Shared Story from Kirby Gumbason,
fb friends :) Salamat sa pag share, heto na yung story mo. :D
Nagbakasyon ako kasama ang ate ko sa probinsya namin sa Samal. mga bandang 5ng hapon inutusan ako kasama ang pinsan ko para bumili. may mga ghost story na talaga dun sa province namin haha.
Dahil malayo yung tindahan sa bahay namin medyo natagalan kami sa pag-uwi kasi di naman kami mabilis maglakad syaka di rin naman kami nagmamadali ng pinsan ko.
Pero nung araw ding yun mga 1pm ata eh tumatahol yung aso ng kapitbahay namin. pero medy malayo yung bahay nila probinsya eh. so yun na nga, mga bandang 6pm na kami nung pabalik sa bahay. may crossing na daan bago kami makauwi. nag-uusap kami nong pinsan ko. sabi niya " pinsan, kung ikaw lang mag-isa umuwi galing sa tindahan kaya mo kaya?" naitanong niya sakin yun kung kaya ko ba kasi madilim na talaga doon sa samal pagpatak ng 6pm.
Sagot ko naman "OO. Pero kung may tao naman akong kasabay di naman siguro" sabay turo ko sa isang lalaking nakaitim habang nakaduko sa may unahan nami. pero medyo malayo2 siya. mga 8 bahay ang layo sa amin. then pagtingin ulit namin sa lalaki nawala. ayun! biglang nagtaasan ang balahibo namin. kasi walang tao talaga pagtingin namin sa paligid. taps naalala pa namin na tumahol pala yungaso ng kapitbahay namin non ng nakakakilabot at doon pa mismo sa pwesto kung saan nakita namin yung lalaking nakaitim. kaya ayun, halos lumipad na kami sa sobrang bilis naming magpinsan kung tumakbo. Swear di ko talaga yun makakalimutan.
***
