Chapter 5 - I'll Be Back

601 20 0
                                    


DAHYUN'S POV :

Ang sakit-sakit ng ulo ko nang dahil sa paglalasing kagabi . Nang imulat ko ang mata ko , Umaga na pala . Napalingon ako sa paligid ko . Teka , Paano ko napunta dito ? Medyo masakit pa ang ulo ko .

"Ang sakit ng ulo ko!" Sambit ko sabay hawak sa ulo ko .

"Dahyunie , Kumusta na ? Kaya pa ?" Tanong ni Sana Unnie sakin . I looked at her . She smiled at me .

"Where's Tzuyu ?" Tanong ko kasi wala si Tzuyu sa kwarto o sa higaan niya eh .

"Ahhmm , About kay Tzuyu" Sambit ni Sana Unnie . Natahimik siya .

"Bakit ? Anong nangyari kay Tzu ? Nasaan siya ?" Tanong ko .

"Kasi nagkaroon siya ng biglaang schedule . Tumawag sa kanya kagabi si Sadness Unnie . Ngayong Araw , May Solo Photoshoot siya . Kailangan siyang umalis kaya naman umalis na siya kanina pang madaling araw . Sinundo siya ng Managers natin" Sagot ni Sana Unnie.

"What ?! Hindi man lang siya nagsabi sakin!" Sabi ko sabay simangot.

"Paano niya sasabihin sayo ? Lasing na lasing ka kaya kagabi . Saka , Hindi ka na niya pinagising . Pinapasabi na lang niya" Sagot ni Sana Unnie sabay tayo at lapit sakin.

Lumapit siya sakin sabay hawak sa pisnge ko.

"Saka , Nandito naman ako para sayo" Sabi niya sakin sabay smile. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa pisnge ko.

"Unnie , Pakiusap" Sambit ko ng paseryoso.

"Bakit ? May nagawa ba kong masama ?" Tanong niya sabay smile.

"May mga bagay-bagay na hindi na pwedeng magbago . Parang yung puso ko , Hindi na magbabago kung sinong itinitibok niyo" Sagot ko sabay labas ng kwarto .

Iba kasi yung pakiramdam ko kay Sana Unnie ngayon . Feeling ko kasi hindi pa niya tuluyang natatanggap ang katotohanan niya . Alam kong mahirap yun para sa kanya pero kailangan ko pa talagang ipaliwanag sa kanya . Kailangan kong umagwat dahil pakiramdam ko pwede 'tong pagsimulan ng gulo .

Pinuntahan ko na si Jihyo Unnie na naabutan kong nagkakape sa kwarto nila.

"Unnie , Si Tzuyu ~ Bakit hinayaan niyo ?" Tanong ko.

"Wala tayong magagawa , Dahyun . Kailangan umalis ni Tzuyu" Sabi niya sakin.

"Pero ..... Bakasyon ngayon !" Sagot ko.

"Dahyun , Intindihin mo na lang . By the way , Nag-iwan siya ng letter para sayo" Sabi ni Jihyo Unnie sabay abot ng letter sakin.

Agad ko nang binasa ang nakasulat .

"Dubu Baby , Pasensya ka na . Hindi na ko nakapagpaalam ng personal sayo dahil ayoko namang gisingin ka pa . Kailangan mong magpahinga . Biglaang schedule kasi eh . Di bale , Babawi ako sayo pag balik ko . Basta , Magenjoy ka lang diyan ah . Wag mo kong ipagpapalit sa iba . Alam mo na ~ Haha . Basta , I'll be back . Love you" - TZUYU

Kainis naman ! Mamimiss ko si Tzuyu ! Dapat kasama siya sa mga exciting things na mangyayari eh . Dapat kasama siya sa new memories na 'to. Agad ko nang tinawagan sa phone si Tzuyu kaso di niya sinagot . Then , Di ko na siya ma-contact . Naka-off na ang phone niya. CHOU TZUYU , WHY ?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


TZUYU'S POV :

Sa ngayon , Nakasakay na ko sa Van . Bumibiyahe na ko papuntang destination ko . Nakakamiss na agad si Dahyun .Gusto ko man siyang isama , Hindi pwede .

"Ayos ka lang ?" Tanong ni Sadness Unnie sakin.

"Ayos lang ako , Sadness Unnie . Ang mahalaga ay matapos na ang schedules ko para naman makabalik na ko kay Dahyun" Sabi ko.

"Kay Dahyun ? Lang ?" Tanong niya.

"Ay este ! Sa Beach" Sagot ko.

"Tzu , Hindi pa natin malalaman kung makakabalik ka pa dun" Sabi niya.

"Bakit na naman ?" Tanong ko.

"Dahil may mga upcoming photoshoots , cf etc ka pa na gagawin . Baka kulangin sa Oras" Sabi niya.

"Hala ! Pero nangako ako kay Dahyun at sa lahat na babalik agad" Sambit ko.

"Pasensya na , Tzuyu . Para 'to sa group niyo . Next time ka na lang magbakasyon" Sabi niya kaya napailing na lang ako.

Ano pa bang magagawa ko ?! Nakakainis ! Nakakaiyak ! Nakakalungkot ! Nakakakaba ! Nakakapanghinayang !

Maya-maya , Tumatawag si Dahyun . Sasagutin ko ba ? Baka mabuking ni Sadness Unnie ang relasyon namin !

Saka pababa na ko ng Van , Kaya naman ini-decline ko na lang ang tawag niya . Ini-OFF ko ang phone ko dahil magsisimula na ang trabaho .

I'M SO SORRY , DAHYUN ~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon