Chapter 70 - Food Is Life

411 13 9
                                    


DAHYUN'S POV :

Lumabas ako ng tent at naabutan kong mag-isa siTzuyu dito sa labas . She looked at me sadly . May hawak siyang patulis na kahoy na mukhang matalas.

"Dahyun , Suko na talaga ko sayo" Sambit ni Tzuyu sakin . Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh ? Bakit ? Tzuyu , Bakit ba palagi ka na lang sumusuko sakin ?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Dahil hindi ko na kaya . Hindi ko na kayang ipaglaban ang pagmamahal ko sayo . Mukhang kailangan ko na talagang bitawan ka" Sambit niya sakin with teary eyes .

"Tzuyu , Don't ! Please , Don't do this to me . Ayokong binibitawan mo ko" Umiiyak kong sabi sa kanya.

"I'm So Sorry" Umiiyak na sabi ni Tzuyu . Nagulat ako nang itutok niya ang patulis na kahoy sa tiyan niyan . Nanlaki ang mata ko nang isaksak niya sa tiyan niya ang patulis na kahoy na hawak niya .

"Tzu---Tzuyu !!!!" Sigaw ko sabay takbo sa kanya . Bumagsak siya . Mabuti na lang at nasalo ko siya . Lumuluha na siya . Hinawakan ko siya sa mukha . She's looking at me .

"Da--Dahyun , Sorry sa lahat" Sambit niya sabay hawak sa pisnge ko . Ngumiti siya kahit na lumuluha siya . Naghihingalo siya ngayon .

"Tzuyu ! Don't do this to me ! Please" Umiiyak kong sabi .

"This is the end , Mahal kita" Sambit niya . Bigla nang pumikit ang mata niya .

"Tzuyu !!! No !!!" Sigaw ko habang umiiyak.

Ang sumunod na nangyari --- Napaiktad ako sa hinihigaan ko . Napasigaw ako .

"Tzuyu !!!" Sigaw ko nang magising ako.

Gulat na gulat ako sa nangyari. Hindi , Isang masamang panaginip pala yun. Akala ko totoong mawawala na si Tzuyu .

Napahawak ako sa ulo ko . Ano ba naman 'to ?! Sa dinami-dami ng pwedeng mapanaginipan ko , Bakit 'yun pa ?!

Natigilan ako dahil naalipungatan si Tzuyu .

"What's wrong ?" Tanong ni Tzuyu sakin sabay bangon at tabi sakin .

Ewan ko ba pero bigla ko siyang niyakap nang mahigpit . Akala ko kasi totoo na , Akala ko mawawala siya sakin nang tuluyan . Hindi ko kaya .

"Da---Dahyun" Mahinang sabi ni Tzuyu habang yakap ko siya .

Mabuti na lang at safe siya . Mabuti na lang talaga . Tumayo na ko at bumitaw sa kanya . Lumabas muna ko sa tent at tumapat sa apoy . Tiningnan ko ang relos ko .

4AM na pala , Malapit na . Mamaya maliwanag na . Napayuko na lang ako . Bigla namang tumabi si Tzuyu sakin . Bigla niya kong hinawakan sa pisnge sabay harap sakin.

"What's wrong ? Ayos ka lang ba ? Dahyun , Talk to me . Please" Nag-aalala niyang tanong sakin .

Imbes na sumagot sa kanya . Napaluha na lang ako . Akala ko kasi talaga , Hindi ko na siya makakasama ulit. Bakit ganito ang nararamdaman ko ?! Feeling ko --- Ayoko na siyang mawala sa tabi ko .

"Why are you crying ? Tell Me" Tanong niya sabay punas sa luha ko.

"Don't leave me , Please , Be Safe" Umiiyak kong sagot sa kanya .

Precious Love (WOKDH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon