Mga 12 ng hating gabi non, nagpphone lang ako kase di pa naman ako inaantok nung mga oras na yon, maya maya naisipan ko na mag lista sa notes ko sa phone ng magsasayaw saken sa debut ko. Mga nasa 16 palang ata ako nun that time pero naeexcite kase ako na mag 18 na, edi yun nga lista ako ng lista hanggang sa matapos ko na, yung pang 18 na magsasayaw saken binura ko tapos nilagyan ko ng dash (-) para blanko. Maya maya ulit napaisip nanamn ako, kung bakit naglilista na agad ako ng mga magsasayaw saken e masyado pa namang maaga para pagplanuhan yun, tsaka baka naman pagdating ng araw ng debut ko may wala na sakanila, edi ayon natulog na lang ako . Kinabukasan, paggising ko nagtataka ako bat ang lungkot ng tao samen yun pala namatay yung pang last na magsasayaw saken na binura ko sa notes ko.
*****
