TZUYU'S POV :Nakakailang text na ko kay Dahyun kaso ayaw niyang magreply . Naiintindihan ko naman siya eh . Alam kong hanggang ngayon masama padin ang loob niya sakin. Hindi ko siya masisisi .
Tanghali na , Ano na kayang nangyayari sa kasal ni Dahyun at Eunwoo ? Siguro ikinasal na sila . Lungkot na lungkot talaga ko. Wala na kaming nagawa eh .
Malungkot akong nakatambay sa Living Room ngayon.
"Pasensya na , Tzu . Hindi ka namin nagawang tulungan" Sambit ni Nayeon Unnie.
"Tama , Wala na tuloy" Sabi naman ni Jungyeon Unnie.
"At least naresbakan natin si Eunwoo" Sambit ni Chaeng .
"Ano na kayang nangyayari sa kasal nila ngayon ?" Tanong naman ni Sana Unnie.
"Siguro kainan na sa Reception" Sagot ni Momo Unnie . Pagkain na naman nasa isip .
"Guys , What if puntahan natin sila ?" Tanong ni Mina Unnie.
"Tsk , Kung alam lang sana natin kung saan sila ikinasal" Sambit ni Jihyo Unnie.
"Guys ,Wag na kayong malungkot . Ginawa niyo naman ang best niyo para tulungan ako eh . Mukhang wala na talaga" Sagot ko sa kanila .
Maya-maya , Nakatanggap ako ng text mula sa Unknown Number .
"Hello Tzuyu , Si Astro Eunwoo 'to . Kumusta na kayo ni Dahyun diyan ? Don't Worry , Pinalaya ko na siya . Hinayaan ko na siyang sumaya sayo . Make her happy . Okay"
Ano daw ?! Anong sinasabi niya ?! Tsk ! Paanong mapupunta si Dahyun dito ?! Lol ! Don't me .
"Sira ulo ! Kasama mo si Dahyun eh. Ikakasal nga diba kayo" Reply ko sa kanya.
"Sira ulo ka din ! Pinatakas ko siya kaninang madaling araw . Umalis siya dala ang kotse ko . Ibig sabihin hindi pa siya nakakarating diyan ? Hala !" Text ni Eunwoo .
"Aba ! Gusto mo na naman bang mabugbog ? Ano ?! Nasaan si Dahyun ?! Bakit hindi mo ihinatid ?!" Text ko.
"Ayaw niya eh . Siya na mismo ang nagdrive" Text ni Eunwoo.
"Saan ba yang place na 'yan ? Sumagot ka nang ayos kung ayaw mong malintikan samin ! Papunta na kami !" Reply ko.
Nagreply na si Eunwoo . Nalaman namin kung saan yung lugar na 'yun . Mabuti na lang at alam daw nila Nayeon Unnie . Mga galaera !
Nagsisakayan na kami sa Van . Siyempre , Harurot na naman ang pagmamaneho ni Nayeon Unnie ng Van .
"Omg ! Katapusan na natin !" Sigaw ni Chaeng.
"Biyaheng Langit !" Sabi naman ni Mina Unnie.
"Dahyun , We're coming for you !" Sigaw ni Jihyo Unnie .
Makalipas ang ilang oras , Dumating kami sa lugar sa probinsya kung saan dapat ikakasal si Dahyun at Eunwoo .
Agad kaming sinalubong ni Mrs.Kim na alalang-alala .
"May balita na ba kayo kay Dahyun ?" Malungkot na tanong ni Mrs. Kim .
"Wala pa rin po . Kayo po ?" Tanong namin.
"Wala padin eh . Kasalanan ko 'to . Pinuwersa ko siya . Sulat lang na pinaiwanan niya ang naabutan ko . Sinabi niyang may mahal siyang iba" Naiyak na ang Mommy ni Dahyun .
"Kung makita niyo po ba siya , Hahayaan niyo na siyang magmahal nang malaya ?" Tanong ni Sana Unnie sa kanya.
"Oo , Hahayaan ko na ang anak ko. Masyado kong naging mahigpit sa kanya" Sagot ni Mrs Kim habang umiiyak .
Sumulpot na si Eunwoo na halatang takot na samin. Dapat lang !
"Kumikilos na ang mga Police para hanapin si Dahyun" Sagot ni Eunwoo.
Dahyun , Nasaan ka na ba ? Nasaan na ba si Dahyun ?! Sana safe siya.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa nalaman ko sa Mommy ni Dahyun. Hahayaan na daw niyang magmahal ng malaya si Dahyun . It means may pag-asa kami .
"Tutulong po kami sa paghahanap sa kanya" Sambit ko kay Mrs. Kim .
Napatango na lang si Mrs. Kim samin. Napalingon naman kami kay Eunwoo na halatang natatakot samin . Nang lumakad muna si Mrs.Kim para makipag-usap sa mga Police na naghahanap kay Dahyun , Nilapitan na namin si Eunwoo.
"Please , Maawa kayo sakin. Pwede ko kayong idemanda" Sabi niya samin.
"Lol ! Sapakin ka lang namin eh" Sagot ko.
"Sorry na , Maawa kayo sakin" Sambit niya samin.
"Iyak muna , Haha !" Tumatawang sabi ni Chaeng.
"Tsk ! Bakit kasi hinayaan mong umalis nang mag-isa si Dahyun ?!" Tanong ni Jihyo Unnie kay Eunwoo.
"Kasi .... Sorry na" Sagot ni Eunwoo.
"Lagot ka samin kapag may nangyaring masama dun !" Sabi ni Nayeon Unnie kay Eunwoo.
"Sorry na nga eh . Maawa kayo" Sagot ni Eunwoo sabay pandalas ng layo samin.
Maya-maya , Narinig na namin ang iyak ng Mommy ni Dahyun. Naalerto kaming lahat . Agad kaming lumapit kay Mrs.Kim na umiiyak.
"Bakit po ? Ano pong balita ?" Tanong namin sa kanya.
"Yung anak ko , Huhuhu" Umiiyak na sambit ni Mrs. Kim.
"Bakit po ?" Tanong ko.
"Sabi ng mga police , Nakita na daw nila yung kotse na ginamit ni Dahyun. Bumangga daw sa malaking puno yung kotse . Naaksidente si Dahyun . Wala ang gamit niya sa kotse at wala rin siya" Umiiyak na sagot niya samin.
Hindi ! Hindi pwedeng may masamang nangyari kay Dahyun. No Way ~ Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ganun . Kasalanan ko rin 'to eh . Sana kung nasaan man siya ngayon , Ligtas siya.
Tinatry namin siyang tawagan kaso di namin siya ma-contact. Where are you , Kim Dahyun ?
"Hahanapin natin siya" Sambit ni Sana Unnie.
"Paano kung napahamak na siya ?" Umiiyak na Tanong ni Mrs.Kim.
"Wag po kayong mag-isip ng ganyan . Kilala ko si Dahyun. Matalino 'yun. Hindi po ako titigil hanggang makita ko siya" Sagot ko .
Hahanapin kita , Dahyun. Wait for me . I'll find you and fall in love with you again .
Yung feeling na akala mo kaya mo siyang kalimutan . Yung feeling na akala mo kaya mo talaga siyang bitawan . Yung feeling ba kahit anong gawin mo , Mahal mo parin siya. Yung feeling na pinagsisisihan mo lahat ng nagawa mo sa kanya dahil hanggang ngayon mahal na mahal mo parin siya .
To Be Continued ........................
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan ~ Grabeng deal 'to. Guys , Hindi ko man alam kung anong oras nag2K 'to , Maguud padin ako ng 5 Chapters . Late ako nang gising eh . Lol ! 4 Chapters pa para matapos ang deal . Ginusto ko 'to eh , Panindigan ko. Lol ! Hahaha .
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...