Japan Surplus

37 0 0
                                    




Gusto ko lang po mag share ng kwento about sa mga nabibili sa Japan surplus. Ang pinsan ko kasi one time bumili siya ng isang dresser sa isang Japan surplus, She put it in her room at sobrang ganda at okay pa naman ang quality. Then since the first night, she is having nightmares almost everyday, minsan akala nia nananaginip lang siya na may babae sa salamin ng dresser na nakatingin sakanya, and minsan din nananaginip siya na siya ung nasa loob ng salamin at may matandang babae na nakatingin sakanya na nasa kwarto niya. Medyo stress kasi ang work ng pinsan ko at workaholic talaga, so akala niya ang mga nanguayari sakanya at napapanaginipan niya ay dahil lang sa pagod at stress na dala ng kanyang trabaho. One time nagkasakit siya, ay pinuntahan siya ng tatlong friends niya simula pa noong college. Yung isa, itago natin sa pangalang Riza, nakakita at nakakaramdam pala. Si ate Riza, ayaw pumasok sa kanyang kwarto, para siyang balisa at di mapakali. Yun pala nakikita niya ung matandang dating may ari ng dresser na nakatingin ng masama sakanya(alam ata nung multo na nakakakita siya). Sabi ni ate riza na itapon na daw ng pinsan ko ang dresser or ibenta, kasi ang dating mayari ay galit dahil ito ay isa sa mga favorite things niya noong nabubuhay pa siya kaya nakakulong ang mga memories niya doon pati na kaluluwa niya. Agad pinaalis ng pinsan ko ang mga gamit niya doon, at kinontak ang may ari nung shop kung saan niya binili, Pwede pa naman daw ibalik kaso half nalang ang makukuha niya since medyo nagtagal ng konti sakanya ang dresser. Sa mga mahihilig po bumili Sa japan surplus jan, or mga second hand na gamit, make sure po na buhay pa may ari or walang sabit na kaluluwa.






*****

True Ghost StoriesWhere stories live. Discover now