Nangyari to, since i was 12 or 13 years old, kasama ko yung panganay kong kapatid. Ganito yun. May bahay pa kami sa likod ng bahay namin. Yung sa likod, kubo lang siya, pero may silong, mataas na silong. At dun sa bandang right. May aso na nakatali. Para may bantay na rin.
Doon din natutulog sila mama, at papa. Presko kase matulog sa ganung kubo. Sa loob, may higaan din naman, kama siya. Di naman di kase gaanong malawak sa loob, sakto lang. May sala din siya.
One night, inaaya ako ng kapatid ko na panganay na matulog sa kubong yun, sa kabilang bahay kase ako natutulog hindi dun sa kubo na yun.
So, pumayag nalang ako, dun kami nahiga sa sahig, kawayan lang siya kase may silong nga diba.Hmm unang gabi kong matutulog ako dun, andun naman sila mama,kasu sa kama nga lang sila, at kami sa sahig ng kapatid ko. Yung kapatid ko, tumboy siya ha. Yung unang gabi ko dun, nagising ako ng madaling araw, kwarter to 1am, nagising ako sa katok sa may uluhan namin. Ang lakas kase tiaka ambilis ng pagkakatok. Yung para bang nagmamadali. Ginigising ko yung kapatid ko, kase katabi ko lang naman siya, paulit ulit kase yung katok sa may bandang uluhan namin, nakakatakot na ako nun, gusto ko sana silipin sa bintana yung kumakatok, kasu natatakot ako. Wala naman sigurong tao na kakatok sa ganun na oras, tiaka kung meron man, magsasalita naman yun diba. Sa takot ko, dahil di nagigising yung kapatid ko natulog na lang din ako. Hinayaan ko nalang yung kumakatok na yun.
Kina'umagahan kweninto ko sa ate ko, na may kumakatok nga kagabe sa may uluhan namin, tumawa lang naman siya. Sabi naman ng kapatid ko, naririnig niya daw talaga yun, kaya nga daw dun niya ako pinatulog.
Hindi lang isang gabi na may kumatok dun, paulit ulit din, ang tantya ko. May laktaw na isang gabi, kina'gabihan, meron nanaman kumakatok.
Gabi na, nagising nanaman ako sa katok sa may bandang uluhan namin ng kapatid ko. Pagmulat ko, gising yung kapatid ko, pinakikinggan lang niya yung katok. Sanay na rin kase yun kase dun siya madalas matulog eh. Nag sign siya saken na wag maingay. Di naman ako umimik. Nakita ko yung kamay ng kapatid ko na nasa may uluhan. Inisip ko na baka siya yung kumakatok. Kaya kinuha ko kaagad yung kamay niya. Pero nung hawak hawak ko na yung dalawang kamay niya, may kumakatok parin. Palakas ng palakas yung pagkatok. Naiiyak nalang ako sa takot nun. Para kaseng meron talagang tao sa labas. Pero impossible naman, dahil kung may tao dun, tatahol naman yung aso namin, dahil sa parting yun, may nakatali dun na aso.
Tumayo yung ate ko,para tingnan kung may tao nga ba sa labas. Palakas kase ng palakas yung katok. Pagsilip ng ate ko, wala naman daw siyang makitang tao sa labas. Pagsilip mo kase sa bintana, makikita mo kaagad kung sino man yung tao na andun, pero wala naman daw siyang nakita.
Sabi ng ate ko, talagang may kumakatok talaga kahit nga 11pm pa lang daw ng gabi minsan, may kumakatok na daw kaagad, tapos babalik ng madaling araw.****