TZUYU'S POV :Nang pumasok na sa loob ng dorm sina Sana Unnie at Dahyun , Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak nang lubusan .
"Tzuyu , Tama na 'yan" Sambit nila Nayeon Unnie sakin.
"Pumasok na tayo sa loob" Sambit sakin ni Jihyo Unnie.
"No , I want to stay here" Sagot ko sa kanya.
"Tzu , Tara na . Malamig na sa labas" Sabi sakin ni Chaeng .
"Sinabi kong gusto ko nga munang magstay dito !" Sabi ko sa kanila.
"Then hindi kami aalis dito !" Sabi ni Momo Unnie.
"Gusto ko munang magstay dito nang mag-isa !" Sagot ko sa kanila.
"Pero Tzuyu ----" Sambit ni Mina Unnie sakin.
"Please" Sagot ko sa kanila . Naupo na lang ako sa damuhan.
"Sure ka ? Mauna na kami" Sabi nila sakin.
"Yes , Hayaan niyo muna kong mapag-isa" Sagot ko kaya hinayaan na nila ko . Iniwanan na nila kong mag-isa dito sa likod ng dorm .
Gusto ko munang magkaroon ng time para sa sarili ko . Gusto kong mapag-isipan lahat ng nangyayari sa buhay ko .
Umiiyak lang ako nang umiyak habang inaalala ang mga nangyari . Mukhang wala na talaga eh . Halata namang ayaw na niyang ipaglaban muli yung pagmamahalan namin . Mukhang kinakalimutan na niya ko . Mukhang kailangan ko na rin siyang kalimutan .
Kinuha ko ang phone ko at pagbukas ko , Nakita ko ang Wallpaper sa phone ko . Ito yung moment na masayang-masaya kami ni Dahyun kasama ang isa't-isa . Tiningnan ko ang mga huling happy moments namin together . Bigla na lang akong napangiti pero kasabay nito ang pagpatak ng luha ko.
"I'm Sorry" Sambit ko habang lumuluha.
Napahawak na lang ako sa ulo ko sabay hawak sa dibdib ko . Yung puso ko . Nahihirapan na pero lumalaban pa . Hanggang kailan 'to lalaban ? Hanggang sa maging durog na durog na ?
Mukhang mas mabuti na ring hayaan ko siyang mapunta kay Sana Unnie para at least makakasigurado akong hindi na siya masasaktan at iiyak pang muli .
Lumipas ang ilan pang oras kung saan wala kong inisip kundi ang mga memories namin ni Dahyun . Bigla ko tuloy naalala nung nakidnapped siya ng Sasaeng Fan . Muntikan na siyang mamatay nun . Mabuti na lang at umabot ako . I saved her . Tapos , Narealized ko din na kaya niyang ibuwis ang buhay niya para sakin . Pareho kaming nasa bingit ng kamatayan nun . Akala ko mawawala na siya sakin that time pero hindi ---- Nagawa niyang lumaban .
Simula nun , Ipinangako kong hindi na ulit siya masasaktan pero nagkamali ako . Nasaktan ko siya . Sising-sisi na talaga ko ngayon . Napansin ko ang suot kong bracelet na meron din si Dahyun . Punong-puno 'to ng memories naming dalawa . Napayuko na lang ako habang umiiyak .
Maya-maya , Nagsimula nang pumatak ang ulan . Bakit ganun ?! Hindi nakikisama yung panahon ! Kung kailan gusto kong mapag-isa dito saka naman umulan ! Bakit ganun ?!
Palakas na nang palakas ang ulan. Itinago ko ang phone ko sa loob ng damit ko para hindi masyadong mabasa . Okay lang na ako ang mas mabasa kaysa ang phone ko na puno ng memories naming dalawa .
Yumuko na lang ako . Dapat lang sakin 'to . Hindi ko na naman napigilang maiyak nang todo . I'm Sorry Kim Dahyun .
Nagulat ako nang biglang hindi na ko napapatakan ng ulan . Naramdaman kong may dumating at lumapit sa likuran ko . Napatingin ako sa taong 'yun . Nabigla ako nang makita siya . Seryoso siyang nakatingin sa malayo habang may dalang payong .
"Da---Dahyun" Mahina kong sabi nang makita siya.
"Lumalakas na ang ulan . Baka magkasakit ka" Seryoso niyang sabi nang di man lang ako tinitingnan .
"What are you doing here ?" Tanong ko sa kanya.
"Wag mong iisipin na ayos na ang lahat porket ginawa ko 'to . Patulog na sana ko nang maalala kong umuulan . Wala ka pa sa kwarto natin. Pumasok ka na sa loob" Sambit niya nang wala man lang pinapakitang emosyon.
"Dahyun-Ah" Mahina kong sabi habang umiiyak.
"Pumasok ka na sa loob . Dun ka na daw sa kwarto matulog sabi ni Sana Unnie" Sagot niya sakin .
"Pwede mo ba kong tingnan ? Kahit sandali lang ?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na kailangan" Sagot niya nang paseryoso.
"Bakit di mo nalang ako hayaan dito ?" Tanong ko sa kanya.
"Kapag nagkasakit ka , Mahirap na . Baka mag-alala pa ang fans" Sambit niya . Ayaw pa rin niya kong tingnan .
"Fans lang ba talaga ang mag-aalala ? Hindi ka ba mag-aalala sakin ?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit naman ako mag-aalala ?" Tanong niya.
Natahimik na lang ako . Napalingon ako sa kamay niya . Nakita kong suot parin niya yung bracelet na terno kami . Hindi ko na lang sinabi sa kanya . Bakit ganun ? Kung talagang wala na , Bakit suot parin niya 'yun ?
"Dahyun , Salamat" Sabi ko sa kanya.
"Para Saan ?" Tanong niya sakin.
"Dahil kahit kinasusuklaman mo kong makita , Pinuntahan mo parin ako dito" Sabi ko.
"Para 'to sa fans" Sagot niya sakin . Ayaw talaga niya kong tingnan .
Nagulat ako nang hawakan niya ko sa kamay . Itinayo niya ko kaya nabigla ako .
"Dahyun" Sabi ko sa kanya . Dinala niya ko sa loob ng dorm habang hawak ang payong na na-share niya sakin . I looked at her . Halata paring nasasaktan siya sa nagawa ko.
Finally , She looked at me . Teary Eyes na ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko .
Bigla nya kong niyakap kaya mas nagulat ako . What's going on ?
"Please , Itigil mo na 'to . Please , Matulog ka na rin sa kwarto" Bulong niya habang yakap ako.
Bumitaw na siya sakin sabay pasok sa loob ng kwarto . Hindi ko na siya nagawang kausapin pa . Napayuko na lang ako .
Naligo muna ko at nagpalit na ng damit . Pinatuyo ko muna ang buhok ko sabay pasok na sa kwarto namin ni Dahyun . Natutulog na siya nang mahimbing kaya naman nilapitan ko siya . Inayos ko ang kumot niya sabay ayos ng buhok niya .
I looked at her face . I'm Sorry , Dahyun .
"Sorry talaga" Mahina kong sabi habang pinagmamasdan siya sabay kiss sa forehead niya .
Nanlaki ang mata ko nang makita siyang nakatingin sakin . Napaiktad ako at agad na lumayo sa kanya . Nagmaang-maangan ako na walang ginawa .
"What are you doing ?" Seryoso niyang tanong.
"Wala , Ahhh --- Matutulog na ko" Sagot ko sa kanya.
She just rolled her eyes sabay higa na ulit . Nahiga na ko sa higaan ko . Ipipikit ko na sana ang mata ko nang marinig ko siya .
"Goodnight" Sambit niya kaya nanlaki ang mata ko.
Ewan ko ba pero talagang gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi niya sakin .
"Go--Goodnight din" Sagot ko . Hindi na siya sumagot kaya naman ipinikit ko na rin ang mata ko .
~ To Be Continued ~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nasesense niyo na ba ang balikan nila ? May pag-asa pa nga ba ang TzuDa ? Magawa na kaya ni Dahyun na magpatawad ? How about Sana ? Tuluyan na bang madudurog nang pino ang puso ng readers at ng author ng story na 'to ? Lol ! Hahahaha . Abangan ~
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanficThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...