Dati, di ako naniniwala na may dalang malas, o masama nga daw yung itim na pusa. Pero nung napatunayan ko, namin na totoo nga, naniwala na ako.
Nasa hospital kami noon, diba nga na hospital yung lola ko, dahil na stroke siya. Sa isang malaking kwarto na yun, mga matatanda ang na andun, naka confined rin sila kagaya ng lola ko, ang kina ibahan lang, eh yung lola ko, comatose na. Masakit man isipin pero yun yung sabi ng doctor, nung una sabi nila, pwede pa daw makauwe yung lola ko, kase stroke lang naman daw, pero hindi pala.
Yung mga kasama ng lola ko dun sa kwarto na yun, ay malalakas pa, yung nasa left side ng lola ko, sobrang lakas parin, high blood daw yun, nakakapag wala pa nga yung babae na yun eh. Yun naman nasa may right side ng lola ko, lalaki naman siya, bagong pasok lang , comatose narin siya di na rin nagigising. Yun namang nasa front namin, okay naman, may oxygen lang na nakakabit sa kanya, pero malakas pa naman din siya.
May napansin narin akong pusang itim dun sa may bintana, sa left side ng room na yun. Nasa labas lang siya, hindi siya umaalis dun.
Yung lola ko, nakakausap mo pa siya, nakakapag salita parin, nung dumating na yung pinsan ko at yung asawa ng tito ko, at yung isa ko pang tita, na anak na panganay ng lola eh, eh sila nanaman daw yung magbabantay. Kasama nila yung mama ko.Kina'umagahan bumalik ulit ako sa hospital na yun, kami na naman ni mama yung nag babantay kay lola, yung pusa, nakita namin na pumasok tapos pumunta dun sa ilalim ng kama nung isang pasyente, na nasa front namin, binugaw naman nung nagbabantay, malas daw kase yun. Pagbalik ko kina'umagahan, wala na yung pasyente na nasa front, tinanong ko kay mama, sabj ni mama namatay na daw kaninang madaling araw.
Yung pusa, na itim nakita ulit nila mama na pumunta ulit sa ilalim nung nasa right side namin na pasyente. Di nagtagal, namatay din daw yung lalaking yun. Sumunod naman daw yung babaing katabi ng lola ko na nasa left side, pumunta din daw sa ilalim ng kama yung itim na pusa, at kinaumagahan namatay din daw yung babae, hindi nga ako makapaniwala dahil, ang lakas lakas pa nung babae na yun, kaysa sa lola ko, pero mas nauna pa siya namatay.
Sila mama naman at yung mga tita ko, nag iisip pa din tungkol dun sa pusang itim na yun, malas daw talaga yun, sa ilalim pa ng kama, tumatambay.
Ang ginawa ni mama, sinara niya yung bintana sa may left side, baka daw kase pumasok ulit at sa lola ko na pumunta.
Maya maya napansin ng tita ko na yung pusa eh nasa ilalim na ng kama ng lola ko. Galit na galit yung tita ko.
"Lumayas ka ngang bwesit na pusa ka diyan!" Binato pa daw ng tita ko palabas, ang pinagtataka daw nila, eh kung saan daw ito dumaan, dahil sinarado naman daw nila yung bintana, at impossibleng papasukin naman yun sa pintuan na pusang itim na yun.Pagsapit ng madaling araw, namatay na din yung lola ko nun. Yung mga tita ko, na galit dun sa pusang itim. Masamang pangitain daw talaga kase yung pusang itim, lalo na kung sa hospital mo pa sila makikita.
****