From laguna po ako. Nawowork somewhere in calamba. Kagabi lang kami nagkwentuhan nang aking mga katrabaho regarding paranormal experience since night shift po kaming apat sa linya; ako, ate chi, velle and Tin. Kanya kanyang kwento nang bawat isa. Since ako ay di naman palakwento sa mga experience ko, i insist na makinig na lang sa kanila.
Until nagkwento si ate shi ( summary na yung kwento niya samin) about sa babaeng asawa ni kuya F. Si kuya F ay katrabaho namin pero operator sya ng machine. Yung asawa po nya ay nagdadalang tao nung time na yun. Kaso ang nangyari ay biglaan. Na hit in run po yung asawa ni kuya F last January 2019 and she's more than 20 years old. I dont know the exact age po ng asawa nya. Basta nasa range po ng 20 years old pataas. Yun po ang naging sanhi nang pagtatapos ng kanyang buhay. Masyadong maaga.
It happened that one also of our co worker na si Mary. She saw a ghost inside sa production area kung saan rin nakapwesto si kuya F. Laging nakikita ni Mary yung babae. So Tinry nya itong kausapin. Gusto nya daw pong sumanib sa katawan ni Mary upang makausap si kuya F. Maaaring sinundan ng namatay na asawa dahil sa biglaang pagkamatay neto.
Ayaw nyang sumanib ito saknya dahil baka daw mamihasa. Kinausap na lang ni mary nang maayos na tanggapin na lang na hindi na maibabalik pa ang nawala nyang buhay. And a sweet prayer for her.
Di naman ako masyadong kinilabutan sa kwento ni ate shi dahil normally ganun po talaga kapag yung isang ghost ay may naging malagim na pangyayari usually hindi matanggap ang sinapit. Minsan humihingi ng tulong sa mga buhay para sa hustisya. Minsan rin nagpapakita ito sa tao na iba iba ang itsura depende kung paano nya i actual yung nangyari sa kanya bago sya maging ghost.
*****
