TZUYU'S POV :Kinabukasan , Gumising ako nang maaga . Medyo maga ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi . Ako pa ang unang nagising ng 7AM , Tulog pa ang ibang members . Matapos gumawa ng almusal para sa lahat , May biglang pumasok sa utak ko .
Ano kaya kung bisitahin ko si Dahyun sa kwarto ? Nilakasan ko ang loob ko . Mabuti na lang at hindi naka-locked ang pintuan . Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at nakita kong mahimbing ang tulog ni Dahyun at Sana Unnie . Dahan-dahan akong lumapit kay Dahyun . I looked at her sadly .
Naisip ko , Mahal ko parin siya pero wala na . Napailing na lang ako at inayos ang kumot niya . Mabuti na lang at hindi mabilis magising ang babaeng 'to .
Lumabas na agad ako ng kwarto at dahan-dahang isinara ang pintuan . Muntik na kong mapasigaw nang makitang nakatayo sa likuran ko si Jungyeon Unnie .
"Anong ginagawa mo ?" Tanong niya sakin . Jusko , Kagulat !
"Tsk ! Muntik na kong mapasigaw , Unnie !" Sabi ko.
"Anong ginagawa mo ?" Ulit niya.
"Wala !" Sagot ko.
"Aminin , Namimiss" Pang-aasar niya .
"Ewan sayo , Unnie !" Sabi ko .
"Magbati na kasi kayo" Sambit niya sakin.
"Bahala ka nga diyan , Unnie . Nagluto na ko ng agahan" Sabi ko .
"Yan ang gusto ko sayo eh . Good Girl !" Sabi niya sakin .
Napakamot-ulo na lang ako . Naupo muna ko sa Living Room at nagbasa ng libro habang hinihintay na magising ang iba .
9AM , Nang magising ang ibang members . Nagbabasa padin ako ng libro . Walang magawa eh .
"Yes ! May agahan na agad" Masayang sabi ni Momo Unnie .
"Si Tzuyu ang gumawa niyan" Sabi ni Jungyeon Unnie kay Momo Unnie .
"Magsabay-sabay na tayong kumain ng pritong itlog at sinangag" Sabi ni Jihyo Unnie .
I looked at Dahyun . Ni isang tingin o sulyap man lang hindi niya ko binibigyan . Grabehan , Naka-move on na agad ?
"Sorry Guys , May bibilhin pa kasi ako sa labas eh . Kayo na muna ang sabay-sabay kumain" Sabi ni Dahyun sa lahat . Natigilan ako . I looked at her sadly .
Nagulat ako nang hawakan niya sa kamay si Momo Unnie na akma na sanang kakain .
"Why ?" Tanong ni Momo sa kanya.
"Come with me , Sabay na tayo kumain mamaya" Sambit ni Dahyun kay Momo . Pumayag naman si Momo Unnie at tumayo na . Napatingin din si Sana Unnie sa kanila .
"Saan pupunta yun ?" Tanong ni Chaeng samin.
Umalis na sina Dahyun at Momo Unnie nang magkasama . Napayuko na lang ako .
"Say Ah , Jungyeonie ~" Sweet na sabi ni Nayeon Unnie sabay subo ng isang kutsarang pagkain kay Jungyeon Unnie.
"Ikaw naman , Nabongs" Sambit ni Jungyeon Unnie kay Nayeon Unnie sabay subo din ng isang kutsarang pagkain .
BINABASA MO ANG
Precious Love (WOKDH II)
Fiksi PenggemarThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...