DAHYUN'S POV :Maya-maya , Bigla na kaming may narinig na parang padating . Nagkatinginan kami ni Tzuyu .
"Handa ka na ?" Tanong ko sa kanya.
"Yes!" Sagot niya sakin sabay smile pa .
Ayan na sila , Nakita na namin ang Private Plane na dumadating . Agad na kaming kumilos ni Tzuyu . Nagtatakbo si Tzuyu sa loob ng tent habang ako pumuwesto sa isang tabi sa labas .
Simulan na ! Hahahaha 😂😂😂😂😂
Nang mag-land na ang Private Plane sa isang tabi , Nagmadali nang lumabas si Nayeon Unnie at Jungyeon Unnie . Nakita nila ko at agad akong niyakap nang mahigpit . Siyempre , Sinimulan ko na ang acting . Lol
Seryoso ang mukha at para bang sawang-sawa na sa lugar na 'to .
"Dahyun-Ah !" Sigaw nilang dalawa sakin . Seryoso lang ako habang yakap nila . Napatingin sila sakin.
"Bakit ? Bakit ganyan ang mukha mo ?" Tanong nila.
"Obvious ba ?! Iniwanan niyo kami dito ng 2 Days eh" Seryoso kong Sagot .
"Sorry na , Wala na kaming choice eh . Wag ka nang magtampo" Sabi ni Nayeon Unnie sakin.
"Tsk ! Umuwi na lang tayo" Seryoso kong sabi sabay kamot sa ulo .
"Si Tzuyu ?" Tanong ni Jungyeon Unnie.
"Nandun sa loob ng tent ! Ilayo niyo na sakin 'yun , Nakakasawa nang makita ang mukha niya" Sambit ko . Siyempre acting lang 'to !
"Hala ! Hindi parin kayo nagkakaayos ? Wala paring balikan ang TzuDa ?" Tanong nila sakin.
"Wala ! Tsk , Bilisan na lang natin . Ayoko na dito !" Sabi ko .
"Si---Sige" Malungkot nilang sagot sakin.
Nilapitan na nila si Tzuyu sa loob ng tent . Hahaha 😂😂😂 . Gustong-gusto ko nang matawa dahil sa pagka-dismaya nila . Kinausap na nila si Tzuyu .
"Let's Go Home !" Seryosong sagot ni Tzuyu sa kanila . Ginagalingan din ni Tzuyu eh . HAHAHA.
Palalabasin naming hindi parin kami okay na Tzuyu . Kunwari di effective ang buwisit na plano nila . Lol .
"Tzu !" Tawag nila kay Tzuyu na pumunta na sa Private Plane .
Lumingon sakin yung dalawa .
"Tara na !" Sabi ko sabay punta nadin sa loob ng Private Plane .
"Si---Sige , Kami nang magpapasok ng mga gamit" Sabi nila samin.
Nagsimula nang maglagay ng gamit sa Private Plane yung dalawa . Tinulungan na sila ng Piloto 😂😂😂 . Sa loob , Nagkatinginan kami ni Tzuyu . Tawa kami nang tawa pero hindi malakas para di nila marinig habang nagpapasok sila ng gamit .
Nang pumasok na sila , Agad kaming naglayo ng upuan ni Tzuyu na parang magkaaway padin .
"Hindi parin talaga kayo nagkakaayos ?" Tanong ni Jungyeon Unnie.
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanficThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...