Chapter 73 - Growing Pains

392 12 5
                                    

TZUYU'S POV :

"Dahyun , Miss na miss na miss talaga kita . Finally , Nakabalik ka" Sambit ni Taehyung kay Dahyun .

Say What ?! Akala mo namang ang tagal nilang nagkahiwalay . Tsk .

"Siyempre , Kailangan kong bumawi sayo eh . Saka , Namiss din kita" Sambit ni Dahyun sa kanya .

Ang sakit bes . Promise ! Ang sakit-sakit . Nagkaka-Internal Bleeding na ata ang puso ko sa nakikita ko . Help me ~

Naka-fake smile lang akong pinagmamasdan sila . Bigla namang lumingon si Dahyun sakin . Lumapit siya sakin . Akala ko ipapakilala na niya ko agad kay Taehyung --- Hindi pala.  Kinuha niya lang yung bag ng groceries sa tabi ko nang di man lang ako kinakausap .

Bumalik siya kay Taehyung .

"Here , Para sayo . Pasensya ka na kasi medyo nabawasan namin . Nawala kami dito sa gubat . Kahapon pa , Nagkahiwa-hiwalay kami . Mabuti at nagkita tayo" Sambit ni Dahyun sa kanya .

"Wow ! Salamat Dahyun . Oh ? Talaga ?! Buti na lang pala nakita ko kayo . Sige , Di bale . Hahanapin natin ang iba mong kasama" Sabi ni Taehyung kay Dahyun .

"Salamat talaga , Taehyung . Ano na kayang gagawin ko kapag wala ka dito ?!" Sambit ni Dahyun sa kanya .

What ?! Anong gagawin niya kapag wala si Taehyung ?! Hello , Kahapon ngang wala si Taehyung nabuhay pa siya eh . Tsk ! Thanks to me . Lol ! Ang cheesy nila . Tsk !

Napayuko na lang ako dahil mukhang mas gusto pa nilang magkwentuhan . Paano ba yan ? Mukhang extra na ko dito .

Nabigla naman ako nang lumapit sakin si Dahyun . Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa harapan ni Taehyung .

"Taehyung , Meet Tzuyu . She's my --- friend and my co-member in Twice" Sambit ni Dahyun kay Taehyung .

"Hello Tzuyu , Natutuwa akong makilala ka" Bati ni Taehyung sakin nang nakasmile.

Well , Ako hindi natutuwang makilala siya . Hahaha ! B*tch na kung b*tch , Basta hindi ako natutuwa . Lol ! Pero --- Kailangan kong mag-act na masaya ako .

"Nice to meet you too" Bati ko kay Taehyung nang naka-fake smile .

Sa wakas , Ipinakilala niya din ako --__--

"Tara na , Guys !" Sabi ni Dahyun samin sabay bitbit ng mga bag .

Akma ko sanang kukunin kay Dahyun yung isang bag na dala niya kaso naunahan ako ni Taehyung .

"Ako na dito , Ayokong nahihirapan ka" Masayang sabi ni Taehyung sa kanya.

"Salamat" Sagot ni Dahyun sa kanya .

Ako ? Nakasunod lang ako sa likuran nila habang pinapagmasdan silang magkasabay na maglakad . May nalalaman pang patingin-tingin si Taehyung kay Dahyun . Kulang na lang matunaw na si Dahyun sa bawat tingin niya .

Nasasaktan talaga ko . Nasasaktan akong makitang yung taong mahal ko , May kasamang iba na pwedeng makapalit sa posisyon ko sa puso niya . Nakikita kong ngumingiti si Dahyun ngayon pero hindi ako masaya . Alam niyo kung bakit ? Dahil hindi ako ang dahilan ng ngiti niya . Hindi ako kundi si Taehyung . Yun yung masakit dun eh . Mahal mo siya pero kailangan mong respetuhin ang magiging desisyon niya at ng puso niya .

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon