Chapter 40 - Give Up

383 18 8
                                    

TZUYU'S POV :

Masaya ko nang nalaman kong bibisita ulit ang Mommy ni Dahyun . Alam ko kasing miss na miss na niya ang Mommy niya . Mas natuwa ako nang sinabi ng Mom niyang may surprise pa kay Dahyun . Alam ko kasing sasaya si Dahyun .

Akala ko magba-bonding silang dalawa . Akala ko ikatutuwa ng lahat yung surprise . Akala ko wala nang problema . Akala ko kami na talaga hanggang huli . Hanggang kailan ako aasa sa "AKALA KO" ? Hanggang dun na lang ba ko ?

Akala ko matutuwa ako ako sa surprise ng Mom ni Dahyun . Hindi lang si Dahyun ang na-surprise . Lahat kami . Mas lalo na ko . Nang dumating ang Mom ni Dahyun kasama si Eunwoo , Kinabahan na ako . Todo ayos pa naman kami kay Dahyun . Kung alam lang sana namin na i-rereto lang siya kay Eunwoo , Eh di sana ginawa na naming mukhang pulubi si Dahyun .

Nakakainis ! Gusto kong magwala habang nagsasalita ang Mom ni Dahyun kaso pambabastos naman yun kung gagawin ko . Hindi ako mapakali sa mga nangyayari . Mas kinabahan ako nang isama paalis ni Mrs Kim si Dahyun .

Anong gagawin ko ? Kailangang may gawin ako ! Napatingin ako kay Dahyun nang paalis na niya . Teary Eyes na siya eh . Hindi ko na din mapigilang maluha . Nang tuluyan nang makaalis si Dahyun , Napaupo ako sa Sofa at hindi ko namamalayang napaluha na pala ko .

"Tzuyu , Ayos lang 'yan . Hindi matutuloy ang kasal" Sabi ni Jungyeon Unnie.

"Kasora ! Sino siya para makuha si Dahyun ?! Yung Eunwoo na 'yun !" Galit na Sabi ni Momo Unnie.

"Pero , Close pala si Eunwoo at Dahyun ?" Tanong ni Sana Unnie.

"Yes , They're Bestfriends . Noon pa man , May gusto na si Eunwoo kay Dahyun" Sagot ko.

"Paano mo nalaman ?" Tanong ni Mina Unnie.

"Ikinuwento ni Dahyun" Sagot ko.

"Nasabi din niya sakin 'yun" Sambit ni Chaeng.

"Guys , Wag natin hayaang matuloy ang kasal" Sabi ni Nayeon Unnie.

"Tsk ! Hindi talaga natin hahayaan ! No Way !" Sabi ni Sana Unnie.

"Guys , Kalma . Sa ngayon , Si Dahyun ang kailangang magdesisyon" Sabi ni Jihyo Unnie.

"Anong gagawin ko ? Hahayaan ko na lang ba na mapakasal na siya kay Eunwoo ?!" Umiiyak kong tanong .

Dinamayan ako ng ibang members . Iyak lang ako nang iyak .

"Shet ! Tama na ngang kakaiyak , Tzuyu . Lalaban tayo ! Eto , Tinatawagan ko si Dahyun" Sabi ni Jungyeon Unnie sabay bigay ng Phone niya sakin.

Pinunasan ko ang luha ko . Sagutin mo , Kim Dahyun ! Please ~

Nagri-ring ang phone niya pero hindi niya sinasagot . Maya-maya , Namatay na ang phone niya dahil hindi ko na siya ma-contact .

"Wala , Pinatayan ako ng phone" Sambit ko sabay balik na ng phone kay Jungyeon .

"Shet talaga ! Kapag nahagip ko 'yang Eunwoo na 'yan !" Galit na sabi ni Jungyeon Unnie.

"Maybe it's over" Malungkot kong sabi.

"No Tzuyu ! Hindi ako nagparaya para sukuan mo si Dahyun . Fight for her ! Patunayan mong mahal mo talaga siya . Kapag nagawa mo 'yan , Kakayanin ko nang ipagkatiwala siya sayo" Sabi niya.

"Paano ? Anong gagawin ko ? Ipagsisigawan ko na mahal ko siya ? Para saan pa ?! Ikakasal na sila . Mas malala , Soon na !" Sambit ko.

"Listen ! May magagawa ka pa . Don't be afraid ! Do something" Sambit ni Nayeon Unnie.

"May isa pa kong inaalala" Malungkot kong sabi.

"Ano naman ? Jusko Tzuyu , Wag ka nang mag-alala . Ang mahalaga ay ang kasiyahan niyo" Sabi nila sakin.

"Ayokong magkaaway sila ng Mommy niya" Sagot ko sa kanila.

Natigilan silang lahat . Yun yung mahirap eh . Ayokong mag-away sila . Hindi ko kakayanin na may kalungkutan sa puso ni Dahyun . Mahal na mahal niya ang Mommy niya . Alam ko ring sumama siya sa kanila ngayon dahil ayaw niyang makaaway ang Mommy niya . Kailangan ko na ba talagang mag-give up ?

Kim Dahyun , Mahal Kita . Pero , Hanggang kailan natin 'to kakayanin ? Hanggang kailan namin magagawang ipaglaban ang isa't-isa ?

To Be Continued ...............

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Game Over na ba talaga para sa TzuDa ? Matuloy kaya ang kasal nila Eunwoo at Dahyun ? How about Tzuyu ? Bakit nga ba hindi sinagot ni Dahyun ang phone niya ? Nasaan na si Dahyun ?

~ ABANGAN ~

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon