Just call me zel. 1st year college na ko ngayong school year. Actually, hindi ako naniniwala sa mga ghosts na yan, or elements or kung ano-anong kababalaghan. But when this unforgettable experience of mine happened, nag-iba na ang pananaw ko. This story that I'm going to share happened very recently. Hindi ako magaling na story-teller, so I apologize in advance.
Eto na nga, I have a bestfriend named Gail. She's my bestfriend for almost 12 years. Kasi grade 1 palang ako magkaklase na kami. My dad died nung grade 1 ako, kaya si mommy nagpunta ng ibang bansa to work. Magkapit-bahay lang kami ni Gail, at dahil classmates kami, lagi kaming magkasama. Grade 3 ako nung umuwi ako sa province namin to study. Magastos kasi kung may yaya kami and hindi mapalagay si mommy na yaya lang kasama namin ni kuya at ate sa bahay. Kaya she sent us sa province namin. Dun sa parents ni mommy.
To cut the story, every uuwi si mommy sa Philippines, umuuwi din kami nila kuya sa Manila. Grade 6 ako nung bumalik kami sa Manila. 1 year si mama dito sa Philippines, pahinga kasi muna siya. Kaya dun ulit kami nag-aral sa Manila.
Magkasama ulit kami ni Gail. Hanggang sa mag highschool ako. Pabalik-balik ako sa Manila-Province, Manila-Province. And every summer din, umuuwi din kami sa Manila para magbakasyon. As time passes by, mas naging super close kami ni Gail. She's a kind of friend na talagang hindi mo gugustuhin na mawala. Gail is irreplaceable. She's sweet, very innocent at napakabait niya.
This April lang, andito kasi ako nun sa probinsya namin, nag chat si Gail sa akin. She's asking kung uuwi daw ba ko. I told her na uuwi ako after nung graduation namin. Me and Gail are very excited to see each other again. We planned where we are going to go. To celebrate our graduation na din. We planned many things. We also decided na magpunta sa Taguig, yung Venice Grand Canal dun. Sabi kasi ni Gail, maganda daw dun.
May 5, yun yung araw na pumunta ako ng Manila with ate and kuya. Nagtataka ako kasi deactivated yung mga social media accounts ni Gail. FB, Twitter, pati IG niya. Hindi ko siya macontact.
And sadly to say, lumipat na pala sila sa province nila sa Cebu without me knowing. Iba na yung nakatira sa dati nilang bahay.
May 7, kakauwi lang namin from MOA, nung magchat si Gail sa'kin.
She's asking if I'm free tomorrow. Labas daw kami. Gawin namin yung mga pinag-usapan namin.
Kaya the next day, May 8. Nagkita kami ni Gail. She welcomed me with a hug. Ang ingay ni Gail. Andami niyang kwento. She congratulated me kasi graduated na ko ng senior high. I also did the same thing to her. That day, nagpunta kaming Taguig like what we planned. Kumain kami sa isang restaurant dun sa mall. We have fun. Sumakay pa kami ng bangka. It's her treat. Super saya namin. Nung inalabas ko yung phone ko to take selfie with her, I was so shock kasi lowbat. Pero last time I checked it 90% pa yun. I ask Gail's phone kaso wala daw siyang dalang phone. Weird. Gail always bring her phone everywhere. Sabi ko sayang, wala kaming souvenir.
"Photos will fade away, but your smile will marked here in my heart. Forever."
That's what she said. Inasar ko pa nga siya kasi inenglish-english ako.
I won't forget any single thing we did that day.
Umuwi ako sa bahay na super pagod sa dami ng pinuntahan namin ni Gail. Puro pa kami lakad.
Ichacharge ko na sana yung phone ko kaso pagtingin ko 50% pa siya. Nagtataka man but I decided to ignore it. I opened my messenger to chat Gail so I can ask her kung nakauwi na ba siya. But what makes me shock, wala yung convo namin ni Gail kaninang umaga bago kami magkita. Wala yung usapan namin kung san kami magkikita. Wala yung chat namin that day at kagabi.
Dun ko narealize that there's something wrong here. Yung huling convo is nung April pa. Kaso napakaimposible ng imagination ko, nahawakan ko at nakausap si Gail nung araw na yun.
Habang nag-iisip ako nung time na yun, nag pop up yung chat head ng messenger. Pinsan ni Gail.
'Wala na daw si Gail. Inatake sa puso. One week sa hospital na walang malay. Pero tuluyan na siyang nawalan ng heart beat nung mismong araw na yun.
Napahagulhol ako nun. Gulong-gulo hanggang ngayon. At habang tinatype ko ito, naiiyak sa sobrang lungkot. Nahihibang na ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
At yung araw na yun, debut pala ni Gail yun. Hindi ko man lang alam. Hindi ko naalala. Napakawalang kwenta kong kaibigan.
Sorry Gail. Sorry.
*****
