na nga kita" Sabi niya sakin .

"Sige , Pero -- Sorry talaga !" Sabi ko sa kanya.

"Tsk ! Ang tanga mo , Yoda ko ! Sabi nang Pi-na-pa-ta-wad-na-ki-ta !" Sambit niya sakin .

Napatingin ako sa kanya.

"Saan ba ?" Tanong ko sa kanya.

"Sa lahat - lahat" Sagot niya sakin . Natigilan ako habang nakatingin sa kanya . Wait ! Sinabi ba niyang ----- OMG ! Talaga ?!

"Talaga ?!" Gulat kong tanong .

"Oo nga ! Kulit nito !" Sabi niya sakin . Napatawa naman ako . Omg ! Ang saya-saya ko talaga .

"So , Tayo na ulit ? TzuDa na ulit ?!" Masaya kong tanong .

Bigla siyang tumahimik . I looked at her . Nakayuko lang siya . Alam ko na ~

"Okay lang , Naiintindihan kita . Nirerespeto ko ang desisyon mo . Dahyun , Alam kong di ka pa ready bumalik sa relasyon . At least , Napatawad mo na ko" Sagot ko sabay smile.

"Salamat Tzuyu" Sagot niya sakin .

Naiintindihan ko ang desisyon niya . Nirerespeto ko 'yun . Mahirap kung bibiglain . Mas mabuti na 'to . At least napatawad na niya ko . Okay na ko dun kasi alam ko namang dadating din yung araw na magiging handa na ulit siya para sa continuation ng forever namin .

We smiled at each other . Nagsimula ulit kaming mag-ayos ng Sand Castle namin . Napatawa na lang kami nang napatawa . Masaya na ko ngayon dahil alam kong malapit na . Malapit na kaming magkabalikan.

~ To Be Continued ~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Guys , READY NA BA KAYO ? Mukhang ready na ang TzuDa sa panibagong taon eh . Alamin natin sa mga susunod na chapters kung ito na ba ang continuation ng forever nila . Lol ! Fighting !

#TEAMFOREVER
#TEAMPUSO
#TEAMLABAN
#TEAMTZUDA
#TEAMMILO
#TEAMBEARBRAND
#HELPBEATENERGYGAP
#TEAMPAGASA

LOL ! HAHAHAHAHA ! HAPPY NEW YEAR ~

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon